Chapter 2

97 69 4
                                    


I tried to myself not to involve with this guy but I can't really avoid him because of his talkativeness. Nahahalata ko man sa kanya ang pangamba based on how did he talk to me ay hindi ko maipagkakaila na nakakatawa rin siya minsan. And also it's impossible not to be open minded to him.

We've been here to the tribe of Zuma at hindi nga siya nagkamaling masaya rito based on the people how they smile, that's irritating me!

They bowed to us to show their respect. No, not for me because its for Titus at kung makangiti siya sa kanila wagas! Ano bang papel niya rito sa lugar na ito at masyadong ginagalang? Nakakainis ang bawat ngiti nito.

"Maligayang pagdating, batang pinuno." They bowed to us and they just received a widely smile from Titus, parang tanga lang. Mapapansin mo sa lugar na ito ang pagiging malinis kahit mga kubo ang bahay dito na nagpadagdag ng kasiyahan sa lugar na ito.

Napahinto kami sa isang malaking bahay dito. Ito lang siguro ang nag-iisang malaking bahay na gawa sa kahoy bukod sa mga kubong dinaraanan namin kanina. Hindi rin masama ang bahay kahit parang mahuhulog na dahil sa laki nito basta malinis.

"Anak!" Napalingon kami sa aming likod ng may babaeng patakbo papunta sa amin at kita ko rito ang pagkasabik.

"Ina!" Sigaw din ni Titus dahilan upang mapa tingin ako rito. Huh? Napailing na lang ako at huwag pansinin ang mga katanungan sa aking isipan. Agad din sinalubong ni Titus ng mahigpit na yakap ang kanyang Ina at sabay buhat dito. Nakakasuka!

Matapos nilang maglambingan ng kanyang Ina ay pareho silang lumingon sa akin, mag ina nga naman, same vibes. 'Buti at naisip pa nitong ipakilala ako sa kanyang ina, akala ko natuluyan na silang magyakapan.

"Siya nga pala si Enyo, Aking Ina." Pagpapakilala nito sa kanyang ina na agad akong nginitian at may ibinulong kay Titus dahilan upang lumaki ang mga mata ni Titus. "Naku! Ina, nagkakamali po kayo." Taranta nitong sagot sa kanyang ina at agad ding may ibinulong dahilan upang lumaki rin ang mata ng kanyang ina.

Nakakairita na ito ah! Tumikhim ako upang ipahiwatig na nakakainis na ang kanilang ginagawa kaya sa akin sila tumingin.

"Ako nga pala ang Ina ni Titus, Ako si Tia Mitsu." Alam ko, katatapos niyo nga lang sabihin. Sabay lapit nito sa akin at agad hinawakan ang dalawa kong kamay dahilan ng aking pagkataranta kaya agad kong naagaw ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak. 'Kita ko naman sa mukha niya ang pagkadismaya at tumitig din ako kay Titus na tila hindi mapakali. Nginitian lang ako ng ina nito pero tiningnan ko lang ito habang magkasalubong ang aking kilay.

"Ina! Nagugutom na po kami, ang haba ng aming bineyahe para lang makarating dito." Pag-basag ni Titus sa pagtitigan namin ng kanyang ina.

"Ganon ba? Sige, pumasok tayo sa loob." Sabay hawak nito sa kabila kong kamay, tatanggi na sana ako kaso baka magalit na ito. Sabayan ko na lang upang hindi maputol ang kasiyahang kaniyang nararamdaman.

May taglay ding kagandahan ang kanyang ina, isang morena at hanggang balikat ko lang siya kaya naman ang daling nabuhat ni Titus kanina. Ang dalawang mata nito ang pinagmanahan ni Titus na may pagka-cute ang mga mata nito kapag nakangiti.

Pansin ko rin na lahat ng tao rito ay moreno at morena pero mga puti ang kanilang mga damit na nababagay din sa kanila. Ang mga uri ng mga damit nila rito ay nakabatay pa rin sa mga tradisyunal hindi tulad ng kinalakihan ko noon na mga moderno.

Hindi ko inaakala na may lugar pa palang ganito, pero hindi na nakakapagtaka dahil sa layo nito. Kung mas malayo ang Islang aking kinalakihan ay mas malayo ang Islang ito sa aking bayan.

"Umupo ka, Enyo." Umopo naman ako kung saan ang itinuro nito kasabay 'non ang paglagay nila ng mga pagkain sa aming harapan. "Magpakabusog kayo mga anak" Huh? Did she just call me daughter?

Tears of BloodWhere stories live. Discover now