Chapter 75: Closer
“BYE po, Lolo Henriko, Lola Areah, and all of you po! I love you, so much! Visit po kayo ulit sa amin, hmm? Bonding tayo again.” Natawa kami sa pagpapaalam ni Markiana dahil malakas talaga ang boses niya. Sinisigaw niya kasi iyon.
Mahigpit siyang niyakap ng mga ito at pinaghahalikan ang pisngi niya. Noong baby pa siya ay ayaw niyang may humahalik sa kanya, kahit hanggang ngayon naman ay ayaw na ayaw niya pero nasanay siya sa pamilya namin na palaging hinahalikan ang pisngi at noo niya. Tinatawanan na lamang niya ito at masaya pa siya dahil ramdam niya raw ang ‘love’ ng mga ito sa kanya.
“Visit din po kami ulit sa antique nating house. Bye po, take care po,” paalam naman ni Mackrenz. Si Lola Areah ay natawa dahil sa sinabi nito.
“Mana sa ‘yo ang anak mo, Reyang. Antique daw,” sabi niya.
“Eh, sa antique naman po talaga, Lola. Naabutan na nga ng dalawang baby ko. Saka opo, dapat sa akin siya magmamana,” dahilan ko at umirap lang siya sa akin.
Hindi tumigil sa pagkaway ang dalawang bata sa kanila kahit lulan na sila ng van ni Mae. Tumakbo pa sa labas para lang makita sila at ang mga kamay rin nina Nanay ang makikita mula rito sa puwesto namin.
“Tama na ‘yan, love. Aalis pa tayo,” sabi ko sa kanila. Ngayon naman ay lilipat na kami sa condo ni Abe.
Sa art gallery ako magtatrabaho. Kahit may pera na ako, may sarili ng ipon ay hindi pa rin ako nakakapagtayo ng sarili kong studio ulit.
Ang nasunog kong studio ay alam kong makukuha na nila ang lupa no’n dahil hindi ko naingatan ang titulo. Si Markiana lang ang hawak ko sa mga oras na iyon at hindi ko na inintindi pa ang laman ng studio ko, kahit ang titulo mismo. Wala na akong proof na sa akin talaga iyon pero hinayaan ko na.
Hindi ko rin alam ang dahilan ng sunog noon kasi lahat ng iyon ay kinalimutan ko na. Naka-move on naman na ako sa pagkawala ng pinaghirapan ko dahil alam kong kayang-kaya ko nang bawiin iyon ngayon.
Pagdating namin sa condominium ay napatingin pa ako rito dahil parang pamilyar sa akin. Parang...nakapunta na ako rito pero hindi ko lang siya matandaan. Hindi ko maalala. Pamilyar lang siya sa akin.
“I will help you, Mom,” volunteer agad ng anak kong lalaki. I messed up his hair and kissed his forehead.
“Baby ka pa, love. Hindi ka pa puwedeng magbuhat ng mga ‘yan, anak ko,” umiiling na sabi ko sa kanya. Bumaba na rin mula sa sasakyan si Markiana at tiningala ang laki ng building nito.
“Super big naman po at ang ganda,” she commented. “Kailan po pala ako mag-school, Mommy ganda?” Nilingon ko siya at ang tingin naman niya ay nasa iba. Nang makita ko iyon ay ang mga bata na nakasuot ng uniform nila at kasama nito ang mga babysitter nila. Na mukhang maghahatid sa kanila sa school pero isa o dalawa taong yata ang agwat ng mga bata sa aking anak.
“Four years old ka pa lamang, love. Hindi ka pa puwede,” sabi ko at napanguso na naman siya. Hindi naman nila pinagpipilitan pa ang bagay na gusto nila.
Nagpatulong ako sa mga security para madala namin iyong walong maleta namin. Oo, sa amin talaga ang marami. Dalawa lang ang kina Abegail at Carous. Sa akin nga ay isa lang, tatlo naman ang kay Mackrenz at apat ang kay Markiana. Siya iyong mas marami ang mga gamit. Dahil maarte nga siya.
***
“Salamat po,” nakangiting pagpapasalamat ko sa security. Nagbigay pa ako sa kanila ng tips pero tumanggi sila. Bukal daw sa loob nila ang tumulong sa amin, at masaya silang tumutulong sa mga nangangailangan. Nakaramdam pa ako ng pagkahiya, pero sinabi rin nila sa akin na hindi naman sila na-offend sa pagbibigay ko sa kanila ng pera. Kaya ayos na raw.
![](https://img.wattpad.com/cover/322136711-288-k836326.jpg)
BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomanceRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...