Chapter 43: Jealous & silent treatment
“DADA...”
“She called me, Dada...” tuwang-tuwang sabi ni Rexus na tinanguan ko lang.
Tinawag ka ngang dada na alam kong pagseselosan 'yan ng daddy nito. Eh, sa kapatid pa nga ay nagreklamo na at pinaalalahanan na tito lang nito si Miko.
“Magdadalawang linggo na namin kasama ang tatlo pero hindi pa rin siya makuha-kuha ng mga ito. Pero ikaw...wala pa yatang isang minuto ay nakuha mo agad ang loob niya,” saad ko sa kanya. Siguro nga na-miss lang nito ang kanyang ama kaya naghahanap ng daddy figure sa iba.
Kinandong niya si Markiana na madalas siyang tinitingala para matingnan siya nito at yumuyuko naman si Rexus. Nag-iingay ito na para bang kinakausap siya nito. Iyong cute niyang lips na tumutulis dahil sa pagnguso.
"You are so beautiful, Markiana. Your daddy might be overprotective of you when you grow up. Hindi ka agad hahayaan na liligawan. Kung ako nga rin ay hindi pa ipamimigay." Napangiti ako sa sinabi niya.
Maliit pa nga, eh overprotective na siya rito. Hindi lang ako sigurado kung kami pa ba ni Markin sa mga oras na iyon. Oh, goodness hindi ko pa nga sinasagot ang engineer.
"Dada?" Pareho kaming natawa dahil sa pagtawag na naman nito sa daddy niya. Hay, napagkamalan na tuloy si Rexus.
"I'm not your daddy, baby. But you can call me Dada anytime you want..."
"Why would my daughter call you daddy, if you ain't the father?"
Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang malamig na boses ni Engineer Markin. Nasa talaga niya boses ang awtoridad nito. Namimilog ang mga mata ko na tiningnan siya.
There he goes again, his face is devoid of emotion at ang hirap-hirap niyang basahin. He gave me a cold stare, dahilan na namanhid ang batok ko pababa sa aking braso. Umigting ang panga niya at wala sa sariling napatayo ako para lapitan siya.
"N-Naparito ka?" nauutal kong tanong sa kanya, na isang katangahan lang iyon dahil babarahin na naman niya ako. Sa dami ng puwedeng sabihin sa kanya ay iyon pa. Eh, alam naman namin pareho na halos araw-araw siyang pumupunta rito.
"Why don't I go here? Am I not allowed to visit my child?" malamig at seryosong tanong niya sa akin. Mariin kong naitikom ang aking bibig dahil sa kahihiyan na naramdaman.
Galit yata siya. Nagalit? Hindi ba dapat ako ang magalit sa kanya? Dahil hindi na siya nagparamdam pa sa amin ng dalawang linggo? Hindi man lang siya nag-abala na tawagan kami at kamustahin na kung noon ay walang oras ang lumilipas na hindi niya kami na nakakamusta.
Pero hindi naman talaga ako nagalit sa kanya. Nag-aalala pa ako sa kanya pero heto lang pala ang ibubungad niya sa akin? Tsk.
May dala siyang bulaklak at isang paperbag na wala akong idea kung ano ang laman nito.
As I approached him, his hand immediately slides down my waist. I looked up to her. His eyes were still blank and my heart beat just faster as he came closer to me. Hindi ako nakagalaw at naikuyom ko lang ang kamao ko dahil sa ginawa niya. Ang lakas ng impact no'n sa akin.
"Good afternoon," sambit niya at hinalikan ang sentido ko. Tahimik na ibinigay niya sa akin ang bulaklak, na hindi naman ako nagdalawang isip na kunin iyon mula sa kamay niya at hinarap si Rexus para siguro makuha niya ang anak niya.
"Dadadadadada..." sambit ni Markiana na mukhang hindi napansin ang presensiya niya, dahil pinaglalaruan lang nito ang mga daliri ni Rexus, nasa bandang tiyan nito kaya madali nitong gawin ang bagay na iyon.

BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomanceRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...