CHAPTER 63

7.3K 101 1
                                    

Chapter 63: Love confession

"I LOVE you, Rea... I'm a fvcking in love with you, baby..." My lips parted a bit because his suddenly confession. I didn't even expected that to hear from him.

"W-What..." Ni hindi ko na alam ang isasagot sa kanya dahil nabigla talaga ako. Totoo ba ang narinig ko o baka nagkamali lang din ako? Baka hindi niya sinabi iyon sa akin?

Hinawakan niya ang binti ko at maingat na binuhat pa niya ako at dinala sa comfort room. Ibinaba niya ako sa tapat ng shower. Oo may ganito sa loob kasi may pagkakataon pa rin talaga na kailangan kong maligo para lang din mawala ang tinta sa katawan ko.

Isinandal niya ako sa malamig na pader at nakahawak pa rin ako sa braso niya. Hindi ko kayang tumayo nang mag-isa lang dahil sigurado akong babagsak ako agad sa sahig. Napapangiwi pa ako dahil sa nararamdaman kong paghapdi sa pagkababae ko at sa dalawang binti ko na nanghihina pa rin talaga.

Binuksan niya ang shower sa itaas at umaagos agad sa katawan ko ang malamig na tubig. Kusa ring sumama sa agos ang mga tinta sa aking katawan at ganoon din iyong kanya.

"Ano'ng sinabi mo kanina?" I asked him. May inabot siya sa sink at nilagyan niya ng sabon ang buong katawan ko.

"You heard it right, baby..." sabi niya lang sa akin. Mabilis lang ang ginawa niya dahil nakikita niya ang mabagal na pagkurap ko. Halos hindi ko nga namalayan pa ang lahat.

Naramdaman ko lang ang malambot na kama sa likod ko at inayos niya ang kumot sa aking katawan. He kissed my forehead and smiled at me.

"I love you, so much..." malambing na sabi niya at kinuha ang isang kamay ko. Inilapit niya iyon sa dibdib niya at ramdam na ramdam ko ang lakas nang pagkabog no'n. Sumilay ang ngiti sa labi ko. "I love you, baby..." muling sambit niya at napaka-sincere no'n. Nakikita ko at ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin.

"At kailan mo naman 'yan naramdaman?" tanong ko at hinaplos ko ang panga niya. Diretso kong tinitigan ang mga mata niya na makikitaan ng pagkislap no'n.

"Hindi ko rin alam kung kailan, kung ano ang 'saktong araw. Basta ang alam ko ay ikaw na ang tinitibok nito. Sa simpleng bagay na ginagawa mo lang ay ang bilis-bilis na ng tibok ng puso ko, wala ka pa man na ginagawa ay hindi na ako agad napapakali. Ngingitian mo lang ako...parang buo na rin ang araw ko. Palaging ikaw rin ang naiisip ko and of course...pati rin ang baby natin," mataba saad niya at sumulyap pa siya sa tabi ko. Sinundan ko iyon nang tingin at mahimbing pa rin ang tulog nito.

Iniyakap ko ang braso ko sa leeg niya at pumuwesto siya agad sa ibabaw ko pero nakatukod ang kanyang siko sa gilid ng katawan ko para kumuha pa rin ng suporta at hindi ako mabigatan sa kanya.

"Tapos?" tanong ko pa. Interesado akong malaman ang lahat.

"Tapos... papalitan kita ng damit," sabi niya na ikinatawa ko.

Umalis na siya sa ibabaw ko at nagtungo sa cabinet. Binuksan niya iyon at kumuha ng pajama. Napanguso pa ako nang kumuha rin siya ng undies ko tapos iyong puting t-shirt niya lang ang kinuha niya.

Sinubukan ko naman na umupo pero napaigik lang ako sa sakit dahil hindi ko pala kaya. Ramdam na ramdam ko pa rin talaga siya sa gitna ng mga hita ko. Ang tindi naman no'n.

"Gago talaga," sambit ko na halos maiyak pa ako. Sobrang sakit kasi.

"Hmm?" Bumalik siya sa bed at hinubad ulit ang suot kong dress kanina.

"Magtataka na sa akin ang tatlo na kung bakit hindi na ako makakapaglakad pa bukas," malamig na utas ko. Tumaas ang sulok ng mga labi niya.

"Sasabihin natin na sinundan na natin si Markiana para may kalaro na siya," sabi niya kaya hinampas ko ang balikat niya.

The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon