Chapter 35: Warning
"DADA?" patanong na tawag ni Markiana sa daddy niya at palinga-linga pa siya sa paligid. Animo'y hinahanap ang kanyang ama.
Tingnan mo nga naman, oh. Wala pang isang buwan silang magkasama ay hinahanap-hanap na ng baby ko si Markin. Nasanay na rin yata ang baby kulit sa presensiya ng daddy engineer niya. Alam na alam kung sino ang tatay niya.
Hala, ako ang natatakot kapag bigla kaming igo-ghost ng engineer na iyon. Baka darating ang panahon ay makakalimutan na kami no'n. Kahit na alam kong mahal na mahal naman ni Markin ang anak niya.
Tapos na kami sa paghahanda ng miryenda at nagkanya-kanya talaga kami para sa pagbibigyan din namin. Si Lolo Areah ay para kay Lolo Henriko naman ang inihanda niya, ganoon din si Nanay at Tita. Siyempre si Raia din sa para naman kay Engineer Markin ang inihanda kong miryenda.
Pinalitan ko lang ng diaper ang anak ko at nakadapa na naman siya sa bed namin. Pinaglalaruan na naman niya ang paborito niyang mansanas. Kinuha ko siya at pinatayo sa lap ko saka ko matamang tiningnan ang mukha niya.
Napangiti siya sa ginawa ko kaya pinaulanan ko na naman siya ng halik sa buong mukha niya at sa leeg niya. Ang bango-bango niya, kahit amoy gatas at pulbos siya.
"Sasama ka ba, love? Ihahatid lang natin ang miryenda ng daddy mo na kinakawawa na naman ng mga lolo mo. Pinagtrabaho na naman nila sa ricemill," nakangusong sabi ko sa kanya. Humagikhik siya at sinubo na naman niya ang laruan niya sa kanyang bibig.
"Dada... Dadadadadada..." Hayan na naman siya. Dalawang salita lang talaga ang kaya niyang bigkasin. Mama at dada pa. Excited ako na soon ay magiging madaldal na siyang bata.
"Ang cute-cute mo talagang baby ka," nakangiting sabi ko sabay halik sa tungki ng ilong niya.
Itim na shirt naman ang suot niya ngayon, pinarisan ko rin ng itim na cotton short pants. Manipis lang ang tela niya kasi baka madali siyang mainitan. Pero nilagyan ko pa rin siya ng puting baby towel niya sa likuran. Black sock and shoes din. Natatawa na lamang ako dahil black outfit na naman siya ngayon. Iyong sombrero niya ay may maliit na sungay pa na mas natutuwa akong pagmasdan siya.
"Hayan, hindi lang cute-cute ang baby ko. Magandang-maganda rin," tuwang-tuwang bulalas ko. Normal na yata sa mga mommies ang pinupuri ang kanilang mga anak, 'no?
Ako kasi ay hindi nagsasawa na sabihin iyon kay Markiana. Eh, sa ang cute-cute niyang bata. Kaya ang suwerte ko sa kanya. Napakasuwerte ko dahil ako ang naging mommy niya at siya rin ang naging anak ko.
Bago pa man kami makalabas ni Markiana sa aming silid nang marinig ko ang pamilyar na ringtone ni Markin. Napalingon ako sa pinagmumulan ng tunog na iyon at nasa bedside table ko lang. Kitang-kita ko ang pag-iilaw nito at gumagalaw ito dahil sa vibration.
Dahil sa curious ay tumayo ako habang nasa bisig ko ang baby ko. Kinuha ko ang phone gamit ang isang kamay ko at napatitig ako nang matagal sa screen nito.
Mergus is calling...
"Hala, love. Tumatawag ang kakambal ng Daddy mo," pagkakausap ko kay Markiana at ang 'hmm?' niya lang ang isinagot sa akin saka pilit na kinukuha mula sa akin ang hawak kong cellphone.
Medyo nagulat pa ako nang makita ko ang picture ni Markin kasama ang baby namin. Napangiti ako dahil ginawa niya iyong locked screen wallpaper. Pareho silang may ngiti sa labi. Hindi ko alam na may picture na pala silang dalawa.
"Ang ganda niyong tingnan, love. Maganda ka at okay...guwapo na ang daddy mo. Parang iyong phone ko lang, tayo rin ang nasa wallpaper," tuwang-tuwang sabi ko. Nababahala ako kung sasagutin ko ang tawag nito pero kapag walang sasagot ay mas mangungulit pa ito.
BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomanceRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...