Chapter 45: First date & disappointment
"BABY! hindi na puwede 'yang tanggalin!" sigaw niya kaya malakas ko siyang binatukan. Kaya hinimas-himas na lamang niya ito. Tiningnan ko na lang ito sa kamay ko at napangiti ako dahil sa sobrang ganda niya. Sobrang mahal din.
"Gago ka talaga. Ang mahal nito, ah," sabi ko at wala na yata siyang pakialam pa sa presyo nito dahil pinagmamasdan na niya ang reaksyon ko.
"Pero nagustuhan mo naman, 'di ba?" I nodded. "Sinasagot mo na ba ako?" tanong niya.
"Bakit? Sinagot na ba kita?" balik na tanong ko sa kanya. He pinched the bridge of his nose. Kaya mariin kong pinisil iyon.
"You didn't tried to remove this from your hand. So..."
"Oo na..." mahinang sabi ko at ramdam na ramdam ko ang init sa mukha ko. I couldn't look straight at him but he touched my face kaya napilitan akong tumingin sa mga mata niya.
"Next time, I will ask you a marriage proposal," nakangiting sabi pa niya at kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa nararamdaman na kilig. Parang sasabog ang dibdib ko sa bilis ng pintig ng puso ko.
Baka next time ay masasabi ko ng mahal na kita, Engineer Markin. Girlfriend pa lamang niya ako ay aalukin na raw niya ako ng kasal sa susunod.
He caressed my cheek at hinawakan ang kamay ko. Mabagal na dinala niya ito sa labi niya at kinintalan ng halik. Napapikit ako at napahawak sa damit niya nang malambing na humalik din siya sa aking noo. Bumababa iyon sa tungki ng ilong ko at mas nag-init ang pisngi ko dahil ang mainit niyang hininga ay tumatama na sa labi ko bago niya ito masuyong siniil ng mariin na halik. Inikot ko ang magkabilang braso ko sa leeg niya at mahigpit naman niyang hinawakan ang batok ko kaya mas lalong dumiin ang paghalik niya sa akin.
Ang marahan na labi niyang naglalakbay sa aking bibig ay mas dumiin pa, pinanggigilan niyang kagatin ang mga labi ko at hanggang sa unti-unti niyang pinasok ang dila niya sa akin. Nakipagsabayan ako sa paghalik niya at parang nag-eespadahan ang mga dila namin sa isa't isa. Mariin na sisipsipin niya ang dila ko at parang gusto kong umungol pero hindi ko magawa dahil sa mga labi niya.
Ang kamay niya ay nasa baywang ko na at nagsisimula na rin itong magtaas-baba. Nagtagal iyon ng ilang minuto saka niya pinakawalan ang mga labi ko. We were both catching our breath and the temperature around seemed to rise even more.
"Damn it," malutong na mura niya at hinalikan ang pisngi ko. Nanlalambot ang binti ko kaya nang itinayo niya ako ay parang hindi ko na kayang tumayo pa. Nahiya ako nang mapansin niya iyon. "Wala pa tayong ginagawa pero nahihirapan ka nang maglakad." Pinalo ko siya sa balikat niya at sinimangutan siya. "Paano na lang kung mayroon na?" dugtong pa niya.
"Nakaya ko ngang maglakad pagkatapos ng one night stand natin, 'no!" asik ko sa pagmumukha niya pero tumaas lang ang sulok ng mga labi niya. Hawak niya ako sa baywang ko at yakap-yakap ko na ang dala niyang bulaklak. Baka magtampo na naman siya. Dala naman niya ang paper bag na naglalaman ng dress namin ni Markiana.
"Sana pala, inabot natin hanggang umaga iyon, 'no? Para wala ka ng kawala pa," sabi niya sa akin. Umirap ako. Natatawang hinalikan na lamang niya ang ulo ko saka kami bumalik sa kuwarto.
Nagulat kami nang makita na gising na si Markiana at inaaliw siya ni Rose. Hindi na siya umiiyak pa dahil nakikipagtawanan na siya rito.
"Hala umamo na ang maliit na tigre namin," sambit ko. Markin chuckled.
Nakahiga lang siya sa kama at bumungisngis, wala na nga siyang takot na may ibang tao na ang kasama namin. Hawak niya ang talampakan niya na madalas namang ginagawa ng mga bata. Iyong suot niyang medya ay halos matanggal na iyon sa paa niya dahil sa panay ang paghila niya roon.
BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomanceRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...