CHAPTER 22

8K 155 1
                                    

Chapter 22: The truth revealed.

"MA...MA..."

"Ah, he... Uhm..." sambit ko at wala na akong maisip na masabi pa dahil ang bilis ng tibok ng puso ko. Para lang akong nakakita ng multo dahil iyong balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan na. My hands are shaking already.

Paano ba ako nalagay sa sitwasyon na ito?

"What is it, love? Ano'ng tawag mo sa kanya, hmm? I want to hear it again, baby. What is it again?" malambing na tanong niya sa anak niya. Humaba ang nguso nito at itinuro pa ako. Aba, marunong ng kausapin at nagawa pa akong turuin.

"Ma...ma, dada?" nahihirapang bigkas nito, parang kinapos pa siya ng hininga. Sinusubukan niya lang talaga ang magsalita.

Hindi huminto si Markin sa paglapit sa akin kaya ginawa ko ang lahat para iwasan siya. Atras lang ako nang atras at siya ay patuloy lang sa paghakbang palapit sa akin. Nakakainis naman!

"Hmm, again, baby?"

"Mamamamamama..." mabilis na sambit ni Markiana at may lumubo pang laway niya. Aba...

Nilingon ako ni Markin at mabibigat ang bawat titig niya sa akin. Nakita ko rin ang pag-igting ng panga niya.

"Ay..." utas ko dahil ang malamig na pader na ang dumikit sa likod ko. Wala na nga akong kawala pa. Wala na rin akong maaatrasan pa.

"Answer me, Rea... She's not your niece... She's your daughter, right?" seryosong tanong niya sa akin.

Mabilis na umiling ako at parang may bumara sa lalamunan ko pero nagawa ko pa ring tumanggi, "P-Pamangkin siya ng p-pinsan ko..." nauutal na sagot ko at unti-unting lumapit sa akin ang mukha niya. Kung ipagpapatuloy niya ang ginagawa niya ay baka maipit na namin si Markiana. Ang laki pa naman ang katawan niya! Mapipisi ang baby ko!

Nakikisabay sa Daddy niya ang baby na 'yan!

"I remembered your line last week..." saad niya at tiningnan na naman niya ang anak niya. Hinarap din siya nito at ngiting-ngiti pa.

"Pagkatapos mong makuha sa akin si Lotus ay may sinabi ka pa sa akin," mariin na sambit niya sa akin at mas dumilim ang mukha niya.

"A-Ano naman iyon? W-Wala naman akong sinabi, ah?" tanggi ko dahil maski ako ay wala rin akong maalala kung may sinabi ba ako na ano sa kanya?

"You said... Markiana is your child," giit pa rin niya sa akin. Pinipilit lang akong ibuking nito, eh.

Wala talaga akong maaalala sa pinagsasabi niya!

"Kailan ko naman iyon sinabi, Engineer Markin?" kunot-noong sabi ko pero bigla ko ring naalala ang sinabi ko.

"Bakit basa ang pilikmata niya? Pinaiyak mo ba si Markiana?! Ano'ng ginawa mo?! Ano'ng ginawa mo sa anak ko?!"

"Damn it," mura ko at mariin na napapikit. Nadulas ako! Nadulas ka, Rea! Nasabi mo talaga iyon! Pero hindi niya lang napansin noong una!

"You already slipped, Rea. Idi-deny mo pa ba ang sinabi mo noon?" malamig na tanong niya sa akin.

Nanghihina ang tuhod ko at walang humpay sa malakas na pagkabog ang puso ko. Literal na nadulas na talaga ako. Wala na nga akong kawala pa. Wala na rin akong choice kundi ang sabihin sa kanya na ako nga ang magandang Mommy ni Markiana Reyan.

Para akong mawawalan ng balanse dahil sa kaba at takot na baka may sasabihin pa siya sa akin na nalalaman niya.

Una, nalaman niyang hindi naman lalaki si Markiana. Na babae talaga ang anak ko. Pangalawa, nalaman niya na hindi ko rin pamangkin ang baby at anak ko talaga ito. Baka sa pangatlo ay malalaman niya rin kung sino ang biological father ni Markiana.

The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon