Chapter 17

41 22 1
                                    


Bumaba kami sa kotse at bumungad sa amin ang naglalandiang babae at lalaki. Naghahalikan sa labas ng kanilang kotse. Hindi man lang sila nakahintay na makapasok o matapos ang klase. Talagang atat na atat sila.

Tiningnan ko nang mabuti ang lalaki at nagulat ako nang makita ko ito ng malinaw. Si Baltazar pala ang lalaki. Akala ko ba ayaw niyang madumihan ang kamay niya sa pag-hawak ng mga kababaihan? Ang landi rin noh?

Sumabay na lang akong mag-lakad sa magpipinsan na Gigantomachia. Parang normal na sa kanilang makita ang mga ganoong bagay, sadyang ako lang siguro ang hindi sanay na makakita ng mga ganoon.

"Wag kang hihiwalay sa amin, Enyo." Napatango na lang ako sa sinabi ni Giran. "Unless kung gusto mo rin makaranas nang ganoon?" Turo nito sa isa pang naghahalikan sa loob ng kotse. Napangiwi na lang ako sa pahiwatig nito.

"Wag kangang ganyan Giran, baka matakot tuloy si Enyo." Nakangiting sabi ni Isagani. "Pero malabo namang matakot itong si Enyo. Tingin palang niya sayo ay para ka nang sinundo ni kamatayan." Dagdag pa nito pero tahimik lang akong nakikinig na napansin naman nilang ayaw kong makipag-usap.

"Anyway, Enyo. Wag kang lalabas sa room niyo. Tiyak akong gulo na naman ang kalalagyan mo." Pagka-sabi non ni Suga ay nag-iba ito ng direksyon habang nakapamulsa pa rin ang dalawa nitong kamay.

Naramdaman ko nalang ang pag-hakbay sa akin ni Isagani. Tatanggi na sana ako pero hinayaan ko na lang. Naglalakad lang kami at puro daldal ang dalawa kong kasama kaya napagtitinginan tuloy kami ng ibang bampira na napapadaan.

Hindi rin nag-tagal ay nag-iba nang direksyon si Giran. Saan siya papunta? Akala ko ba walang iwanan? Wag nilang hayaan na ako ang lumisan sa kanila! Baka hindi na nila ako matagpuan!

"Saan siya papunta?" Pagtatanong ko kay Isagani pero ngumiti lang ito.

"Ah, sorry Enyo. Hindi pala natin kaklase si Giran." Napapakamot ito sakanyang ulo gamit ang kabila nitong kamay habang nanatiling naka-akbay ang kabila nitong kamay sa akin. "3rd year college kasi si Giran as an Architect, kaklase niya si Kurozul. Iyong lalaking gusto mong inumin ang dugo niya." Napangiwi na lang ako sa kanyang huling sinabi. Pinipilit ko ngang kalimutan ang pangyayaring iyon pero pinaalala pa sa akin. Maging siya ay hindi rin makalimutan.

Pumasok kami sa magiging room namin at doon bumungad sa akin ang magulong klase. Ano ba itong pinasukan ko? Gusto ko nang tahimik na buhay habang nagmamasid sa unibersidad na ito pero tila alam ko na ang kalalagyan ko. Tama nga si Suga. Gayunpaman, may sumilay na ngiti sa aking labi.

Habang nag-iisip ako ay hindi ko napansin na may bampira palang naka-upo kung saan ako nakatingin habang may mapag-larong ngiti sa aking labi. Napangiwi na lang ako nang tingnan ako nito ng masama. Masasabi kong kaunting pagkakamali lang ay pwedeng masira ang lahat. Delikado pala rito. Tingin palang, makakasira na.

Itinuro na lang sa akin ni Isagani kung saan ako uupo. Magkatabi lang ang upuan ko at ang kanya. Hindi na rin masama dahil nasa likuran ito tapos nasa gilid din ng bintana kaya natatanaw ko ang labas ng gusaling ito. Nasa pang-huli kaming palapag ng building na may 30 floor kaya maganda ang tanawin sa labas kahit hindi gaano kaliwanag.

Tinanaw ko ito at marami pa ring bampira ang nasa labas. Umupo nalang ako nang maayos at tumingin sa harap. Napatingin ako ng seryuso sa babaeng na misunderstood ang tingin ko kanina, nasa pinakaharap ito na upuan habang nakatingin sa akin. Naiinis itong tumitingin sa akin pagkatapos ay tumingin kay Isagani. Iba ang mga tingin nito sa lalaki. Pwede ko bang sabihin na may gusto ito kay Isagani? Maaari.

Napansin ko na pamilyar sa akin ang mukha ng babae. Hindi ko lang alam kung saan ko ba siya nakikita noon? Pero alam ko sa sarili ko na kilala ko siya. Hindi ko lang matandaan kung sino?

Tears of BloodWhere stories live. Discover now