Special chapter 2: Meeting his kids & happy ending
“GOOD luck,” Kuya Markus said and he pushed me. Malutong na napamura ako dahil may nabunggo ako na isang babae. Nakakainis naman talaga si Kuya, oh.
“E-Engineer, Markin.” I rolled my eyes and I don't fvcking care about this commotion. I have to go pero bago pa ako makaalis sa lugar na ito nang makarinig ako nang pag-iyak ng batang babae.
Her voice is reminded me, my daughter. “Sumbong kita sa Mommy ganda ko! I hate you! Bad ka! Bad ka!”
I stilled when I heard the word Mommy ganda. Si Rea ang naaalala ko. Mariin na napapikit ako dahil ang ginawa ako lang kanina ang naalala ko. I almost killed her and I hate myself for hurting her like that!
“Sino ba kasi ang nagsabi sa ‘yo na pumasok dito at makikigulo ka lang na bata ka? Where’s your mother?!” Napataas ang kilay ko dahil sa lakas nang boses ng babae. Pinapagalitan ba niya ang bata?
“Don’t touch me!” I shook my head dahil sa naririnig kong boses niya na umiiyak. Sumisikip ang dibdib ko.
Humakbang ako patungo sa direksyon nang ingay na iyon at nang may nakakilala naman sa akin ay mabilis siyang gumilid para makadaan ako.
“Aray! At sino ka namang bata ka?!”
Tumalim ang tingin ko sa babae nang makita ko ang paghawak niya sa siko ng batang babae at walang pag-iingat iyon. Mahigpit ang pagkakahawak niya rito at may isa pang batang lalaki na hawak niya.
“Let go of my baby brother!” sigaw nito pero kahit siya na nasasaktan din ay hindi naman siya binitawan nito. Naikuyom ko ang kamao ko na dumudugo pa dahil sa pagsuntok ko kanina sa pader.
“Don’t touch my ate!” the little boy shouted the girl. I like him for being him strong.
“Pakawalan mo ang mga bata and you don't have the rights to hurt them,” mariin na sabi ko sa babae at nagulat pa siya nang makita ako. Hindi lang ang paghigpit ng kamay niya ang nakita ko, bumabaon sa balat nito ang kuko niya.
Hindi ito tumigil sa pag-iyak at wala man lang tumulong sa kanila para pakawalan ang mga ito.
“E-Engineer Markin...” Nanginig pa ang boses niya sa pagsambit sa pangalan ko.
“I told you to let go of them. Puwede kang kasuhan ng child abuse kung ipagpapatuloy mo ang mga ginagawa mo ngayon,” malamig na sabi ko sa kanya. Saka niya lamang ito binitawan at patakbong lumapit sa akin ang dalawang bata. Yumakap sa binti ko at nagtago sa likuran ko.
Nagulat pa ako sa ginawa nila dahil hindi ko naman iyon inaasahan na gagawin nila sa akin.
Pumihit ako para makita sila at lumuhod. Maingat na hinawakan ko ang siko ng bata at umigting ang panga ko sa nakita ko. Pulang-pula ang palapulsuhan niya at bumaon nga talaga ang kuko ng babaeng iyon dito.
“It’s hurt po... S-Super hurt po...” Tila nagsusumbong ito sa akin at walang tigil sa paghikbi. Hinaplos ko iyon. Kailangan magamot ito agad dahil baka... “S-She even pinched me here po, Sir... Super hurt po siya...”
“Who did this to you?” tanong ko sa marahan na boses.
“That girl po... She's bad. I hate her, so much!” umiiyak na sigaw nito at hinawakan ko na ang balikat niya para sana yakapin ko at aluhin pero umawang lang ang labi ko nang makita ko ang mukha niya.
Napaupo ako sa sahig dahil sa gulat. Namilog ang mga mata ko at halos hindi na ako kumukurap pa. My heartbeat is pounding so fvcking hard. This little face, she's very familiar.
BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomanceRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...