BUT IN two weeks na wala ako ay gusto ko na agad silang puntahan. Pero hindi ko magawa dahil sa problema na dumating sa pamilya namin. Ang daming kailangan na tapusin na trabaho sa kompanya. Isama mo pa ang mga naiwan na trabaho ni Kuya Markus.
Alam ko naman ang pakiramdam na kung malayo ka sa mga taong mahal mo kaya hindi ko sisisihin si Kuya na kung bakit siya nagkakaganoon. Pero kailangan niya ring iusad ang buhay niya at hindi ang umiyak lang, magmukmok sa condo niya.
“Kuya, move on. May anak akong naghihintay sa akin ngayon!” sigaw ko sa kanya at sinadya ko siyang puntahan sa condo niya.
Parang dinaanan ng bagyo ang buong paligid. Namumugto ang mga mata niya at hilam ng mga luha ang kanyang pisngi. Magulo ang buhok niya at may tumutubo ng balbas sa panga niya. Amoy alak pa siya...
“A-Ano’ng pinagsasabi mong may anak kang naghihintay sa ‘yo?” tanong niya sa akin at inagaw ko sa kamay niya ang hawak niyang bote. Palagi na lang siyang naglalasing.
“May anak na ako, Kuya. Ang batang dinala ng artist na iyon, natatandaan mo ba siya? Si Rea,” sabi ko.
“Rea?” sambit niya sa pangalan ng Mommy ni Markiana.
“Kuya... Go to your work. Dalawang linggo na akong hindi nagpapakita sa kanila at baka magalit sa akin si Rea! Nililigawan ko pa iyon! Baka busted na ako agad!” sigaw ko sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo.
“Para kang bata,” komento niya sa akin na parang naalala ko lang ang sinabi ko kay Miko.
Hindi ako takot na sabihin sa kanya ang tungkol kay Markiana. Dahil may tiwala naman ako sa kanya. Hindi niya ako ipahamak kahit katulad lang siya ni Grandpa na sobrang strict din na tao.
“Kuya... Puwede mo naman po siyang sundan doon sa Spain. Huwag mong idamay ang future ko rito. Maawa ka sa akin. Puntahan mo na lang si Theza,” suhestiyon ko pa at napatango siya.
“Good idea, brother but no, not now. I will visit Grandpa first. You may go now to your kid, Markin,” sabi niya at tinalikuran ako kaya sinundan ko pa siya. Kung maliligo na ba talaga siya.
“Kuya...”
“Just go, baka magbago pa ang isip ko at hindi ako aalis dito sa condo ko,” pananakot pa niya sa akin.
“Si Markiana, babae siya, Kuya,” sabi ko at napatingin siya sa akin.
“Lucky you na may munting prinsesa ka na. I will visit her too. Just take care of your child. Kung magkakaroon man ng problema, don't worry. Ako ang magpapaliwanag kay Grandpa,” sabi niya at malakas na tinapik pa ang balikat ko.
“Hindi mo talaga sasabihin?” pangungulit ko pa sa kanya.
“Sasabihin ko kay Grandpa kung handa ka nang ipakilala siya sa pamilya natin,” sabi niya.
“Salamat, Kuya,” sabi ko saka ako umalis sa condo niya at makakabalik na rin ako sa mag-ina ko.
Para mapatawad agad ako ni Rea ay bumili pa ako ng pasalubong. A family couple bracelet. Mergus bought this for me pero pera ko naman ang ipinangbayad ko at nagustuhan nga ni Mommy ganda pero hindi ang presyo nito pero worth it naman dahil naging kami agad.
I was just kidding when I told her that na kapag susuotin niya iyon ay girlfriend ko na siya pero nang sinabi niyang oo na lang ay hindi ko na rin binawi pa. Aba, magiging girlfriend ko na nga siya at ako pa ang magpapakipot? I'm not a girl.
Naalala ko lang ang pinag-usapan namin tungkol sa bracelet.
“Hindi mo gusto?” malungkot na tanong ko.
“Siyempre gusto ko! Pero ang price?!” sabi niya pero nagtatanong pa siya tungkol sa presyo.
“Mura lang naman 'yan, Rea. No big deal,” sagot ko at tumaas lang ang kanyang kilay na tila hindi naman siya naniniwala sa sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
Roman d'amourRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...