Chapter 64: Wrong timing
"MARKIN, woy..." Inalog ko ang balikat niya at ilang beses na tinapik ko pa ang kanyang pisngi. Namumutla na talaga siya. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang pagbigat nang paghinga niya.
Kinuha ko na mula sa kanya ang anak namin dahil mabibitawan na talaga niya ito. Umupo ako sa tabi niya at tinitigan siya.
"Umayos ka nga!" asik ko sa kanya. Nagulat ang baby ko dahil napatalon siya sa gulat. Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya at binigyan pansin ang daddy niya na nawawala na sa sarili. "Markin, hoy..." tawag ko pa rin sa kanya. Dahan-dahan naman niya akong nilingon at idinantay ang kaliwang braso niya sa balikat ko. Sumiksik siya sa leeg ko at narinig ko na ang mahihina niyang pagmura.
"What just happened?" tanong pa niya at tiningnan ako.
"Bakit namumutla ka?" balik kong tanong sa kanya at akmang tatawagin ko na sana ang tatlo ng maalala ko wala pala sila rito. Ibinigay ko ulit sa kanya si Markiana. "Hawakan mo 'yan nang mahigpit. Kapag nabitawan mo ang anak mo, makikita mo ang gagawin ko sa 'yo," banta ko sa kanya at mabilis naman siyang sumunod.
Hinigpitan niya ang yakap sa baby niya kahit kitang-kita ko pa rin panginginig ng mga kamay niya. Hinalik-halikan pa niya ang ulo nito kaya hindi na ako nag-alala pa na baka mabibitawan na naman niya si Markiana.
Kumuha ako ng dalawang bottled water saka ako bumalik sa dalawa. Tinabihan ko ulit si Markin at ramdam ko agad ang tingin niya sa akin.
Tinanggal ko ang takip ng tubig at ibinigay ko iyon sa kanya. Inabot pa ni Markiana kaya inilingan ko siya.
"Gusto mo rin ng tubig, love?" malambing na tanong ko sa kanya. Tinitigan lang ako nito at pinalobo niya lang ang laway niya. Natawa ako at pinunasan ang bibig niya. "Ayos ka na?" tanong ko kay Markin. Nangalahati ang tubig niya. Kinuha ko iyon at ibinalik ko ang takip. Ininom ko naman iyong akin at itinaas na naman ni Markiana ang mga kamay niya para abutin iyon.
"Nabigla lang ako," sagot niya sa marahan na boses.
"Saan naman?" kunot-noong tanong ko. Dumausdos sa aking baywang ang kamay niya at hinapit ako palapit sa katawan niya.
"That you love me..." sambit niya. Matiim na tinitigan ko naman ang mga mata niya. Kumikislap iyon. I caressed his face, down to his jaw and smiled at him.
"Parang iyon lang," sabi ko.
"I used to be the one who fell in love first and in return, masaksaktan lang ako. Ikaw, minahal ko lang din at ibinalik mo rin sa akin, that you love me too," sambit niya at kitang-kita ko ang pangingilid ng mga luha niya. Nakangiting pinunasan ko iyon. He's so fragile.
"Para ka talagang babae, eh. Sigurado ako na sa past life mo ay babae ka talaga," saad ko. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod no'n.
"Mas mahal kita, Rea. Mas mahal ko kayo ni Markiana," sambit niya at lumipat ang labi niya sa aking noo. "Thank you for loving me, baby..."
***
Tuwang-tuwang si Markin nang tinulungan ko siya na ilagay sa malaking frame iyong tatlong canvas at nag-iinit pa talaga ang magkabilang pisngi ko lalo na kung nakikita ko ang bakas ng ginawa namin.
Visible na visible talaga siya at mas matindi yata iyong spooning. Hindi makikita roon ang isang binti ko dahil yakap-yakap niya iyon.
"This is the aftermath. I love it," nakangising sabi pa niya at nagawa pa akong kindatan.
"Tingnan mo ang daddy mo, love... Ang lapad-lapad ng ngisi niya," sumbong ko sa anak ko at mabilis na nag-ingay ito sa bisig ko. Her dad just chuckled.
BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomanceRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...