Chapter 8

51 32 2
                                    


Lumipas ang isang buwan ng pananatili ko sa mansyon ng Gigantomachia at sa mga araw na lumipas ay nagkukulong lang ako sa aking kuwarto dahil sa labis na panlalamig.

Akala ko tapos na ang mga sintomas na ito ngunit pansamantala lang pala iyon nawala. Palagi lang akong naka kumot habang ang mga luha ko ay patuloy pa rin sa pag-agos. Ganitong-ganito ako noon ng una rin akong mapadpad sa Islang aking kinabilangguan. Ang hirap tanggapin ang mga pangyayari.

"Apo, saluhan mo kami sa pagkain." Nag-aalala nitong sabi ngunit ayaw ko pa rin silang pagbuksan. Tiyak akong nandiyan na naman silang lahat sa pintuan at naghihintay. Bakit ba ganyan sila mag-alala sa akin?

"Apo, pakiusap." Nanatili akong naka kumot at hindi sila pinansin. Naramdaman ko naman ang pag-alis nila sa likod ng pintuan.

Bumangon ako at tumingin sa aking paligid. Napakadilim sa buong silid na ito. Paano ako makakapag-higanti kung nagkukulong lang ako sa madilim na silid na ito? Tila hindi ito tama.

Pumunta ako sa balkonahe at naramdaman ko ang hangin na tumatama sa aking balat. Mas lalong lumala ang lamig na nararamdaman ko ngunit hindi ko naman ito ikamamatay, normal na ito sa taong nagiging bampira.

Pumasok na ako sa aking silid ng makaramdam ako ng malakas na presensiya na nagmumula sa kakahuyan. Agad kong isinara ang pinto kasabay din ng aking pagkahilo kaya natumba ako. Gusto kong tumayo pero tila ang bigat-bigat ng aking katawan.

Gumapang na lang ako upang makapunta sa aking kama ng masilayan ko ang salamin at nakita ko ang hitsura ko. Kahit madilim ay nakita ko ang mukha ko sa salamin. Nagulat ako ng hawakan ko ang tumutulong luha sa aking mata, hindi na luha kung hindi dugo na ito.

Napaatras na lamang ako sa salamin kaya agad akong pumunta sa kama at nag-kumot, hindi inalintana ang pagkahilo. Anong nangyayari? Bakit ako umiiyak ng dugo?

Kahit gustuhin ko mang huwag maluha ay sadyang naluluha ang mga mata ko. Tila nakagawian ko na kaya patuloy ito sa pag-luha. Niyakap ko na lamang ang unan at ipinikit ang mga mata ko ng sa gayon makatulog ako. Ganito palagi ang nangyayari, umiiyak bago makatulog.

Dumating ang araw na wala na akong nararamdaman. Ang mga mata ko'y tumigil na sa pag-luha. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin, mas lalong nangitim ang ibaba ng mata ko. Namumutla rin ang labi at mas lalong namamayat ang aking katawan. Wala akong makitang emosyon sa aking mukha. Noon, nakikitaan mo ito ng pagkasuklam pero ngayon wala na.

"Apo, sabayan mo na kaming kumain." Dinig ko sa likod ng pintuan. Nandiyan na naman silang lahat.

Walang araw na hindi kumakatok sa pintuan si Mr. Gigantomachia kapag umaga, tanghali, at gabi. At dahil hindi ko sila pinagbubuksan ay iniiwan lang nila ang pagkain sa harap ng pintuan kaya kinukuha ko naman minsan, minsan naman ay hindi ko na pinapakialaman at hinahayaan na abutan nila itong hindi nagagalaw.

Pumunta ako sa pintuan at binuksan ito. Nakita ko ang pag-alala sa mukha ni Mr. Gigantomachia at agad ako nitong niyakap. Samantalang si Suga na nakasandig sa pader ay naiinis itong tumingin sa akin habang si Isagani na dala ang pagkain ay napangiti rin gayon din si Giran.

"Apo, namamayat ka na." Walang emosyon ko silang tiningnan.

"Paumanhin kung pinag-alala kita, Grandpa." Seryuso kong sabi kaya naman bumitaw din sa pagkakayakap ang matanda at nagtatakang tumingin sa iba pang mga apo.

Sumama ako sa kanila sa hapag kainan. Habang nag-uusap sila ay kumakain lamang ako at nilalagyan ni Mr. Gigantomachia ang aking plato ng pagkain. Hindi ko alam kung anong uri itong mga pagkain basta kinakain ko lamang ito ngunit wala akong malasahan.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now