Chapter 4

91 63 4
                                    


It's almost a years staying in this Island where the tribe of Zuma places. Ako ang naging heneral sa panghukbong Timog dahil sa pagkamatay ng kanilang heneral sa naganap na huling paglusob ng mga rouges.

Tinatanaw ko ang buong mamamayan ng Zuma mula sa balkonahe ng mga Mitsu, nakakagaan ng loob dahil sa katahimikan nito at sabayan mo pa ng mga sulo na nagbibigay liwanag sa kanilang mga tahanan.

Sa mga araw na lumilipas, palagi na akong nakakaramdam ng panlalamig na hindi ko na ipinagtataka kung bakit nangyayari sa akin ito. Limang buwan na lang at kaarawan ko na, maglalabing walo na rin ako.

Dinadama ko ang simoy ng hangin at ang pag dampi nito sa aking balat, hindi ko maipagkakaila na naging masaya ako sa lugar na ito. Ang sakit na nadarama ko noon ay tuluyan ko nang kinalimutan, ang galit ay tuluyan ng naglaho.

Naisip ko na masasayang lang ang buhay nila at pagod ko kung maghihiganti pa ako para lang sa ikakaligaya ko, hindi na maibabalik si papa at hindi maitatangging naitapon na ako sa Islang iyon kaya kahit mapatay ko sila ay hindi pa rin maibabalik ang mga bagay na nangyari na.

Dahil sa lugar na ito, nabawi ko ang kasiyahang ipinagkait sa akin. Walang oras na hindi ako nakakangiti dahil sa mga kalokohan ni Titus at pati ang mga tao ritong walang araw na hindi nila ako nginingitian.

Napayakap ako sa aking dalawang binti ng maramdaman ko ang lamig ng hangin. Nakasuot ako ngayon ng isang kulay puti na croptop at isa ring skirt na gawa sa silka ang mga tela nito na kulay puti habang nakalugay ang aking mahabang buhok, dinadama ko lang ang lamig dahil tila nakakagaan ng pakiramdam.

Habang nakatanaw sa magandang tanawin ay nakaramdam ako ng isang kumot na ipinatong sa aking likuran, nang lumingon ako sa aking likuran ay ngumiti ako sa lalaking ito habang ang mukha niya ay nag-aalala.

"Hindi ka dapat narito." Sabay buhat nito sa akin na aking ikinabigla pero agad din iyon nawala. Ang saya ko dahil nakilala kita Titus Mitsu. "Dapat nagpapahinga ka sa iyong silid." Pag-aalala nitong sabi ngunit binigyan ko lang ito ng isang ngiti.

Naramdaman ko ang paglapat ko sa aking higaan at agad akong kinumutan ni Titus. "Tingnan mo ang ginawa mo, namumutla ka na!" Pag-aalala nitong sabi at binigyan ko ito muli ng isang ngiti, tinitigan ko lang siya habang seryuso ang kanyang mukha.

Hindi ko na ipagkakaila na may taglay din siyang karisma at isang moreno tulad ng kanyang ama, matangos ang ilong nito at matangkad siya sa akin. Matipuno ang pangangatawan at gwapo lalo na ngayon na napakaseryuso niya habang hawak-hawak ang kabila kong kamay upang painitin ito.

Napansin siguro nitong tinititigan ko siya kaya napatingin siya sa akin na agad namula ang kanyang mga pisngi kaya napaiwas ito ng tingin habang hinihimas pa rin ang kamay ko. Nakakatuwa, ganon pa rin ang epekto ko sa kanya. Napangiti na lang ako sa kanyang inakto kaya napatingin ito sa akin ng seryuso.

"Dapat magpagaling ka para sa aking kaarawan bukas." Seryuso nitong sabi na tila napakalaking bagay nga iyon. "At inaasahan ko ang magiging handog mo sa aking kaarawan." Malumanay nitong sabi kaya agad ko itong niyakap sa hindi malamang dahilan. Iwan ko, pero gustong-gusto ko siyang mayakap ngayon. "Wag kang mag-alala sa magiging handog ko, titiyakin kong magugustohan mo ito." Masaya ko ritong sabi kaya niyakap din ako pabalik. "Aasahan ko yan." Ngiti nitong sagot.

Bumitaw ako sa pagkakayakap at tinitigan ko siya ito habang ramdam ko ang pamumutla ng aking mukha at nakatingin ako sa kanyang nag-aalalang mukha, gusto kong titigan ang kanyang mukha kahit papaano. Niyakap niya ako muli dahilan upang mapahiga ako sa kanyang balikat na nagpagaan sa akin kahit papaano. Habang naka-upo kami at nanatiling nakahiga ang ulo ko sa kanyang balikat ay ramdam ko ang matinding pag-aalala nito sa kanyang mukha na hindi mapinta.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now