Chapter 23

35 20 1
                                    


Hindi ako makatulog dahil sa pag-amin ko kay Kurozul. Kung may pagkakataon akong ibalik ang oras ay nais kong pigilan ang sarili ko sa pagtatapat ng aking nararamdaman kay Kurozul.

Iyon na ang kahiya-hiyang nagawa ko sa buong buhay ko. Pero anong magagawa ko? Nangyari na kaya wala ng atrasan to. Ngunit kahit anong pilit kong isipin na ayos lang ang pagtatapat ko ay hindi pa rin ako mapakali. Hindi kaya ng pride ko dahil sa nangyari. Lalo't pinagtawanan ako ni Kurozul matapos kong sabihin na mahal ko siya.

Napaka walang hiya niyang lalaki upang pag-laruan ang damdamin ko matapos niyang mag-tapat sa akin ng kanyang huwad na nararamdaman. Walang hiya siya!

At ako naman, ang daling na uto sa pakana ng lalaking iyon. Maging ako tuloy ay hindi ko alam kung paano ko iyon nasabi? Kaya ito at nagkukulong ako sa aking kuwarto buong magdamag.

Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Suga. Sabado ngayon kaya ito ang araw na pinag-usapan naming lumabas. Ngunit naiinis lang akong naka-upo habang katabi ko siyang nagbabasa na naman ng diyaryo.

Tumingin na lang ako sa mga nadadaanan naming nagsisitaasang puno. Walang gana ako ritong tumingin pagkatapos ay tumingin kay Suga ngunit ganon pa rin siya. Napaka-mature niya.

Akala ko mamamasyal kami ngayon sa Necrocius kaya nag-suot ako ng pulang-pula na drop waist dress na pinarisan ko ng sandal na kulay pula rin na may 4 inch na haba ang takong nito tapos naka long wavy hair lang ang buhok ko. Nag make-up din ako ako ng kaunti.

Samantalang si Suga ay naka-suot ito ng kulay itim na pants maging ang kanyang polo tapos naka unbuttoned din ang dalawa nitong butones na pinarisan niya ng overcoat na kulay itim din. Bagay naman sa kanya lalo't naka long hair pushed back ang kanyang buhok. Makikita mo talaga kung gaano ito ka seryuso sa buhay.

Pagod akong lumingon sa front sit. Hindi naman sa ayaw kong sumama kay Suga. Sadyang naiinis lang ako ngayon dulot ng pagpapahiya sa akin ni Kurozul. Interesado naman ako sa pupuntahan namin ngayon dahil papunta kami sa Harthus City, sa mansyon ng mga Luna.

Mayroon kasing mahalagang pag-uusapan ang pamilyang Gigantomachia at Luna patungkol sa business ngunit hindi ko alam kung bakit kailangan pa akong isama ni Suga? Tiyak akong gulo na naman ang gagawin ko roon. Ang hirap pa naman magpigil lalo na sa pamamahay ng mga Luna.

Dumating kami sa mansyon ng Luna. At napanganga ako sa ganda nito. Nakapunta na ako rito ngunit hindi ko pinansin ang kagandahan nito. Napakaliwanag ng kanilang bahay, parang sa mga kuwentong patungkol sa mga engkantada mo lang ito nababasa. Gayunpaman, hindi ko gusto ito. Masyado kasi itong maliwanag.

Bubuksan ko sana ang pinto ng kotse ngunit nakita ko si Suga na papunta rito at siya na ang nag-bukas. Hindi ko napansin na nakababa na pala siya.

Tiningnan ko lang si Suga pero inilahad nito ang kamay niya sa akin. Napataas naman ako ng kilay dahil sa ginawa niya. Ano 'to?

Hindi ko sana tatanggapin ngunit nakita ko pa ang ibang kotse na kararating lang. Nakita ko ang pag-baba ng ibang babae sa kotse na nakalahad sa kanila ang mga kamay ng lalaki. Napaisip naman ako kaya tinanggap ko ang kamay ni Suga.

Marami akong nakikita na papasok sa mansyon ng Luna tapos ang gaganda ng kanilang mga suot na tila dadalo sa isang pagdiriwang. Napatingin naman ako sa pulang-pula kong drop waist dress na gawa sa silka ang tela nito kaya napahinto ako sa paglalakad habang hawak ang kabilang braso ni Suga. Napatingin naman ito sa akin.

"What?" Walang gana nitong sabi kaya nainis naman akong tumingin sa kanya.

"Anong what? Ipaliwanag mo kung bakit marami ang tao rito ngayon." Napabuntong hininga na lang si Suga pagkatapos ay tumingin sa akin.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now