Chapter 32

34 16 1
                                    


Hindi na tinatawag ang pangalan ng mga sumali sa dance competition na ito kaya maraming nagugulat kapag nag-uumpisa nang mag-perform ang mga sumali.

Napapasigaw na lang sila. Kami ang susunod na sasayaw sa entablado matapos gumanap ang kasalukuyang nag-peperform. Hindi na ako nanuod sa ibang performers.

Nang matapos ang nagsasayaw sa entablado ay kami na naman ang pumunta. Walang ilaw muna. Huminga muna kami ng malalim bago kami magsimula. Sinimulan na ang musika kasabay nang pagbukas ng ilaw at doon ay dahan-dahan akong naglalakad patungo sa unahan.

Taas noo akong naglalakad habang papunta kay Baltazar. Narinig ko naman ang mga hiyawan nang makita nila kami, nakakabinging ingay. Ang lakas talaga ng kamandag ni Baltazar sa mga babae. Hindi rin nag-tagal ay tumahimik sila upang mapakinggan ng maayos ang musika.

Nakangisi sa akin si Baltazar nang magkalapit kami pero seryuso akong nakatingin sa kanya na tila nanlalandi ang mga mata ko. Mas lalo akong naging kumpiyansa sa sarili nang mapatingin ako sa mga judges. Ako sana ang magugulat dahil naroon si Kurozul at Suga ngunit mas lalo akong naging maliksi sa paggalaw. Kasama pala sila sa mga judges.

Dahan-dahan kong niyakap si Baltazar habang nanatiling nakatingin sa dalawang judges na kilala ko pagkatapos ay inilagay ang ulo ko sa leeg ni Baltazar na tila hinahalikan ito habang nakatingin pa rin ako sa kanila.

Nabibigla man si Baltazar sa mga galaw ko ay sinasabayan na lang ako. Nang itaas ko ang mga binti ko ay dahan-dahan naman nitong hinahawakan. Napatingin ako sa kanya pero napangisi lang ito ngunit agad akong tumingin muli sa dalawang judges.

Nakikita ko ang pagluwag ni Kurozul sa kanyang necktie habang napapalunok maging si Suga ay hindi maalis ang tingin sa akin. Ang sama ng tingin niya.

Tumingin na lang ako kay Kurozul habang nanlalandi pa rin ang mga mata ko sa kanya na para bang inaakit siya. Umikot ako kay Baltazar pagkatapos ay idinikit ko ang katawan ko sa kanya na para bang pinagseselos ang lalaking tinitingnan ko. Tila tumatalab naman ang ginagawa ko dahil sa mata niyang nakatingin sa makinis kong legs at maging sa baywang ko na hawak ni Baltazar. Nakita kong napakagat na lang ito sa kanyang ibabang labi.

I'm enjoying this tango dance!

Nang matapos kaming magsayaw ni Baltazar ay agad din nawala ang ilaw. Bumitaw naman ako kay Baltazar at nagmamadaling pumunta sa banyo dahil nasusuka na naman ako. Naramdaman ko naman na sumama si Baltazar.

Matapos kong magsuka ay pinunasan ko ang aking labi gamit ang tissue. Bumuntong hininga ako pagkatapos ay pagod akong tumingin kay Baltazar. Nagtataka itong nakatingin sa akin.

"Tell me Enyo. Are you pregnant?" Napalunok naman ako nang itanong niya iyon sa akin. Umiling na lang ako sa kanya pero marahan niyang hinawakan ang pulso ko. "You're lying." Sabi niya pagkatapos ay binitawan ang kamay ko.

Napapaatras naman ako nang sabihin niya iyon.

"Anong ibig mong sabihin?" Natatakot kong tanong sa kanya kasabay nang pag-agos ng aking mga luha.

"Look, Enyo. I think you don't believe me but trust me, you're pregnant." Napahawak na lang ako sa aking tiyan.

"How?" Tanging lumabas sa bibig ko.

"How? Itanong mo sa lalaking gumalaw sayo." Seryuso nitong sabi. "Wait, who's the father?" Biglang tanong nito. Tumingin naman ako sa kanya at napaisip.

Tumakbo ako nang mabilis ng mapagtanto ko ang nangyayari. Si Kurozul! Kasalanan niya ito! Kailangan niya itong panagutan!

Napahinto ako nang maisip ang isang bagay. Bakit ko naman sa kanya sasabihin na nabuo ang maling nangyari sa aming dalawa? Kaya ko naman sigurong palakihin ang bata.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now