CHAPTER 28

7.8K 138 2
                                    

Chapter 28: The value and morning kiss

ANG AKALA ko ay matutulog na si Engineer Markin dahil mukhang inaantok na talaga siya, eh. Namumungay na kasi ang mga mata niya at ang bigat-bigat na ng pagkurap niya pero nanatili pa ring dilat ang mga mata niya.

Huminto na rin si Markiana kaya mabilis na tinakip ko ang mga mata ni Markin na ikinagulat pa niya. Ibinaba ko ang damit ko para ayusin ito at saka niya lang tinanggal ang kamay ko.

"What was that?" naguguluhang tanong niya sa akin pero napako lang ang tingin niya sa dibdib ko. Tumaas ang sulok ng mga labi niya at sa paraan lang iyon ay parang hinipan ng kung ano ang batok ko. Tumayo ang balahibo ko dahil sa kanya. Hindi naman siya multo pero ganito kalakas ang epekto niya sa akin.

Palagi akong kinakabahan kahit hindi naman siya katakot-takot.

"Bakit kailangan mo pang itago 'yan sa akin? Makikita ko naman, ah. Saka nakita ko naman na, baka nakalimutan mo," nakangising sabi niya. Ang yabang-yabang niya talaga.

"Ang bastos mo talagang engineer ka!" asik ko sa kanya at mabilis na sumenyas siya na tumahimik ako.

Bumuntonghininga ako at napatingin kay baby Markiana na nakahiga sa gitna namin. Napangiti ako dahil tulog na siya. Inayos ko ang pagkakahiga niya at si Markin naman ang nagtaas ng kumot sa maliit na katawan nito.

"She's beautiful...just like her Mommy ganda..." I rolled my eyes. Bola.

"Matulog ka na," ani ko at pumikit na rin ako para makatulog na.

Ito ang unang beses na matutulog kami ni Markiana na katabi ang Daddy niya at nasa iisang kama pa kami. Ito rin ang pangalawang beses ko na makatabi siya pero nahihiya pa rin ako. Nahihiya ako sa presensiya niya, eh.

Umayos din ako sa pagkakahiga ko at pipikit na sana nang pigilan niya ako. Kunot-noong tiningnan ko siya.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Nakahiga siya nang paharap sa amin.

"I can't sleep," sabi niya. Mukhang problema niya ang hindi makatulog ngayong gabi. Namamahay siguro'to.

"Problema mo na 'yan," pambabara ko sa kanya. Itinukod niya ang siko niya sa kama at ginawa niyang unan iyon.

"Let's talk about Markiana," seryosong sabi niya at nang tumingin siya sa anak niya ay mabilis nanlambot ang ekspresyon ng mukha niya. Hinaplos niya ang pisngi nito at napangiti pa siya nang bahagyang ngumuso ang namumulang labi nito at mahihinang baby sounds ang lumabas dito.

Bukas ang ilaw sa loob ng silid namin. Hindi ko naman kasi ito pinapatay kapag matutulog kami ng baby ko. Dahil ayaw niya sa madilim na lugar. Mabilis siyang umiyak dahil natatakot siya. Sino namang baby ang hindi matatakot sa dilim?

"Okay lang ba sa 'yo na itago na muna natin siya from my family?" nag-aalangan na tanong niya sa akin. Hindi pa man ako nakasasagot ay nagsalita na siya ulit, "I want her to be safe too. Ayoko siyang itago mula sa pamilya ko, proud na proud ako sa anak ko, Rea... Masaya ako na dumating siya sa buhay ko. Masaya ako na naging anak ko siya. Masakit man sa parte ko ang itago siya at hindi ko maipakilala sa mundo na anak ko siya...ay hindi ko rin kayang makita na masasaktan siya at hindi tanggap ng pamilya ko. Mas mabuting... ililihim ko na muna ang tungkol sa kanya," mahabang sabi niya. Tila may isang malambot na bagay ang humahaplos sa puso ko nang marinig ko ang mga katagang iyon.

Mahal na mahal niya nga ang anak niya. Nakikita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Nakikita ko ang pag-aalala at pagmamahal at the same time.

"Naiintindihan ko naman," mahinang usal ko. Napatitig na naman siya sa akin. Parang pati ang kaluluwa ko ay nakita na niya.

The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon