CHAPTER 67

6.3K 112 4
                                    

Chapter 67: The family argument

“ARE you going to break up my brother just like that? Hindi mo ba siya hihintayin na magpaliwanag man lang, Ms. Rea?” malamig na tanong niya sa akin. Natigilan ako. Dahil tama siya, tama siya na kailangan ko pa ring hintayin si Markin para magpaliwanag ng side niya.

Bakit nga ba ako makikipaghiwalay agad sa kapatid niya dahil lang sa narinig ko? Na hindi ko agad hihintayin si Markin to explain his side? I remember my situation, ganoon din naman ang ginawa niya sa akin. Pinakinggan pa niya ang paliwanag ko at hindi siya agad nagduda sa akin. Hindi siya nagalit agad. Dahil hindi raw mababaw ang pagmamahal niya sa akin para lang magalit sa naabutan niya.

Tama nga naman, ako binigyan pa niya ng pagkakataon para magpaliwanag. How about him? Babalewalain ko ba iyon? Hindi ba ako magiging fair sa kanya? Mas pinaniwalaan niya kasi ako kaysa sa Mommy niya. Pero paano kung magsisinungaling na naman siya? Paano kung ide-deny pa rin niya sa akin ang ginawa niya?

“I will call my brother. Hindi siya pumunta sa kung saan para lang mambabae, Miss. Ang daming niyang pinagdadaanan ngayon, he lost his projects because of our grandfather. Just please, huwag mo naman siyang hiwalayan. Alam kong sa inyo na lamang siya kumukuha ng lakas,” mahabang saad niya sa akin.

Napayuko na lamang ako at hindi na ako nakasagot pa. May kung ano ang humaplos sa dibdib ko sa malaman na sa amin na lamang ng anak siya kumukuha ng lakas. Wala rin naman kasi akong alam na may pinagdadaanan na siya dahil hindi naman siya nagkukuwento sa akin. Nililihim niya lang sa sarili niya ang nangyayari sa kanya.

***

Sa huli ay dinala pa rin kami sa hospital, dahil na rin sa kasama ko. Sumama sa amin si Engineer Markus at ipinaliwanag ko naman ang nangyari. Kaya hinayaan na siya ng mga pulis na lumapit sa amin. Ang tatlo pa rin ang tatanungin nila dahil sila lang ang unang nakapansin sa sunog. Dahil wala naman talaga akong kinalaman. Mahimbing iyong tulog ko. Kung wala lang sila ay hindi ko na alam pa ang mangyayari sa amin ng baby ko. Baka ngayon ay pinaglalamayan na kaming mag-ina.

Umabot naman ang balita sa pamilya ko kaya kahit madaling araw pa lamang ay agad silang bumiyahe sa Manila lahat dahil sa sobrang pag-aalala nila sa amin.

Nakita ko ang pabalik-balik na paglalakad ni Emgineer Markus at nasa tainga niya ang kanyang cellphone. Kanina pa siyang nagkakaganyan. May tinatawagan yata siya pero walang sumasagot sa tawag niya.

Binilhan pa niya kami ng damit pampalit at hindi ko alam kung saan siya nakahanap na bukas pa ang boutique sa mga oras na ito. But I didn't ask him.

Sa inis niya ay umupo na lamang siya sa bench at bayolenteng napalunok. Tatlong oras ang nakalipas at dumating agad ang pamilya ko. Si Nanay na umiiyak ang unang bumungad sa amin.

“Anak, Reyang! Ano’ng nangyari? Nasaktan ba kayo ng apo ko?!” nag-aalalang tanong sa akin ni Nanay at mahigpit akong niyakap. Natutulog sa bisig ko ang anak ko dahil simula nang nangyari kanina ay ayaw na niyang bitawan ko siya. Nakakaramdam pa rin siguro siya ng takot.

“A-Ayos naman po kami, ‘Nay,” sagot ko. Hinaplos pa niya ang pisngi ko. Umupo sa tabi ko si Lola Areah at pinagmamasdan ang natutulog na si Markiana. “H-Hindi na ho sana kayo bumiyahe pa rito, Lola... Baka mapagod lang kayo,” ani ko sa kanila.

Kompleto talaga silang lahat at halata sa mukha nila ang pag-aalala. Nagpaiwan naman sa probinsya ang tito at tita ko dahil na rin yata sa ricemill nilang naiwan. Walang mag-aasikaso roon kapag pati sila ay sasama pa. Si Tatay ay namumula rin ang mga mata niya. Humalik sa noo ko si Tatay.

“Sobra kaming nag-aalala sa inyo, anak... Akala namin ay napahamak na kayong dalawa,” wika ni Tatay at hinawakan niya ang ulo ni Markiana. Tipid ko siyang nginitian.

The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon