Chapter 25

33 20 1
                                    


"Ang sakit niyo sa ulo."

Napabuga na lang ako ng aking dugo. Tumingin ako sa lalaking bampira at seryuso itong nakatingin sa akin. Ang nag-iisang anak na lalaki ni Mama.

Bumaba ito mula sa sanga ng puno at ngayon ay narito siya sa harap ko. Napahikab pa ito ng tumitig siya sa akin.

"Anong kailangan mo?"

"You know? Kahit anong inis ko sayo ay nakokonsensya pa rin ako. Alam mo ba kung bakit?" Masama ko naman siyang tiningnan kaya napatawa ito ng kaunti.

"Sabihin mo na."

"Iyang mga tingin mo ay katulad ng kay Mama." Sumeryuso ang mukha nito pero hindi nag-tagal ay napatawa ulit.

"Anong nakakatawa?"

"Ikaw." Nakangisi nitong sagot. Napataas naman ang kabila kong kilay.

"Ako? Pinagtatawanan mo ako?" May sumilay na ngiti sa aking labi. "Mas nakakatawa ka." Naging seryuso ang tono ng aking boses kaya napatingin din ito ng seryuso sa akin.

"Paano?"

"Hindi mo alam?" Natawa ako ng kaunti. "Pwes! Anak ka lang naman sa labas. Isang malaking pagkakamali na nabuo ka." Nakita ko naman ang pag-igting ng panga nito pero hindi nag-tagal ay napangiti rin.

"Eh ikaw?" Napataas naman ang kabila kong kilay sa kanya. "Hindi ba't ginawa ka rin sa kalungkutan? Ginawa ka lang panakip butas." Nakangisi nitong sabi dahilan upang maikuyom ko ang mga kamay ko.

"Wala talagang preno ang bibig mo noh?" Seryuso kong tanong sa kanya. Talagang ipinaparamdam niya sa akin na ginawa talaga ako dahil sa kalungkutan ng dalawa kong magulang.

"Ikaw din naman diba?" Naging seryuso rin ang mukha nito. Dahan-dahan naman akong tumayo.

"Tama ka. Pareho lang kasi tayo." Seryuso kong tugon sa kanya dahilan ng katahimikan sa buong lugar. Wala akong marinig kahit ang mga huni ng mga hayop ay hindi ko na marinig.

Katahimikan ang nayanig sa amin habang nakahanda sa pwedeng maging atake ng bawat-isa. Hindi rin nag-tagal ay napuno ng tawa ang lugar na ito, mga tawang demonyo.

"Sabihin mo, may alam ka diba?" Tanong ko nang matapos akong tumawa. Natahimik din siya sa pag-tawa at tumingin sa akin ng seryuso.

"Ano sa tingin mo, Akaenyo?" May gumuhit na ngiti sa kanyang labi dahilan upang sumugod ako sa kanya. Sa isang iglap ay nakita ko siyang tumilapon sa mga puno. Ngunit agad din nakabawi kaya sumugod siya sa akin dahilan upang tumilapon din ako sa mga puno.

Hindi biro ang kanyang lakas.

Napaupo na lang ako sa malaking ugat ng puno at tumingin sa kanya ng maayos. Napangiti naman siya ng makita niyang umupo ako ng maayos.

"Kapatid nga kita." Nakangisi nitong sabi dahilan upang mapangiti rin ako.

"Kapatid? Anak ka lang sa labas."

"Wala akong pakialam." Nakangiti nitong sabi at binulsa ang dalawa nitong kamay. "Mas mabuti ng anak sa labas at least ginawa ako ni Mama na may pagmamahal. Eh yung sayo? Pagkasuklam?" Napatawa na lang ako sa kanyang sinabi.

"Paano mo nalaman na ako si Akaenyo?"

"Simple lang. Kamukha kita." Madiin nitong sabi dahilan upang mag-igting ang panga ko.

"Nagbibiro ka ba? Ang layo ng pagkakahawig ng mukha natin." Seryuso kong sabi sa kanya pero ngumisi lang ito.

"Sige, itanggi mo aking kapatid."

"Tumahimik ka." Seryuso kong sabi pero madiin.

Nakangiti lang sa akin ang lalaki. Iwan ko pero nakikita ko sa kanya ang matandang Luna. Ang kanyang pag-iisip ay tila nakuha niya sa matanda.

Tears of BloodWhere stories live. Discover now