Chapter 31: Red roses
"AT alam kong curious ka sa tinutukoy kong spooning," mayabang na sabi niya. Oo, inaamin kong wala nga akong idea sa sinasabi niyang spooning at hindi niya lang iyon ipinaliwanag sa akin.
Binigyan pa ng sample kaya hindi ko maiwasan ang isipin iyon kung paano talaga siyang gawin personal... Sa kama, nakahiga kami ng patagilid at nasa likuran ko siya habang... Tsk. Bad influence talaga siya.
"Walang spooning, Engineer. Sarili mong pag-iisip 'yan. Ikaw lang ang nakaisip ng spooning-spooning na 'yan," supladang sabi ko sa kanya. Nag-iinit pa rin ang pisngi ko.
Ngumisi lang siya at muling kinuha sa akin si Markiana. Inirapan ko lang siya sa huli.
"ANO'NG gagawin niyo sa bayan?" strict na tanong ni Lola Areah sa amin. Nakapamaywang pa siya. Oo, naging strict siya ngayon. Eh, si Tatay parang wala na sa kanya kung kasama namin ang engineer. Pinagkakatiwalaan na nga kasi niya ang lalaking ito.
Saglit na sinulyapan ko si Markin na busy sa pag-aayos ng baby bag sa akin sa balikat ko. Nang masiguradong secure na ito ay maingat na inilipat niya sa akin si Markiana. Nakaharap ito sa akin, agad siyang ngumiti at yumakap ang mumunting braso niya sa leeg ko. Pinugpog ko siya halik sa pisngi bago ko nilingon aking aming lola
"Mamamasyal po, Lola Areah. Ipapasyal po namin ang daddy ni Markiana. Para hindi mabagot sa antique nating bahay," magalang na sagot ko at pinagtaasan pa niya ako ng kilay.
Narinig ko naman ang pagtikhim ng katabi ko kaya sa kanya naibaling ang tingin ng lola ko. Sinadya niya yatang gawin iyon para kunin ang atensyon nito.
"P-Puwede ko ho ba'ng hiramin ang oras ng mag-ina ko, Ma'am?" kinakabahan na tanong ni Markin, nanginig pa ang boses niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa pagtawag niya sa aking lola.
Napahinto tuloy sa mga ginagawa sina Tatay at Tito Hart. Nakita ko pa ang pasimpleng pagsilip ni Tita Hanah at si Nanay mula sa kusina namin. Pati oras namin ay kailangan talagang hingin sa pamilya ko. Pinaninindigan talaga niya ang panliligaw sa amin.
"Basta hindi kayo magtatagal doon," sabi ni Lolo Henriko. Tumango lang din si Tatay nang tingnan ko siya. Sa paraan na iyon ay nakuha na namin ang permiso niya para makaalis na kami.
Paglabas namin mula sa bahay naming antique ay narinig ko pa ang paghinga ng malalim ni Engineer Markin. Parang ngayon lang yata siya huminga dahil sa sobrang kaba niya kanina. Wala namang nakakakaba dahil gusto na siya ng pamilya ko. Hindi lang kami sure kung ano rin ang naging desisyon ni Lola Areah para sa amin.
Malakas din naman ang kutob ko na tatanggapin niya si Markin. Ako pa ang nangangamba na paano kung darating ang panahon na mabigo niya ang pamilya ko? Overthink malala lang talaga ako.
Binuksan niya ang payong na dala namin at sumulong din siya. Nasa likod ko ang kamay niyang nakahawak sa payong at ang isang kamay naman niya ay malayang nakahawak sa likuran ni Markiana.
Masyado siyang malapit sa aming mag-ina. Parang may naghihintay na manakit sa aming dalawa at handa naman niya kaming ipagtanggol. Alalay na alalay siya sa amin ni baby Markiana.
"Baka magtaka ang kapitbahay namin. Ang alam nila ay anak ito ni Raia. Itinago kasi namin ang totoo," sabi ko sa kanya at naramdaman ko agad ang pagtingin niya sa akin.
"Sabihin mo na lang sa kanila ang totoo. Tell them that Markiana is your daughter," usal niya.
"Alam din nila na wala akong asawa, 'no. Kahit nga boyfriend. Wala," sabi ko pa.
"Okay, that's good. Soon, magkakaroon ka na ng boyfriend kapag sasagutin mo na ako," mayabang na sabi niya. Napairap na lamang ako. "Hindi natin gagamitin ang kotse ko? Malapit lang ba rito sa inyo ang bayan?"
BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomansaRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...