Chapter 60: Pleasure
WARNING: R-18, read at your own risk
“ENGINEER Markin...” Napalingon si Markin sa lalaking tumawag sa kanya. Mukhang busy na nga siya.
“Okay.”
“Busy ka na ba?” tanong ko sa kanya at marahan siyang tumango.
“Half day lang naman ako ngayon. Dahil kay Grandpa. Maaga akong pupunta sa mansion mamaya,” sabi niya.
“Okay. Ayos lang din, take your time, Markin,” sabi ko sa kanya at tinanguan niya lang ako.
“Bye love, see you later. Mommy ganda.”
“Luh...” I laughed nang hinampas-hampas na ng anak ko ang screen ng cellphone ko.
“Luh ka riyan, love. Ang galing-galing mo na, ah,” puna ko sa kanya.
Noong bandang 6PM na ay naisipan ko na ang magluto. Si Nole ang tumulong sa akin sa kusina. Siya lang ang din ang naghanda ng mga kakailanganin ko at sa mga ingredients na iluluto ko ngayon.
Napatingin ako sa pinto ng kusina nang makita ko ang pagpasok ni Rose sa loob habang buhat-buhat niya ang baby ko. Ang matinis na boses agad nito ang una kong narinig.
“Mamamama...”
“Magluluto pa si Mommy, love,” sabi ko sa kanya. Hindi naman siya kumibo pa at pinanood lang din ako nito. Tatlong putahe lang naman ang lulutuin ko at mabilis lang siyang gawin pero hindi pa man ako natatapos ay umiyak na agad si Markiana. In the end ay sina Rafida at Nole na ang tumapos.
Nangingiti kong kinuha na lang ang baby ko at saka lang talaga siya tumigil sa pag-iyak.
“Itong baby na ito, oh. Paaalisin lang ako sa kusina. Ang clingy nito, manang-mana ka talaga sa Daddy mo,” ani ko sa kanya.
Hindi na ulit tumawag pa si Markin kaya baka nagsimula na rin ang party niya sa mansion ng grandpa niya. Ang sosyal din ng isang iyon, eh.
Ham cutlet, miso soap, and chicken curry ang niluto ko at pinauna ko na ring kumain ang tatlo. Sasabay na lang din ako sa boyfriend ko later, kung hindi man siya makakarating ay ayos lang talaga sa akin. Hindi naman ako magagalit at hindi rin ako magtatampo, hindi rin naman niya kasi ako pinapasa na makakarating siya. Hindi pa nga raw sure, eh.
Blue spaghetti strap dress above the knee ang suot ko. Tapos sa baby Markiana ko naman ay blue na wrap dress, iyong sleeves lang niya ang black. May blue na malaking headband na naman siya.
Hindi pa siya natutulog kasi parang nararamdaman niya rin na special ang araw na ito pero sinisira niya lang talaga iyong ayos naming dalawa dahil nagugutom siya agad. Katatapos niya lang kumain. Ayaw niya sa baby bottle niya, gusto niyang i-breastfeed ko na lang siya. Ang bata-bata pa niya ay ang arte-arte na.
Humiga ako sa bed namin at nilagyan ko siya ng unan saka ko siya inihiga, tumagilid siya paharap sa akin. Nag-aabang agad.
Itinukod ko ang siko ko saka ko ibinaba ang isang strap ng dress ko. May foam ang suot ko kaya hindi na ako nahirapan pa. Pero habang nagbi-breastfeed si Markiana ay hindi ko na rin namalayan pa na nakaidlip na rin pala ako.
Nagising lang ako nang maramdaman ko ang maliit na halik sa batok, leeg at balikat ko. Marahan ko pang inalis ang bagay na iyon at lumalayo ako. Pero hinahapit lang ako nito sa baywang ko at yayakapin nang mahigpit.
"Wake up..." narinig kong sambit nito sa aking tainga. Tumihaya ako at nilingon ko ang katabi ko.
Mabagal pa ang pagkurap ko dahil hindi pa tuluyang nagigising ang diwa ko. Si Markin agad ang bumungad sa akin. Nakatukod din ang siko niya at ginawa niyang unan iyon. Nakangiti pa siya at humalik sa pisngi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/322136711-288-k836326.jpg)
BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomanceRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...