Chapter 28

29 19 1
                                    


"Mga walang kwenta!"

Agad kong sinipa si Akaenyo dahilan upang tumilapon siya sa mga puno. Sobra akong nagagalit ngayon. Hindi ko mapigilan ang sarili kong patayin ang babaeng ito.

Hindi rin nag-tagal ay agad siyang nakabawi sa ginawa ko. Naramdaman ko na lang siyang nasa likuran ko pero agad akong yumuko pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay niya at sinipa ko ang tuhod niya dahilan upang mapaluhod ito.

Narinig ko na lang siyang napadaing nang hawakan ko ang buhok nito ng mahigpit.

"Ang kapal niyo talaga!" Nagagalit kong sabi sa kanya. "Hindi mo ba alam na akin lang si Kurozul? Walang pwedeng ibang humawak sa kanya kung hindi ako lang!"

Narinig ko na lang siyang natawa sa sinabi ko dahilan upang sipain ko siya sa likod kaya lumanding siya sa mga sanga ng puno. Hindi ako nakontento at agad ko siyang pinuntahan. Sinipa ko na naman siya dahilan upang mahulog ito. Hindi ko siya binibigyan ng oras upang makatayo.

Ngayon ay nakaluhod siya sa lupa. Gusto sana niyang tumayo pero napaupo na lang ito. Nakita ko ang pagdurugo ng mga sugat nito. Napangiti na lang ako sa nakikita ko.

"Sa tingin mo ba mahal kanya?" Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya.

"Kung hindi man niya ako mahal. Titiyakin kong walang pwedeng babae ang makalapit sa kanya. Sisiguraduhin kong hindi siya magiging masaya." Seryuso kong sabi.

"Talaga? Ganyan ka na ba kabaliw sa kanya?" Napangisi naman ako sa kanyang tanong.

"Baliw? Sabihin na lang natin na Oo." Sagot ko sa kanya dahilan upang matawa siya. Napatawa rin ako ng kaunti kaya napatigil siya.

"Ako lang ang gusto niya, Enyo. Huwag kang umasa." Naging seryuso ang tono niya dahilan upang sumugod ako sa kanya. Pero hindi pa ako nakakalapit ay may nakahawak sa aking kamay at agad akong niyakap.

Sadyang bumigay din ang katawan ko nang maamoy ko ang pabango nito. Si Kurozul. Ano bang mayron sa kanya at ganito ang epekto niya sa akin?

"Bitawan mo ako, Kurozul." Diin kong sabi pero mas hinigpitan lang ang pagkakayakap sa akin.

"Tumigil ka na, Enyo." Bulong nito sa akin. Naramdaman ko naman ang pagtulo ng aking luha. Masyadong kumikirot ang puso ko.

Itinulak ko siya pagkatapos ay seryuso akong tumingin sa kanya. Ngunit ganon pa rin ang tingin niya. Tila nais nitong ipahiwatig na maghintay lang ako. Ano bang binabalak mo Kurozul?

Narinig ko naman ang nakakakilabot na tawa. Lumingon ako at nakita ko ang anak ni Mama, si Guhan habang nakatayo sa likuran ni Akaenyo. Tumigil ito sa pag-tawa nang tumingin ako sa kanya ng masama.

"Wala ka talagang awa, Enyo." Napapailing nitong sabi. "Tingnan mo ang ginawa mo sa aking kapatid." Tumingin ito kay Akaenyo na punong-puno ito ng sugat. Hindi nag-tagal ay may sumilay na ngiti sa kanyang labi.

"Ikaw na ang bahala sa kanya, Guhan." Biglang sabi ni Kurozul pagkatapos ay binuhat ako. Nagulat naman ako sa kanyang ginawa.

Nakita ko na lang si Guhan na tila may masama itong balak habang nakangiting nakatingin sa amin.

"Sige. Mag-saya kayo." Matapos niya 'yong sabihin ay nag-simula nang mag-lakad si Kurozul hanggang sa magpatalon-talon ito sa mga puno. Humakbay na lang ako sa kanya.

Tumingin na lang ako sa mukha ni Kurozul. Kahit makikita mo ang pagod sa kanyang mukha ay nangibabaw pa rin ang kagwapuhan nito. Magulo ang kanyang buhok, mahahaba ang pilik mata, matangos  ang ilong, mala-rosas ang labi, at higit sa lahat ay mapupungay ang mga mata nito.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now