Chapter 44: The bracelet's price
"I'M sorry kung hindi ko kayo nadalaw rito. Love, sorry. Daddy will make it up to you," he said. He's voice is sincere.
"Ano ba talaga ang nangyari?" seryosong tanong ko.
"There's a lot of paper works in the company, na naiwan ng kapatid ko, Rea. I have to take care of it because one of the main branches of our file had a malfunction access to our clients. While my grandfather, he was even rushed to the hospital because of the problem that Kuya Markus' created. Hindi niya nakayanan ang rebelasyon na iyon," kuwento pa niya. Halatang problemado nga siya sa problemang dumating sa pamilya nila ngayon. Kawawa naman pala siya.
"Ano ba ang nangyari kay Engineer Markus?" curious kong tanong. Bakit nagkaroon ng problema ang isang iyon, na dahilan kung bakit naospital ang lolo nila? Is it serious? Ano kaya ang rebelasyon na iyon?
"Just in... Kuya impregnated his girlfriend," he replied. He didn't hesitated to tell me that. That only means one thing.
Pinagkakatiwalaan niya ako. I rubbed his back nang nagtaas baba ang paghinga niya. He was affected.
"Where's the problem with that? Nabuntis lang naman niya ang girlfriend niya. Si Ms. Theza ba iyon?" I aksed again. Marahan na umiling siya.
"She's not. I tried to call my brother on the phone, he kept rejecting my calls until he accepted it. Ayaw niyang bumalik sa Manila, ayaw niyang umuwi," mariin na sabi niya.
"Bakit? At may ibang girlfriend ang kapatid mo? Hindi si Ms. Theza?" gulat na tanong ko sa kanya. Tumango siya na ikinasinghap ko.
"What the... So, cheater ang kapatid mo?!" gulat kong tanong. Sumimangot siya.
"I don't know. Basta ang alam ko lang ay nagkaroon siya ng girlfriend and Thez. She's my brother's fiancé pero pinutol na ang kasunduan na iyon nina Grandpa at Tito Thenzel. Kuya Markus, ilang beses niyang pinagtabuyan si Theza, ilang beses niya itong sinaktan. Tapos noong call off na ang wedding nila ay saka niya hinabol-habol iyong tao."
"Impossible. Mahal ni Engineer Markus si Ms. Theza. Nakikita ko iyon sa mga mata niya," umiiling na saad ko. He nodded too.
"It's too late... He need to let go of Theza dahil magkakaanak na siya. Kailangan niyang panagutan ang girlfriend niya. Hindi iyon hahayaan ng mga tito namin. They need to get married as soon as possible before news broke that his girlfriend is pregnant and worst, ilang taon ang tanda niya sa babae," he said problematically.
Sa kanya talaga naiwan ang problema ng nakatatanda niyang kapatid. Siya ang napi-pressure.
"Kaya ba palaging busy iyong line mo sa tuwing tumatawag ako? Kasi tinatawagan mo naman ang kuya mo sa mga oras na iyon?" Napahinto siya sa tanong ko at umawang ang labi niya.
"You tried to contact me?" nanghihinang tanong niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at nahihiyang tumango na lamang.
"Nag-aalala lang kami ni Markiana..." sabi ko at nag-iwas ng tingin. Tangna, ako lang naman ito ang nag-aalala at dinamay ko pa ang baby ko. Eh, wala pa iyong kamalay-malay.
Hindi na ako makatingin sa kanya dahil nahihiya ako sa inamin ko kanina. Parang gusto kong bawiin pero hindi na puwede. Lumabas na iyon mula sa bibig ko kaya wala na akong magagawa pa.
"I tried to call you too. Pinipigilan ko lang dahil baka kung maririnig ko lang ang boses niyo ng baby natin ay baka hindi ko rin mapigilan ang puntahan kayo sa gitna ng meeting namin ng mga tito ko. Kaya dalawang linggo ko kayo tiniis. Tinapos ko rin ang lahat ng trabaho ko para sa pagpunta ko ay kahit isang linggo akong absent sa firm ay hindi ako mababahala na baka may mga trabaho pa ang dapat tapusin," mahabang sabi niya. Nilingon ko na siya dahil sa sincere ng boses niya.
BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomanceRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...