Chapter 72: Mistake & different events, same location
“REYANG! Nakauwi na ang apo ko!” Boses agad ng aking lola ang unang bumungad sa amin nang makarating kami sa probinsya.
Naabutan ko pa si Lola Areah na nagwawalis sa labas ng antique naming bahay. Ginamit ko ang kotse ni Mae para hindi magreklamo ang kasama ko at diretso ang biyahe namin, and yes marunong na akong magmaneho. Nag-aral ako, eh at kailangan din naman.
Nang ihinto ko na nga ang sasakyan ay agad siyang natigilan at lumapit pa sa tarangkahan para mas makita kami ng nasa malapitan, kung sino ba ang bababa. Nang lumabas na nga ako ay nanlaki pa ang mga mata niya at mabilis siyang napaiyak.
“Nakauwi na si Reyang!” sigaw niya ulit at pati ang kapitbahay namin ay nabulabog niya. Nagsilabasan ang mga ito mula sa bahay nila at nakichika pa.
Nakita ko naman ang paglabas ng mga magulang ko pero hindi ko nakita si Lolo Henriko. Nasaan na kaya iyon?
“Anak, Reyang!” sigaw ni Nanay at nagmamadaling lumapit sa akin. Sinalubong niya ako nang mahigpit na yakap at umiiyak na rin siya. Naluluha rin si Tatay at na-surprise ko talaga siya.
Hindi na kasi ako nakabisita pa sa kanila, katulad ng pangako ko. Kaya tiniis ko sila na hindi makita ng apat na taon. Na-miss ko sila ng bonggang-bongga.
“A-Ang anak ko... Miss na miss na kita, anak ko,” umiiyak na sabi ng aking ina at kinulong ng mga palad niya ang mukha ko. Hinalikan ako sa noo.
“I missed you too, ‘Nay,” sabi ko sa kanya at si Tatay naman ang niyakap ko. Humihikbi na si Lola Areah.
“Nasaan na ang apo ko?” Boses iyon ni Lolo Henriko at nang makita ko siya ay agad akong bumitaw kay tatay na ikinatawa naman nito.
“Lolo Henriko!” Naka-wheelchair na lamang si Lolo pero alam kong malakas pa siya. Napapagod lang daw siya na maglakad kasi tumatanda na raw siya.
“Hala, mas gumanda ang apo ko nang mag-Canada siya,” puri nito sa akin at pumuwesto ako sa likod niya para malaya akong mayakap siya.
“Matagal na ho akong maganda. Lolo, dapat po ay nakatayo kayo ngayon. Baka papaluin na naman niya ako sa pwit dahil sa pasalubong ko sa inyo. Naalala niyo po ang sinabi ko noon bago kami umalis?” tanong ko pa at inalala nga niya ang sinabi ko dati.
“Seryoso ka ba roon, apo?” gulat niyang tanong. Hindi ko kasi ipinakilala sa kanila ang baby boy ko sa tuwing naka-video call kami. Natatakot lang ako sa kanila at baka kung ano pa ang mangyayari sa Lolo't Lola ko. Mas mabuting in person nila makilala ang bago nilang apo.
“May kasama po akong pogi, ‘Nay, ‘Tay,” sabi ko at kumindat ako kay Lolo Henriko.
“Si Markiana, nasaan na, anak?” tanong nila at lumapit ako sa kotse. Binuksan ko ang pinto sa backseat.
“Love, behave ka lang, okay? Alam kong super mainit dito sa atin, sana you know your limits, anak ko,” ani ko. Kasi kahapon noong dumating kami ay todo reklamo siya. Noong lumabas siya ng mansion ng tita niya ay super hot daw.
“Opo, I can endure, Mommy,” sagot niya sa akin at naglahad siya ng kamay. Binuhat ko siya at ibinaba.
“Hello po, I'm home na!” sigaw niya at patakbong lumapit sa pamilya namin. Baby pa siya nang umalis kami pero heto nakakapagsalita na.
“Henriko, ang laki na ng apo natin!”
“Sobrang ganda naman ng Markiana namin!” napangiti ako nang yakapin nila ito. Nilingon ko naman si Mackrenz. Tuwang-tuwang siyang nanonood sa labas ng bintana, mukhang excited na rin siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/322136711-288-k836326.jpg)
BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomanceRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...