CHAPTER 33

6.7K 119 1
                                    

Chapter 33: Unexpected isitor

"AND you'll gonna be my wife...soon..." Pagkatapos niyang sambitin ang mga katagang 'yan na pati ang kalamnan ko ay nanginig at saka siya umalis sa ibabaw ko.

Humiga rin siya sa tabi ko pero pinatalikod niya ako mula sa kanya. Kaya ang natutulog na si Markiana ang kaharap ko ngayon.

Sa tuwing natutulog kami ay hanggang baywang ko lang ang kumot ko o sa ibaba lang ng dibdib ko. Baka kasi pati ang mukha ng anak ko ay matabunan at mahihirapan siyang huminga. Ayoko namang gawin iyon.

Pero minsan din ay pinapantayan ko ang ulo niya kaya kinabukasan nagigising ako na pinaglalaruan na niya ang mukha ko. Iyong para bang ginigising niya rin ako.

Marahan na gumalaw si Markiana at tumagilid ito nang higa at hindi sinasadyang matamaan ako ng matambok niyang braso. Napapikit ako dahil 'sakto talaga iyon sa mukha ko, mahinang dumaing pa ako dahil sa bigat ng kamay niya. Narinig ko naman ang mahinang paghalakhak ni Markin mula sa likuran ko.

Umangat pataas ang aking ulo at tinanggal ang unan ko, pumalit ang matigas niyang braso. Hindi na ako nakapagsalita pa lalo na ng hapitin niya ako sa baywang at may pag-iingat na tinanggal ang kamay ng anak niya.

Nararamdaman ko ang pagbuga niya ng hininga malapit sa aking tainga at nanuot sa ilong ko ang sabon na ginagamit ko rin. Bagong ligo lang siya. Hinalikan pa niya ang likod ng kamay ng baby namin at may tunog pa. Tuluyang nawala ang antok ko dahil sa makulit na engineer na ito.

"Baby Markiana Reyan... My little Brilliantes... Sleep well, love," sambit niya.

Gusto ko siyang asarin dahil hindi dala ng baby niya ang pangalan ng clan nila. Suwaib pa rin si Markiana, kahit alam ko kung sino ang daddy ng baby ko ay hindi ko ipagagamit ang surname nila. Wala rin naman kasing idea ang pamilya ko.

Pero hindi ko rin napigilan ang bunganga ko, eh. "She's still Suwaib, not Brilliantes," ani ko at nanatili ang tingin ko sa anak namin. Dahil hindi puwedeng tingnan ko pa si Markin at baka masalubong ko lang ang labi niya na malapit sa aking pisnging namamahinga.

"That's okay. Para sabay na rin kayong magiging Brilliantes," mayabang na sabi niya at kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangisi siya.

"Tumigil ka," saad ko.

"Can you tell me about the offer?"

"Wala na nga iyon sa akin..." mabilis na tanggi ko.

"Can you please, explain? Enlighten me, kulot," malambing na sabi niya at hinawi ang iilan na hibla ng buhok ko sa aking pisngi.

"Fine. May nakilala akong art collector at nakita niya ang isa sa mga artwork ko sa exhibit," pagsisimula ko at mariin na nakinig lamang siya.

"Then?"

"Hayon nga, binigyan niya ako ng offer pero hindi rito sa Pinas. Nasa ibang bansa kasi ang studio nila. Pero nang malaman ko--namin na buntis pala ako... I talked to him about my situation. He was disappointed but nirespeto naman niya ang decision ko to turn down his offer in a good way," I explained.

"He?" matabang na tanong niya.

"Yeah," sagot ko at tumango pa.

Hindi ko na nga binanggit pa ang bagay na iyon dahil masaya na akong kasama ko ang baby ko at wala akong pinagsisisihan.

"Mabuti at dumating si Markiana para hindi ka na tumuloy pa," sabi niya. Hindi ko na lang iyon binigyang pansin pa at pumikit na ako. "Inaantok ka na ba?" tanong niya sa akin.

Kung palagi niya akong kinakausap na may lambing sa boses ay talagang makakatulog ako agad. Hanggang sa hindi ko na nga namalayan pa at tuluyan na akong nakatulog.

The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon