Chapter 66: The fire
"BAKIT umuwi ka pa kung hindi pa tapos ang business meeting niyo?" tanong ko sa kanya.
"May gusto lang akong ibigay sa 'yo. Isang araw lang ang ibinigay nila sa akin na break kaya umuwi ako para... ibigay ito sa 'yo. I just can't wait to give you this, that's why," sabi niya at pumintig nang malakas ang puso ko dahil sa nararamdaman kong malamig na bagay na dumausdos sa daliri ko, sa aking palasingsingan.
"M-Markin..." Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang makita ko ang singsing sa daliri ko. Ang ganda niya at ang laki ng bato.
Halatang mahal ang presyo nito at hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na ito.
Mahigpit niyang hinawakan iyon at dinala sa labi niya. Hinalikan niya ang kamay ko, at lahat ng mga daliri ko ay dumaan sa labi niya. Kinikiliti ang tiyan ko at kakaiba na itong pakiramdam ko.
"Hintayin mo ako pagbalik ko, Rea... Pakakasalan kita... Pag-uwi ko ay hihingi na ako ng permiso sa mga magulang mo, sa Lolo't Lola mo, baby... Wait for me, okay? Let's get married, baby..." Kauuwi niya lang, at kanina ay dumating pa ang Mommy niya pero inaalok na ako agad ng kasal.
Ni hindi niya ako tinanong kung papayag na ba akong magpakasal sa kanya. Kahit ang gulo-gulo pa ng sitwasyon namin. May problema pa nga kaming dalawa. Alam kong magiging komplikado lang ang lahat, kung minamadali niya ang sa amin.
"Ang Mommy mo, Markin... Ang pamilya mo..." nag-aalalang sambit ko. Baka tuluyan na siyang itakwil ng pamilya niya.
"Pagbalik ko, ipapakilala ko kayo sa pamilya ko. I promise you that, baby.
Wala na akong pakialam pa kung hindi nila kayo matatanggap, Rea. Kayo ng anak natin ang mahalaga... Wala akong pakialam kung ayaw nila sa inyo... Basta ako ay gusto ko kayo. Buo na ang desisyon ko na ipakilala kayo sa kanila... Hindi ako mapipigilan ni Mommy. Gagawin ko pa rin ang gusto ko, ayoko ng ganito na lang... Na palagi na lamang kayo napapahamak..." Hindi ko alam kung saan niya rin nahanap ang lakas ng loob na ipakilala na kami agad sa pamilya niya.Hindi ko alam kung bakit biglaan ang pag-alok niya sa akin ng kasal at mukhang nagmamadali pa siya. Pero kahit hindi niya ako tatanungin na kung gusto ko bang magpakasal sa kanya ay iyon din ang gagawin ko. Pakakasalan ko pa rin siya.
"B-Bakit, M-Markin? Hindi pa maayos ang pagitan sa inyo ng Mommy mo..." I reasoned out.
"Kung hindi ko kayo ipakilala agad sa kanila, Rea... Baka maunahan na naman ako. Nagbabalak na si Grandpa na ipakilala sa akin ang babaeng napili niyang pakakasalan ko at wala akong pakakasalan na iba, ikaw lang ang gusto ko... Ayokong pangunahan na naman ako ni Grandpa... Hindi ako magpapakasal sa kahit na sinong babae, ikaw lang ang gusto ko... Ikaw lang, baby... Ayoko sa iba," sincere na sabi niya. Tumango lang ako at yumakap sa kanya.
May takot pa rin ako sa dibdib dahil parang inaasahan ko na ang mangyayari. Alam kong magiging mahirap lang ang pagtanggap sa amin, lalo na sa aming anak pero kailangan pa rin naming mag-take ng risk. Hindi rin ako sigurado kung ano ang magiging reaction ni Don Bril. Kilala niya ako as an artist pero bigla ay nobya na ng apo niya.
"Kahit ano'ng mangyari ay kayo pa rin ang pipiliin ko, Rea. Love, hintayin mo si Daddy, okay? Babalik ako at pakakasalan ko na ang Mommy mo," pagkakausap niya sa aming anak. Mukhang naiintindihan na naman siya nito dahil tumatango-tango ang baby namin.
Hindi na ako natakot pa noong iniwan ulit kami ni Markin dahil sisiguraduhin na raw niya na hindi na babalik ang Mommy niya sa studio. Naging kampante naman ako dahil lumipas pa ang tatlong araw ay hindi na nga nagpaparamdam pa ang Mommy niya at malapit na. Malapit na ang balik ni Markin.
Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kilig lalo na kapag nakikita ko ang singsing sa aking kamay. Hindi man opisyal ay alam kong engage na ako sa kanya. Oh, my God... Ang saya sa pakiramdam.
BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomanceRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...