CHAPTER 16

7.4K 149 5
                                    

Chapter 16: Little Brilliantes

SUMAKAY kami ng elevator at hindi pa rin niya ako binitawan. Hindi naman tumulong sa akin ang anak ko dahil mukhang natuwa ito habang nasa bisig siya ng Tatay niya. Nag-iingay ang bibig nito habang aliw na aliw na nakatingin kay Markin. Hindi ko alam kung bakit ganito na siya agad sa isang ito.

Napansin iyon ni Markin na ikinabigla pa ng gago dahil lumapad ang ngiti ng baby ko at nakita tuloy ang apat niyang ngipin sa parehong nasa taas at baba. Hala...ang cute naman...

"You're so beautiful..." namamanghang sabi niya at ang sweet na bata, ngumuso, senyales na hahalikan niya ang Daddy niya at tama nga ako. Dumikit na naman ang laway niya sa pisngi ng gulat na reaskyon ng Daddy niya. Nakaawang pa ang mga labi nito. Hindi inaasahan ang gagawin nito sa kanya.

"I like you, lotus..." Bigla ay umusok ang butas ng ilong ko sa sinabi niyang lotus...

Tinatawag ba niyang lotus ang anak ko?! Mukha bang lotus si Markiana?!

"Hindi siya babae para sabihan mo na ng beautiful... Lalaki siya, duh... Common sense, damit pa lang niya..." mariin na sabi ko pero hindi ako pinansin ng gago. Tutok na tutok lang siya kay Markiana na tila kinakausap na siya nito para nga siyang nahihipnotismo ng anak niya.

Bumukas ang elevator at doon lang siya tila nagising sa mahimbing niyang pagkakatulog. Nagpumiglas ulit ako dahil sa paghawak niya sa akin.

"Let me go!" angil ko.

"Kuya, anak mo raw ito," agaran na saad niya na ikinalaki ng aking mga mata. Naniwala ba siya?!

Dati ay anak daw namin ni Leandro tapos ngayon ay sa Kuya na naman niya? Kailan naman niyang sabihin na anak din niya si Markiana? Tsk.

"Hindi nga kasi ganoon! Pamangkin ko 'yan! Akin na nga at baka umiyak pa 'yan!" sabi ko at pilit na inaabot ng mga kamay ko si Markiana na may sariling mundo.

Tumayo mula sa pagkakaupo niya si Engineer Markus. Mukhang naabala namin siya sa work niya. Salamat naman at nadatnan na namin siya loob ng kanyang opisina.

"Sir Markus!" masayang sambit tawag ko sa kanya. Nagbago ang aking emosyon. Dahil para akong nakakita ng anghel. Dahil siya naman talaga ang hulog ng langit sa amin ni Markiana... Char ulit...

Nagulat pa ang baby ko at inabot ko ang pisngi niya para haplusin iyon. At hindi na umiyak, effective naman at mukha na siyang masayang bata. May pa-clap pang nalalaman.

"What just happened?" Markin asked, "Hindi lang siya weird, Kuya. Baka witch din 'yan," bulong pa niya sa Kuya niya at narinig ko naman siya.

"I heard you," usal ko at malamig na tiningnan ko siya na ginaya niya rin ang ginawa ko. Kung hindi lang kami sinuway ng Kuya niya ay hindi rin ako hihinto sa pakikipagpalitan ng masasamang tingin sa kanya.

Magpapatalo ba ako sa kanya?

May problema talaga sa akin ang lalaking ito, eh. Ang init ng ulo niya sa akin. Samantalang siya ang may atraso sa akin.

"That's enough. What are you doing here, Miss weird?" Engineer Markus asked me. Kahit nagsusumigaw sa pagkatao niya ang tila makapangyarihan at parang kay taas niyang tao sa lipunan ay hindi nawala ang gentleness niya. Gentleman naman pala siya when it comes to girl lang siguro... Hindi katulad ng others diyan...

Pinagtabuyan pa kami...

Napangiti ako at nasa kamay ko na ulit ang anak ko.

"Hindi mo ba ako iimbitahan na maupo na muna? At alukin ng kape?" diretsong sabi ko at nakita ko pa ang pag-ismid ng lalaking ito... Oo, makapal ang aking mukha... Artist ako, eh...

The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon