Chapter 15

39 25 1
                                    


Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting kisami. Tumingin ako sa kabilang side at nakita ko ang lalaking nakasuot ng lab coat, naka organized chaos ang estilo ng buhok nito habang nakasuot ng makapal na salamin kaya makikita mo talaga kung gaano ito ka seryuso sa buhay, kung hindi ako nagkakamali ay isa siyang Doctor. May dala itong folder habang may chinicheck dito.

"Kumusta na ang kalagayan ng inyong pinsan?" Kadadating lang ng matanda mula sa pintuan kaya nilingon naman siya ng Doctor at agad nitong inalalayan si Mr. Gigantomachia.

Wag niyong sabihin na isa rin Gigantomachia ang lalaking ito? Ilan ba silang magpipinsan?

"Okay naman po, Grandpa. Don't worry, stable na ang kalagayan nito." Tumango na lang ang matanda sa sinagot ng Doctor. Ngayon, napagtanto kong isa nga siyang Gigantomachia, pag-sagot palang sa matanda ay kapareho niya si Suga.

"G-grandpa." Mahina kong sabi pero hindi nakatakas sa kanilang pandinig kaya ngayon ay naririto ang matanda sa tabi ko habang hawak ang kabila kong kamay.

"Gising kana, apo." Nagagalak nitong sabi. Nakita ko naman ang doctor na may tiningnan ito sa aking gilid pagkatapos ay may chineck sa dala nitong folder.

"N-nasaan ako?"

"Nasa hospital tayo ngayon, ang pinakamalaking hospital sa Harthus City." Nakangiti nitong sagot pero nanghihina ang mga mata ko at tila matutulog muli.

"H-hindi ako makagalaw." Nanghihina kong sabi kaya hinawakan lang nito ng mahigpit ang kamay ko.

"Dahil kasi sa natamo mong sugat, apo." Hawak nito sa pisngi ko. "Alam mo, Enyo? Hindi ko alam kung bakit nangyayari sayo ang mga bagay na ito. Kakagising mo lang mula sa pagkaratay at ngayon naririto ka na naman. Nag-alala ako ng sobra habang pinagmamasdan ang kalagayan mo, ijah" Parang naiiyak na sabi ng matanda kaya napatingin na lang sakanya ang doctor ng seryuso.

"N-naka ilang buwan akong tulog?" Iyon ang tangi kong naitanong dahil baka matagal na naman akong nakaratay.

"Isang linggo ka lang sa hospital na ito." Sagot ng matanda kaya napahinga naman ako ng malalim.

"K-kailan ako makakalabas?"

"Hanggang hindi ka pa tuluyang nagiging magaling." Sagot ng doctor habang seryuso ang mukha nito. Hula ko na kasing edad lang nito si Abegail.

"Oo nga pala, Enyo. Si Galeo, isa sa pinsan mo, isang doctor." Turo nito sa lalaki. Mabagal naman akong tumango sa lalaki.

"G-gusto kong magpahinga sa bahay." Mahina kong sabi pero napangiti lang ang matanda.

"Sige, ijah."

"Ngunit, Grandpa." Pagtutol ng doctor pero tiningnan lang siya ng matanda. "Maghintay pa kayo ng tatlong araw." Seryuso nitong sabi at tiningnan ako nito ng masama pagkatapos ay umalis.

"Hintayin na lang natin matapos ang tatlong araw, ijah. Tiyak akong aabot pa ng ilang buwan ang pananatili mo para sa pagpapagaling kaya maging masaya na lang tayong tatlong araw ang hihintayin natin."

"Sige po, Grandpa."

Hindi rin nag-tagal ay dumating ang iba ko pang pinsan. May dala silang iba't ibang prutas. Base sa mga galaw at panunuot nila ay hindi mo talaga mahahalata na sila ay mga bampira. Parang normal na sa kanilang makihalubilo sa mga tao. Paano ba naman, isang malaking businesses ang mga Gigantomachia.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, Enyo?" Pagtatanong ni Isagani pero dahan-dahan lang akong tumango sa kanya bilang pag-tugon.

"Bakit kasi naisipan mo pang lumabas sa gabi?" Naiinis na tanong ni Suga habang nakatingin sa akin. "Ang tigas kasi ng ulo mo." Seryuso nitong sabi pero makikita mo pa rin ang galit sa kanyang tono. Dahil sa pananalita niya ay tila natahimik ang lahat. "Kung hindi lang kita nahanap, baka namatay ka na." Napatikhim na lang si Mr. Gigantomachia kaya umupo na lang ng maayos si Suga habang galit itong nakatingin sa akin.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now