Chapter 76: Time to forgive
UMUPO ako sa sofa at huminga ng malalim. Nararamdaman ko ang tingin sa akin ng mga anak ko pero hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin. Siguro nagtataka na sila na kung bakit ang init ng ulo ko sa engineer na iyon.
Makakapaghintay naman siya, ‘di ba? Kaya bakit siya lapit pa nang lapit sa amin? Bibigyan ko naman siya ng chance para pakinggan ang mga paliwanag niya pero huwag lang talaga ngayon. Hindi pa ako handang makinig sa kanya, hindi pa.
“Mommy looks angry, Mackrenz,” I heard Markiana uttered.
“It’s okay, Ate. She’s still pretty with her forehead knotted,” Mackrenz sad at mas lumalim ang gatla sa aking noo. Pinupuri pa ako ng baby boy ko.
“Mackrenz, that line is just for me. I’m pretty, remember? The exact word for Mommy ganda is beautiful. Always remember that,” Markiana corrected her little brother. My baby girl is so mahangin talaga. Pinagbigyan diin pa niya talaga ang salitang beautiful
“Whatever, Ate,” Mackrenz just said and I can even imagine his eyes rolled. He's like this.
“Mackrenz, I'm pretty naman talaga. ‘Di ba?” Hindi sumagot si Mackrenz. "Mackrenz, isa...”
“Opo, pretty ka pero mas maganda si Mommy.”
“Mackrenz! Ang bad mo talaga sa akin!” I shook my head.
Hindi pa yata nang-iinit ang upuan ko nang makarinig ako ng doorbell at sabay pa kaming napatingin sa pinto. Hindi na rin sila nagbangayan pa.
“You already ordered our foods, Mommy ganda?” Markiana asked me, confused. I shook my head, hawak ko lang ang phone ko kanina at hindi pa ako nakakapag-order. So, sino naman kaya itong taong nasa labas ng unit namin? Sa ganitong oras pa nang gabi?
I got up from my seat. “Stay here, kids,” I warned them. Hindi naman sila sumagot. I went to the door and when I opened that ay si Markin na naman ang bumungad sa aking paningin. Nagulat pa siya nang pagbuksan ko siya.
“What do you want?” mataray na tanong ko sa kanya at pinagkrus ko pa ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko. Para ma-feel niya na ayoko sa presensiya niya.
“Uhm, I brought you... Ah, I cooked my dinner pero...napasobra... So...ah...” magulong saad niya at parang nahihiya pa siyang magsalita. Itinaas pa niya ang dala niyang paperbag para ipakita sa akin iyon. Dahil sa ginawa niya ay nakita ko ang magkabilang kamay niya na may bakas ng dugo.
Tinanggal pa niya ang benda no’n, eh hindi pa nga magaling ang sugat niya at naalala ko ang kanina. Hindi naman pala niya sinasadya na isa-isang buhatin ang maleta namin dahil hindi iyon kaya ng mga kamay niya, dahil sa sugat nga niya na hindi pa naghihilom.
Saka ano raw? Nagluto siya pero napasobra? Palusot na naman ba niya iyon? Dahil impossible naman kung naparami ang pagluluto niya, eh alam naman niya na nag-iisa lang siya sa condo niya.
“I don't need your foods, Engineer. I can even order our dinner. So, thank you--”
“Sa amin po ba ‘yan, Mr. Engineer? You cooked these for us po?” singit ni Markiana at siya ang umagaw ng paper bag na halos hindi na makita pa ang mukha niya, ngumiwi pa siya.
“Y-Yes, and love, mabigat ‘yan,” sabi pa niya, akmang babawiin ulit ang dala niya pero hindi siya pinakinggan ni Markiana.
Napakamot sa batok ang daddy nila at namumula na ang pisngi nito dahil napaamin ng wala sa oras. Ha, napasobra? Talaga lang, ha.
“Wow! Thank you po!” masayang saad nito.
“Ano po ang niluto niyo?” curious na tanong naman ni Mackrenz at sinilip ang laman ng paper bag. “Smells good and delicious! Yum-yum!” he said happily.
BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomanceRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...