Chapter 53: Sick
DINALA kami ni Markin sa isang coffee shop. Um-order siya ng pastry na favorite niyang kainin, iyon sabi niya na ngayon ko lang din nalaman. Pineapple juice naman ang sinisimsim ko kanina pa at natuwa pa ako dahil may baby chair sila kaya malayang-malayang nakaupo ang baby namin.
Maganda ang ambiance sa loob at hindi masakit sa mata ang color theme ng café nila. May bookshelves din sa dulo at coach na puwedeng pagtambayan habang nagbabasa ka naman ng mga libro sa puwestong iyon. Salamin ang pader nila kaya makikita mo rin ang mga bagay sa labas at ang mga pangyayari. Hindi nga lang makikita mula sa labas kung ano naman ang mayroon sa loob. Masarap sa tainga na pakinggan ang soft music nila kaya talagang nakagagaan ng pakiramdam.
"Uhm, baby?" Markin whispered. I looked at him.
"Hmm?" tugon ko habang ngumunguya pa ako ng banana cake.
"Can you help me with this?" tanong niya at ipinakita sa akin ang hawak niyang iPad. Mabilis kong nilunok ang kinakain ko dahil nagustuhan ko ang mga nakikita ko ngayon. Ang gaganda ng kulay.
"Ano ito?" Kinuha ko naman ang iPad niya at inisa-isa na tiningnan ang sketching ng mga bahay. "Ang ganda," sambit ko at namangha ako sa mga bahay kahit na sketching pa lang ang mga ito.
"I have a client... Uhm," parang nag-aalangan pa na sabi niya.
"Ano nga iyon?" untag na tanong ko sa kanya.
"Hindi kasi siya pumili sa mga sketching diyan kung ano ba talaga ang gusto niya... Sabi niya ay ako na lang daw ang pipili dahil alam naman daw niya kung ano ang pinakamagandang bahay na ipagagawa niya sa amin. Kinakabahan lang ako na baka hindi niya magustuhan kapag namili ako," mahabang sagot niya at yumuko sa akin para isa-isa nga na ipinakita ang mga iyon.
"Tapos? Ano'ng maitutulong ko sa 'yo? Saka... ngayon ka pa talaga nahirapan na pumili ng mga ito. Eh, engineer ka," sabi ko sa kanya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin at napakamot pa sa batok niya. Bakit namumula ang pisngi at tainga niya?
"Baby, alam kong may taste ka rin when it comes to this. Ayoko lang mabigo ko ang client ko. Sige na, help me with this..." nakikiusap na sabi niya sa akin at kulang na lang ang mag-puppy eyes siya. As if gagawin niya iyon.
Kilala siyang snob at palaging seryoso kapag sa labas. Oo, crybaby siya at mahilig magpalambing. Pero hindi niya iyon gagawin sa public place.
"Okay," sabi ko at narinig ko ang mahina niyang pag-yes kaya kinunutan ko siya ng noo. Parang iyon lang naman. Hindi nawala sa labi niya ang matamis na ngiti habang sumisimsim din siya ng coffee niya at nakikipag-usap sa anak niya na hindi naman niya ito naiintindihan.
"Ano'ng gender ba ang client mo?" tanong ko at nagsimula na akong pumili. Magaganda naman lahat ang mga bahay at halatang napakahusay na architect nito. Sobrang linis niya ang hirap din namang pumili. Parang gusto ko lahat, eh.
"Uhm, he's a boy. May plano na kasi siyang...hingin ang kamay ng girlfriend niya," seryosong sagot naman niya.
"May favorite color ba ang girlfriend niya?" tanong ko at mabilis siyang napatingin sa damit ko. Sleeveless light pink dress ang suot ko na pinarisan ko pa rin ng itim na cardigan.
"Uhm, b-black..." nauutal na sagot pa niya at pinagtaasan ko siya ng kilay. "Black and pastel color... That's it..." dugtong niya. Parang kulay lang naman ang tinatanong ko, eh kinakabahan pa siya.
"Ilan daw ang magiging anak nila?" I asked randomly. Wala lang. Gusto ko lang itanong iyon sa kanya, eh.
"Six," mabilis na sagot niya at pinangliitan ko siya ng mata. "Uh, yes! It's ten! Ten kids..."
BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomanceRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...