Chapter 74: Begging & refused
“P-PLEASE... D-Don't l-leave me, again... I'm b-begging you... Please... please... D-Don't you dare... leave me, again...” Natulala ako sa sinabi niya. Narinig ko ang pagsinghap ni Markiana at humigpit ang kamay niya sa akin. “Rea... D-Don't d-do this to me, again... I'm begging y-you... I'm b-begging you, please... H-Huwag niyo na a-akong iiwan pa...n-nakikiusap ako... Huwag niyo...na akong iiwan pa...ulit...” nagsusumamong sambit niya. Basag na basag na ang kanyang tinig at nakakadala. Sa boses pa lang ay ramdam na ramdam mo na ang sakit at hinagpis na dinaranas niya ngayon.
“W-Why... Why are you begging at my Mom?” Markiana asked him.
“Let us go, love,” sabi ko at kahit nakararamdam ako ng awa kay Markin ay nanatiling matigas pa rin ang puso ko sa kanya.
Ayoko pang makipag-usap sa kanya. Naaalala ko lang ang ginawa niya sa akin kanina. Ang pagsakal niya sa akin at nauubusan ako ng hangin sa bibig, bumibigat ang pahinga ko at parang kakapusin pa pero wala pa rin siyang ginawa. Hindi niya binitawan agad kung hindi pa ako nagmakaawa sa kanya na bitawan na niya ako.
Hindi ko pa kaya...ang marinig ang paliwanag niya. Natatakot ako, dahil ganoon pala siya kung magalit. Nakakalimutan niya ako at wala siyang pakialam kung masasaktan ako.
We started to walk again at dumaan sa gilid niya pero mabilis niyang hinawakan ang baywang ko at doon siya yumakap. Ang higpit nang hawak niya at parang ayaw niya akong pakawalan. Ang mahihina niyang paghikbi ay lumalakas na tila magiging hagulgol na rin.
“R-Rea naman... N-Nakikiusap a-ako sa ‘yo na...huwag...h-huwag niyo na akong...iiwan pa... H-Hindi ko na k-kaya, Rea... Hindi ko na kaya... A-Ayoko nito, p-pakiusap... B-Bumalik na kayo... B-Bumalik na kayo sa akin, Rea...hindi ko n-na... talaga kaya pa...” paulit-ulit na sabi niya. Sumasabay ang paghinga niya ng malalim at pag-ubo.
“Aalis na kami... Bitawan mo ako,” malamig na sabi ko pero hindi siya nakinig sa akin. Sinubsob pa niya ang mukha niya sa tiyan ko at nararamdaman ko na rin ang pamamasa ng dress ko dahil iyon sa mga luha niya, na walang tigil sa kabubuhos.
Ano'ng nangyari? Bakit siya nagmamakaawa ngayon sa akin? Bakit siya ganito? Bakit niya kami iniiyakan? Hindi ba dapat ay maging masaya na siya? Dahil hindi na kami makaabala pa sa kanya. Malayang-malaya na siya. Wala na siyang responsibilidad sa amin.
Ang daming tanong na gusto ko ng kasagutan pero hindi ko man lang kayang isatinig iyon sa kanya.
“Please... Don't l-leave...me... Rea...” he beg again but just like I said, I don't want to talk to him right now. I don't want to...
“Let me go, Markin. Ayokong makipag-usap sa ‘yo ngayon,” mariin na sabi ko.
“K-Kailan? Kailan mo ako gustong kausapin, Rea? Kailan, hanggang sa nauubos na ako?! Kailan mo gustong harapin ako at ipaliwanag sa akin kung bakit...kung bakit niyo ako iniwan?! K-Kung bakit...pagbalik ko ay wala na kayo?” nanghihinang tanong niya sa akin. Pero sarado ang tainga ko ngayon. Ayokong makinig sa paliwanag niya.
“Sa ginawa mo sa akin kanina... Sa tingin mo gugustuhin ko pa ang makausap ka?” nanunuyang tanong ko. Dahil sa pag-iyak niya ay naririnig ko na rin ang pagsinghot ng mga anak ko.
Halos magtago na sila sa likuran ko o tumakbo palabas. Alam kong natatakot sila sa nakikita nila ngayon. Ito ang unang beses na makita nilang may kinakausap akong lalaki at umiiyak pa sa aming harapan. Bago lang ito sa kanila.
“H-Hindi ko s-sinasadya... Hindi ko sinasadya iyon, Rea... N-Naghalo-halo ang emosyon ko... Hindi ko na nakontrol pa... H-Hindi na... I'm sorry, I'm very sorry... Hindi ko na uulitin pa iyon... H-Hindi na... N-Nagsisisi na ako... Nagsisisi na...ako...”

BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomanceRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...