Chapter 18: Meeting Mae Amor
"HUWAG kang malikot. Magigising si Lotus," suway sa akin ng gagong ito. Paano ba kasi pinipilit kong kunin mula sa bisig niya ang anak ko.
Bakit kasi ayaw niyang ibigay sa akin ang baby ko? Bakit gustong-gusto niya rin itong buhatin at yakapin?
At ang bubwit naman ay ang himbing nang tulog!
Wala na nga akong nagawa pa kundi ang magpaubaya na lang sa engineer na ito. Mukhang maging siya ay nararamdaman niya rin ang lukso ng dugo. Malamang, anak niya talaga si Markiana. Pero ano kayang klaseng utak ang lalaking ito at hindi man lang ako naaalala? I mean hindi niya naaalala ang gabing iyon.
Humugot ako nang malalim na hininga saka ko pinagmasdan ang anak ko. Nakahilig na siya sa malapad na dibdib ng Daddy niya at ang haba ng nguso niya, natural na pouty lips. Dahil sa pagpikit niya ay kitang-kita talaga ang malalantik at mahahaba niyang pilikmata. Napangiti ako at parang natutunaw ng yelo ang puso ko nang makita ko ang paraan nang pagtitig ni Engineer Markin sa anak namin.
Nakikitaan ko nang pagkamangha at pagtataka rin at the same time. Iyon lang ang nababasa kong expression niya.
"He seems...a girl... Parang...mas mukha siyang babae. A beautiful baby girl..." he uttered and he glanced at me. I avoid looking at him, and took a deep breath again.
"He's so cute...and Kuya Markus is right... Kamukha mo rin si Lotus... Sigurado kang pamangkin mo lang ito?" nagdududang taong niya sa halip na sasagutin ko siya ay idi-divert ko ang atensyon niya.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nangunot ang noo ko, "Markiana Reyan ang pangalan niya. Hindi Lotus..." Huli na pala bawiin ko ang sinabi ko. Napatutop ako sa aking bibig.
"Markiana Reyan... He's not a boy... He's really a girl... Rea..."
"Tumahimik ka na nga, magigising ang bata sa ingay mo, eh," supladang sabi ko at inirapan na lamang siya.
Sumakay lang kami ng taxi since hindi naman siya makapag-drive ng kotse niya dahil sa batang nasa bisig niya. At oo, may balak siyang ihatid kami sa studio na tinutulungan namin.
May pa-cry-cry pa talaga ang batang ito, eh gusto niya lang talaga makasama ang Daddy niya.
Nakarating kami sa studio ko at labag sa kalooban ko ang papasukin ko siya sa loob. Nahalata niya iyon kaya tumaas lang ang sulok ng labi niya. Nang-aasar lang ang gago. Inirapan ko siya ulit at nagtungo kami sa kuwarto namin ni Markiana.
Ako ang nagbukas ng pintuan para makapasok siya at agad na dumako ang nanunuri niyang tingin sa sulok ng kuwarto naming mag-ina. I rolled my eyes.
Wala kang makikita na alikabok diyan. Tss...
Inayos ko ang kama namin ni Markiana at naglagay ng baby pillow niya.
"Ilapag mo siya rito," masungit pa ring sabi ko. Narinig ko naman ang pag-ungos niya na tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. Eh, wala namang mali sa katagang lumabas mula sa aking bibig.
"Ilapag? Bagay lang, kulot?" nakangising tanong niya.
"Rea ang pangalan ko. Tigilan mo ako sa katatawag mo sa aking kulot," ani ko sa kanya.
Ayoko talaga tawagin niya akong Kulot, eh! Oo na, kulot ang buhok ko. Kaya tigilan niya ko sa katatawag niya sa akin ng ganoon.
"Eh, sa kulot ka. Akala mo straight ang buhok mo?" laban pa rin niya sa akin. Itinaas ko ang palad ko para sana hampasin siya nang marinig ko ang pag-ingay ng buzz sa front door ng studio ko. Meaning may tao... May nakapasok sa loob.
BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomantizmRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...