Chapter 65: His trust
"WHAT the fvck?!" malutong na mura ni Markin at kitang-kita ko ang pagkuyom ng magkabilang kamao niya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig at natatakot ako sa magiging reaction niya. Halatang nagalit siya sa nakita. Sa hitsura pa lang niya ay alam ko na ang susunod niyang gagawin. Mabilis na nag-init ang magkabilang mata ko at alam kong maiiyak na ako ng wala sa oras.
Baka kung ano rin ang iisipin niya sa nakita. Natatakot ako, natatakot ako na baka iba rin ang pagkakaintindi niya sa nakita ng Mommy niya.
Gusto ko siyang lapitan at magpapaliwanag ako sa kanya. Walang nangyari... Wala... Nanginginig na ang mga tuhod ko at parang mawawalan na ako ng lakas.
Malakas akong napasinghap nang bigla niyang sinugod si Rexus. Umigkas ang kamao niya sa panga nito at dahil lasing na lasing si Rexus ay agad itong natumba sa floor ng studio ko. Napatakip ako sa aking bibig at hindi ko man lang magawang gumalaw. Para akong nabato sa kinakatayuan ko.
Nanatiling tahimik ang Mommy niya at nakaupo lang ito pero ramdam ko ang tingin niya sa akin.
Nagawa ko lang gumalaw nang dinaganan niya si Rexus at ilang beses niyang sinuntok ito. Hindi ko kayang makita na may sinasaktan si Markin, kahit ako pa ang dahilan nito.
"Fvck! What did you do?!" malamig na tanong ni Markin at nilapitan ko na siya. Pero natatakot pa rin akong hawakan siya, nag-aalangan pa rin ako.
"M-Markin..." sambit ko sa pangalan niya pero hindi niya ako pinakinggan. Walang kalaban-laban si Rexus sa kanya. Alam kong mali rin ang ginawa nito sa akin kanina pero hindi ko naman hahayaan na bugbugin pa siya ni Markin. Wala lang siya sa sarili niya. "Markin, t-tama na, please..." umiiyak na sabi ko pero nanatili akong nakadistansya sa kanya. Sa takot na baka ako na naman ang pagbuntunan niya ng galit.
"Shet..." Umalis siya sa ibabaw ni Rexus at lalapitan ko sana ito nang mabilis niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako palapit sa kanya. Mas lalo akong naiyak nang makita ang hitsura ni Rexus. May dugo agad sa labi niya at mariin na nakapikit ang mga mata niya.
Hinawakan ni Markin ang magkabilang balikat ko at marahan niya akong ipinihit paharap sa kanya. May tumutulong luha sa aking pisngi dahil sa nararamdaman kong takot, iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
"Did he hurt you?" tanong niya sa akin. Ramdam ko ang galit niya pero marahan pa rin ang kanyang boses. Napatingin ako sa blangkong mukha niya at umiigting ang kanyang panga. "Answer me, Rea. Did he force you to do that?" muling tanong niya sa akin. Umiling ako at sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko.
Sinapo niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko sa aking pisngi. Pagkatapos niyang gawin iyon ay kinabig niya ang ulo ko at dinala niya iyon sa dibdib niya. Mahigpit niya akong niyakap at naiyak ako nang gawin niya iyon. Naririnig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya at tila nagwawala rin iyon. Humihingal pa siya dahil alam kong galit pa rin siya.
"Ssh... Tahan na... Nandito na ako huwag ka nang umiyak," pag-aalo niya sa akin at narinig namin ang boses ng Mommy niya. Humigpit ang yakap ko sa kanya dahil mukhang pagagalitan na niya kami pareho.
"Markin, hindi mo ba nakita ang nangyari? Manhid ka ba?!" sigaw nito at hinigpitan lang niya ang yakap sa baywang ko. Naibaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at hindi niya tinanggal ang kamay niya sa likod ng ulo ko. Natatakot din akong harapin ang ginang.
"Mom, hindi niyo ho ba napapansin? Wala siyang kasalanan. Ang lalaking 'yan... He tried to harass my girlfriend!"
"Markin! What are you talking about?! That's what that girl likes!" sigaw sa kanya pabalik ng Mommy niya. Natakot ako sa boses niya, dahil feeling ko ay susugurin na niya ako.
BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomanceRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...