CHAPTER 57

6.3K 124 5
                                    

Chapter 57: Almost caught

MOMMY is calling...

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Sasagutin ko ba ang tawag na ito o hahayaan na lamang na mag-ring siya? Titigil naman siguro ito kapag wala ng sumasagot, hindi ba? Baka kasi magising si-- muntik ko nang mabitawan ang phone ni Markin nang marinig ko ang pagsisimulang paghikbi ni Markiana at nang gumalaw siya ay binitawan ko na lang ang cellphone ng daddy niya. Binuhat ko ang anak ko at pinahiga ko siya sa braso ko.

"What is it, love?" malambing na tanong ko sa kanya.

Lumapad ang ngiti ko nang kinusot-kusot niya ang mga mata niya at hayan na naman ang pagtulis ng labi niya. Hinalikan ko iyon pero sumibi lang siya.

Dinala ko sa pisngi ko ang kamay niya. Bumababa na nga ang lagnat niya at hindi na gaano kainit hindi katulad ng kanina. Kaya natakot talaga ako.

"Matulog ka ulit, Markiana..." ani ko at marahan akong nag-humming ng kanta para patulugin siya ulit. Marahan kong tinapik-tapik ang paa niya na hindi iyong naturukan ng vaccine.

"Gising na siya? Kaaalis ko lang kanina," sabi ni Markin at nagmamadaling lumapit siya sa amin.

"Oo. Matutulog din naman siya ulit," sagot ko.

"On the way na ang pizza na pina-order ko. Hintayin na lamang natin, baby," sabi niya at tumabi sa akin para makita niya rin si Markiana.

Nakita ko naman na kinuha niya ang cellphone niya at doon ko lang din naalala na tumawag pala kanina ang Mommy niya. Magsasalita na sana ako nang pareho naming narinig ang malamig at striktong boses ng isang babae sa kabilang linya.

"Markin? What the hell was that?! Are you hiding something important to us?! Answer me!" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at mabilis akong napatingin kay Markin. Maski siya ay putlang-putla na at halatang nagulat din siya.

"M-Mom?" nauutal na tawag pa niya sa kanyang ina.

"Kanina pa ako salita nang salita rito, Markin! Ipaliwanag mo ang narinig ko kanina! Do you have a child?! May anak ka at sa ibang babae pa?! Huwag na huwag kang mag-deny dahil narinig ko ang boses ng isang babae at tinawag pa niya itong Markiana! Kaya halatang anak mo ang bata na 'yan!" dire-diretsong saad nito at kahit over the phone pa ay talaga namang sumisigaw siya. Nakakatakot ang boses niya. Sobrang lamig at halatang istrikta!

"Mom, wait--"

"Where are you? Nasa condo ka ba ngayon?! Pupunta ako riyan, Markin at mag-uusap tayo. Huwag na huwag mong itatago sa akin ang narinig ko kanina!" sigaw pa nito na may kasama pang pagbabanta.

"Mom! Mom, wait-- oh, shoot!" inis na sambit niya at nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa phone niya.

"M-Markin..." nauutal na sambit ko sa pangalan niya. Bigla akong nanlamig nang tumayo siya at halos sabunutan na niya ang kanyang buhok.

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot at pagkabalisa dahil malalaman na yata ngayon ng Mommy niya ang tungkol sa amin, lalong-lalo na sa baby namin.

"U-Uuwi na lamang kami, Markin," sabi ko at parang may bumara pa sa lalamunan ko dahil muntik na ring mabasag ang boses ko.

Umiling siya at muling umupo sa kama niya. Hinawakan niya ang balikat ko at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay niya.

"Bakit naman kayo uuwi, Rea?" mahinang tanong niya sa akin.

"Para hindi na kami maabutan ng -MMommy mo rito..." sagot ko. Hindi ko alam kung totoo ba na nakita ko ang sakit na dumaan sa mukha niya o baka...

The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon