CHAPTER 40

7.4K 126 4
                                    

Chapter 40: Meeting the art collector

Buong araw ay hindi humiwalay sa akin si Markiana. Ni ayaw niyang bitawan ko siya at maski sa crib niya ay hindi ko siya mailagay roon. Kung ano-ano'ng mga laruan na rin ang ibinigay ko sa kanya pero ayaw niya pa rin bumitaw. Alam kong masasanay rin naman siya kalaunan. Hindi pa naman sa ngayon, but soon...

'Saktong 4PM na ng may iilan na mga tao ang pumasok sa studio ko. Ang isa roon ay pamilyar na sa akin at natatandaan ko pa ang pangalan niya. Dahil noong isang araw lang naman siya nagpunta rito.

"Mae Amor..."

"I'm glad na natatandaan mo pa ako, honey. The one and only Mae Amor, and by the way this is my friend, Abegail Hona. She's an art collector and she's interested in your artwork..."

Art collector..

Dumako ang tingin ko sa kasama niya. Ang tinutukoy niya na kaibigan niya na art collector.

She wore her light pink longsleeve na pinatungan ng white coat niya and a pair of pink slacks. Short hair, na hindi rin umabot sa balikat niya pero bumagay iyon sa kanya. Maganda ang eyes niya na tila kumikislap pa, matangos ang may kaliitan niyang ilong. Hindi ako sure kung natural na may pagka-pinkish ba ang lips niya. Dude, she's beautiful too na hindi yata nag-effort na maglagay ng kung ano-ano'ng make-up sa mukha niya.

"Abegail Hona. I love your artwork, by the way," she said at naglahad siya ng kamay sa akin. Ang lambing ng boses niya pero parang ang lalim din. Hindi naman siya mukhang lesbian, ah...

Sa sobrang ganda niya ay sayang lang kung pusong lalaki pala siya... Sayang ang lahi nila kung nagkataon.

Inilipat ko sa kaliwang bisig ko ang baby ko at inabot ang kamay niya pero mabilis lang iyon ay bumitaw na kami sa isa't isa.

"Rea Suwaib," I uttered my name.

"Ms. Rea, is she your daughter?" Mae Amor asked me. I nodded my head.

"Markiana Reyan," bigkas ko naman sa pangalan ni Markiana na malayo na naman ang kanyang tingin.

"They are my staffs," sabi ni Ms. Abegail nang mapansin ang pagsulyap ko sa mga taong kasabay nilang pumasok.

"Actually, last week pa kami rito pero nakita namin na close pala iyong studio mo that's why we decided na bumalik na lamang sa ibang araw..." Mae Amor reasoned out.

"Let's have a sit first," pag-aaya ko sa kanila at itinuro ko ang sofa. Tumango silang dalawa at nauna nang naglakad doon.

Kahit baguhan pa lamang ang tatlo ay parang pamilyar na agad sa kanila ang pasikot-sikot nitong studio ko kahit hindi naman ito kalakihan. Pina-tour ko na kasi sila, eh.

"Puwede niyo ba kaming ipaghanda ng maiinom, Rafida? Umakyat ka sa second floor at may kitchen ako roon," sabi ko sa kanya.

"Sige po, Ma'am," magalang na pagsang-ayon niya.

"Iyong mga kasama niyo?" tanong ko sa dalawang magandang babae at bahagya kong tiningnan ang anim nilang kasamahan. Dalawa lang ang nakita kong lalaki. May mga naka-display na ulit na paintings kaya iyon ang pinagkaabahalan nila, na pinagmamasdan ng mga ito.

"Don't bother, Ms. Rea," sabi naman ni Mae Amor at sinuklay pa ng mga daliri niya ang blonde niyang hair.

"You have a daughter? But I didn't see any ring in your finger. So, I assume na hindi ka pa married," mausisa na sabi ni Abegail Hona. Tahimik lang na ngumingiti si Mae Amor at ang tingin niya na kay baby Markiana.

Pilit na kinukuha niya ang atensyon nito na halos pumasok na sa loob ng blouse ko ang mukha ng baby ko, humigpit pa nga ang paghawak niya sa damit ko. Mukhang nahihiya siya pero parang hindi naman siya takot. Nararamdaman niya siguro na may nanonood sa kanya.

The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon