Chapter 59: Black card
TAMA nga ako na huwag maniniwala sa kung sino-sino lang. Lalo na sa taong alam mong sinisiraan ka lang at may galit pa sa 'yo kahit wala ka namang ginagawa sa kanya. Ang mommy ni Markin, forever na yata siya mananahimik dahil hindi na niya kami ginugulo pa ng anak niya.
Hindi rin naman natuloy ang sinabi ni Annaliza na pupunta raw dito si Mrs. Brilliantes, para kausapin siguro ako. Kabadong-kabado ako noong una, kaya pinaghahandaan ko talaga ang pagdating niya. Para makilala ko naman siya. Pero wala rin.
Maaga ako nagising ngayon para mag-grocery. Iniwan ko si Markiana sa babysitter niya. Hindi naman ako magtatagal dito. Bibili lang ako ng mga kakailanganin ko para mamayang gabi. Birthday na nga ng daddy ni Markiana. Hindi naman alam no'n na paglulutuan ko siya kasi alam ko naman na malaking party ang gagawin ng clan nila, siyempre.
Pero alam ko naman na bibisita pa rin siya sa amin to celebrate his birthday with us. First time niyang maki-celebrate sa amin kaya nasa sa kanya na kung hindi siya pupunta sa studio. Usually kasi ang mga mayayaman na katulad nila ay sa gabi talaga sila maghahanda, minsan ay sa isang hotel pa.
Tulak-tulak ko ang cart nang may nahagip ang beautiful eyes ko kaya mabilis akong huminto. Dumagundong agad sa aking dibdib ang kaba nang makita ko si Don Bril, ang lolo ni Markin!
Ano kaya ang ginagawa nila rito sa grocery store?
Hindi siya nag-iisa, maliban sa palaging nakabuntot sa kanya ang mga tauhan niya, his bodyguards ay kasama pa niya ang panganay niyang apo. Si Engineer Markus... Mabuti na lang ay hindi ko isinama sa akin ang anak ko.
Napatingin ako sa mga binili ko. Siguro naman ay wala na akong nakalimutan, 'no? May listahan naman ako para hindi na ako mahirapan pa na mag-isip pa kung ano-ano pa ba ang bibilhin ko o kung may na-missed pa ako. Kaya magbabayad na lang ako sa counter. Pinaatras ko muna ang cart ko para makapunta sa kabila at nang hindi na ako makita pa ng dalawang Brilliantes.
Wait, bakit nga ba ako magtatago? Matanda na ang lolo ni Markin at baka nakalimutan na niya ako. Hindi na ako no'n maaalala pa. Ang tagal na kaya iyon, may Markiana na ako ngayon. Pero hindi si Engineer Markus. Kilalang-kilala ako no'n.
Nagtungo pa rin ako sa counter at pang-anim pa ang linya ko para makapagbayad.
"Grandpa, you don't need to do this. Kayang-kaya na po ito ng mga kasambahay niyo. Bakit kayo pa ang maggo-grocery?" Namanhid ang batok ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ng kuya ni Markin. Humigpit ang hawak ko sa cart at para na akong robot na nanatiling nakatingin na lamang sa harap. Ayokong lumingon, mahirap na.
"Markus, huwag mong masyadong asahan ang mga kasambahay. Kailangan mo ring matuto ng ganito," pangangaral sa kanya ng lolo niya. Bayolente akong napalunok.
"Pero kasi Grandpa, hindi pa kayo nakaka-recover sa sakit niyo."
Nagkasakit si Mr. Brilliantes? Bakit hindi ko alam? Wala talagang sinasabi sa akin ang lalaking iyon, eh.
"Ayos na ako, apo. Malakas pa ang Grandpa mo, marami pa akong makikilala na apo ko sa tuhod," laban sa kanya ng matanda. Napangiti ako ng pilit, may apo sa tuhod ka na nga ho. Si Markiana, pero hindi naman sasabihin kasi mapapahamak pa ang baby namin.
I was thankful na walang nakakapansin sa akin kaya tuwang-tuwa ako nang makita na palapit nang palapit na ako sa counter. Makakaalis din ako rito, malapit na.
A few minutes later ay ako na ang magbabayad sa counter. Binuksan ko ang ang wallet ko para kumuha ng cash habang busy iyong cashier sa mga pamili ko pero mukhang ibang wallet ang nadala ko dahil walang cash dito, cards ito ni Markin na simula nang malaman ng Mommy niya na wala sa kanyang anak ang mga ito ay hindi ko na siya ginagamit pa kahit na pambili pa iyon ng diaper and milk ni Markiana.
BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomanceRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...