Chapter 39: Nole, Rafida & Rose
"WHO ARE you?" tanong ko sa tatlong babae. Hindi ko sila kilala dahil ngayon ko lang naman sila nakita.
Umagang-umaga pa lang. 'Saktong magbubukas na rin kasi ako at sa may pintuan pa ako ay nakita ko na silang nakatayo na mukhang kanina pa naghihintay.
Hindi naman kasi halatang magiging client ko sila, hindi sa hinuhusgahan ko sila, ah. Simple lang naman kasi sila kung titingnan at nang makita ako ay pareho pa silang yumuko na para bang ako ang kanilang amo. Saka mukha naman silang mababait sa gaan ng aura nila.
"Good morning po, Ma'am Rea," sabay-sabay na bati rin nila sa akin kaya mas nagulo ang utak ko dahil sa pagbanggit nila sa pangalan ko. Aba, ngayon lang nila ako nakita ay alam na nila ang pangalan ko at alam na rin nila kung sino ba ang nagngangalang Rea.
"Tauhan po kami ni Engineer Markin at pinadala niya po kami rito para pagsilbihan kayo," magalang na sabi ng isa. Matangkad siya at morena ang kutis. May hitsura naman, matangos ang ilong niya.
Ang pangalawang babae naman ay maikli lang ang kanyang buhok, na hanggang balikat niya lamang. Namumula ang pisngi niya dahil siguro sa blush on nito? Ang pangatlo ay mas bata kaysa sa dalawa. Itim na itim ang buhok niya.
"Pagsilbihan?" pag-uulit ko sa sinabi niya. Hindi ko kasi naintindihan agad ang sinabi niya kanina. Ano'ng pagsisilbihan? And what again? Pinadala sila ni Markin dito? For what? "Ano'ng ibig niyong sabihin?" tanong ko pa.
"Babysitter po ang isa naming kasama, Ma'am Rea. Siya po ang mag-aalaga sa inyong anak at kami pong dalawa ang gagawa ng mga gawain niyo sa studio niyo at kung may gusto po kayong ipag-uutos ay nandito lamang po kami," sabi pa niya kaya ngayon ay na-gets ko na ang ibig nilang sabihin.
"Pero hindi ko kayo kailangan. Hindi ko kailangan ang tulong niyo," sabi ko lang. Sabihin na natin na nag-uumpisa pa lamang ako sa studio ko pero ano naman ang ipapasahod ko sa kanilang tatlo? Bakit kumuha ng katulong ang lalaking iyon?
At hindi ko naman kailangan ng katulong. Kaya kong pagsabayin ang trabaho ko at sa pag-aalaga sa baby ko.
"Kay Engineer Markin po kami sumasahod, Ma'am at hindi na niyo po kailangan na gawin iyon sa amin. Ang tulungan lang po kayo ang aming trabaho," paliwanag pa niya.
Sinenyasan ko sila na pumasok na sa loob. Ayoko naman na maging rude at walang galang kung paghihintayin ko sila sa labas nang hindi ko pa nakakausap si Markin tungkol dito and worst paalisin na sa lugar ko.
Pagpasok namin sa loob ay nilapitan ng isa ang anak ko. Nasa crib nito at nang makita na akmang may bubuhat sa kanya ay agad na umiyak ito.
Sa halip na mataranta ang babae dahil natakot sa kanya si Markiana ay ginawa niya ang lahat para patahanin ito. Kunot na kunot ang noo ko.
Tiningnan ko naman ang dalawa. Nagsisimula nang maglinis ang isa at iyong pangalawa ay isa-isa niyang idinesplay ang artworks ko. Parang alam na nila ang mga trabaho nila... Kahit wala pa akong sinasabi o inuutos.
"Mamamamamama..." Umalingawngaw sa loob ang boses niya habang lumalakas ang pag-iyak ni Markiana.
Ganito naman kasi ang aking anak. Hindi siya sanay sa ibang tao at kung ngayon niya lamang makikita ay talagang umiiyak ito. Matatakot sa hindi pamilyar na mukha.
I approached them at mabilis namang dumistansya ang babae sa crib para bigyan ako ng daan na makalapit sa baby na umiiyak.
Parang nabuhayan ng pag-asa ang Markiana ko nang makita niya ako. Pulang-pula ang manipis na magkabilang kilay niya at maging ang kanyang ilong din. Tumutulis ang nguso niya, na kumibot-kibot pa. Nabasa agad ng mga luha ang kanyang matambok na pisngi.
BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomanceRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...