Chapter 21

54 26 2
                                    


Nakatulala lang ako habang narito kami ni Baltazar sa kanyang room upang mag-practice ngunit hindi ako makapokus nang maayos dahil iniisip ko ang sinabi ni Akaenyo.

Hindi ko alam kung bakit tumatak sa isip ko ang mga salitang iyon. Masyadong nangangamba ang puso ko sa tuwing naaalala kong magkakaanak sila. Hindi ko ma kontrol ang sarili ko na sakalin si Akaenyo kung makita ko muli siya.

Hindi ako makatulog ng maayos. Hanggang sa sumikat ang araw ay nakatingin ako sa labas ng balkonahe. Nakakaramdam din ako ng pagod ngunit hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa kanilang dalawa.

Ano bang mayroon sa sinabi ni Akaenyo at parang sumpang tumatak sa aking ulo? Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung ano ang maaari kong gawin sa kanya.

Ano nga ba?

Bumaba ako sa aking kuwarto at nadatnan ko si Suga habang nagbabasa ng diyaryo. Tumabi ako sa kanya at tiningnan ang binabasa niya. Umiwas agad ako nang makita ko ito. Hindi naman importante.

"Nag-away daw kayo ni Alessandra." Pagod akong lumingon sa kanya at tumango na lang ako.

"Saan mo narinig?"

"Sa kanya." Seryusong sagot nito habang nakatingin sa diyaryo.

"Galit ka?" Pagtatanong ko rito pagkatapos ay hinawakan ko na lang ang leeg ko upang masahiin.

"No, I'm just worried about you." Gusto ko sanang maniwala na nag-aalala siya sa akin ngunit wala akong makitang pruweba na tapat ang kanyang sinabi.

"Ganon ba? Salamat sa pag-aalala." Tugon ko sa kanyang sinabi kasabay nang pag-hikab ko.

"Hindi ka nakatulog?" Seryuso nitong tanong ngunit nakatingin pa rin siya sa diyaryo.

"Oo." Tanging sagot ko habang humihikab. Tinatakpan ko ang bibig ko gamit ang aking kamay.

"Bakit? May problema?" Ngayon ay tumingin siya sa akin. Umiling na lang ako sa tanong nito.

"Nothing, sadyang hindi ako makatulog." Sabay baba ko sa aking kamay na nakatakip sa bibig ko.

"Something bothering you?" Umiling ulit ako sa tanong nito dahilan upang ibalik niya ang tingin niya sa diyaryo. "If you have some prob, don't be shy to come with me. I'll solve that for you." Seryuso nitong sabi.

"Sige, tatandaan ko iyan." Tanging nasabi ko.  Aalis na sana ako ngunit napahinto ako dahil sa sinabi nito.

"Anyway, Enyo. Pwede ba tayong lumabas sa darating na sabado?" Lumingon ako sa kanya at nakita kong totoo ang kanyang alok sa akin. Napatingin na lang ako sa kanya. May kakaibang nangyayari sa kanya. Hindi na niya ako tinitingnan ng masama. "But, never mind if you don't." Sabi nito nang makitang nakatitig lang ako sa kanya.

Bakit ko naman tatanggihan ang unang alok ni Suga? Gusto ko rin makita ang labas ng Necrocius na hindi dumadaan sa kagubatan. Hindi lang iyon, makakatulong ito sa akin upang makapag-masid sa kapaligiran ng Necrocius.

"Bakit hindi? Pumapayag ako Suga." Ngumiti ako sa kanya ng kaunti ngunit nakatingin lang ito ng seryuso sa akin pagkatapos ay binalik ang paningin sa diyaryo.

"Sige, makakaalis ka na." Seryuso nito. Napanganga naman ako sa sinabi niya. Ganon lang? Hindi ba niya nakita na nakangiti ako sa kanya?

Oo nga pala, siya si Suga kaya bakit naman ako aasa na ngingiti ito sa akin pabalik? Baka mag-taka pa ako kung ngitian ako nito bilang tugon.

Napabuntong hininga na lang ako nang bumaba ako sa kotse habang nakatanaw sa mataas na gate ng Luna University. Hinakbayan ako ni Isagani nang papasok kami rito. Nakita ko naman ang tingin ni Suga sa kamay ni Isagani na nakahakbay sa akin. Ngunit hindi ko pinansin ang mga tingin nito.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now