CHAPTER 20

7.3K 140 1
                                    

Chapter 20: Astrid's father

NAGSALUBONG ang kilay ko dahil sa rason niya kung bakit gusto niya akong makausap. Sa dami-rami ng maisip niyang palusot ay iyon pa?

Mukha ba akong interesado na pag-usapan ang engineer na iyon? At paano ba nila nalaman na nandito ako? May alam na ba ang dalawang ito?

Pati ba ang studio ko ay natunton na nila? Hindi puwedeng guluhin pa nila ang buhay ko!

"Leighton, Annaliza, ayokong makipag-usap sa inyo at bakit ang engineer na iyon ang iginigiit niyo sa akin para lamang makausap ako? Asawa ko ba iyon para pag-usapan natin at humihingi kayo ng permiso ko? Wala tayong pag-uusapan tungkol sa lalaking iyon. Puwede bang tigilan niyo akong dalawa? Nakalimutan niyo na ba ang ginawa niyo sa akin noon? Ang laki ng atraso niyo sa akin, ah!" sigaw ko sa pagmumukha nila at napaatras pa sila dahil sa gulat.

Kahit sinabi ko na ayoko silang makausap ay nasa mukha nila ang pagkadesperada na kausapin ako. Hindi nila ako titigilan hangga't hindi ako sumasama sa kanila.

"We're just drunk at that time, Rea, and we were just playing." I gritted my teeth dahil sa sinabi ni Annaliza.

Playing?! Naglalaro lang talaga sila?! Eh, balak nilang ipa-r@pe ako sa Christian na iyon! Lasing?! Lasing lang sila noon kaya naisipan nila ang tangnang laro na iyon?!

"Mukha ba akong nakikipaglaro sa inyo ng gabing iyon? Tapos sasabihin niyo sa akin na lasing lang kayo?Nilagyan niyo ng drugs ang alak! Kaya pala pinipilit niyo akong uminom no'n! Alalahanin niyo ang laki ng atraso niyo sa akin!" sabi ko pa at matalim na tiningnan ko sila. Dinuro-duro ko pa ang makapal na mukha nila.

"Ang lakas pa rin ng loob niyo na kausapin ako at magpakita pa sa akin! Walang kapatawaran ang ginawa niyo sa akin nang gabing iyon!" asik ko sa kanila.

"Hindi naman iyon natuloy, Rea. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit magkasama na kayo noon ni Markin sa isang silid?" tanong ni Leighton sa akin. She seems curious.

Tumaas ang sulok ng mga labi ko at sumilay na ng tuluyan ang ngisi ko. Nakita ko ang pagtiim bagang ni Leighton at para akong susugurin na ng malakas na sampal ni Annaliza.

"Pareho kayong...nakainom noon kaya may nangyari sa inyo at iyon na ang anak mo..." she added.

I shook my head dahil ayoko talagang makasama sa isang lugar ang dalawang bobita na ito. Mas nag-iinit ang ulo ko dahil sa kanila. Nakaka-stress ang pagmumukha nila.

"Binalaan mo na ako noon, Leighton. Na huwag kong sabihin kay Engineer Markin ang pagdadalang tao ko. Lalo na ng malaman mo na babae ang pinagbubuntis ko," seryosong usal ko.

"Dahil bawal magkaroon ng babae sa pamilya nila!" sabat ni Annaliza. Nasa boses niya ang tila nagsasabing, "Tanga ka ba?"

"Eh, bakit gusto niyo pa ring kausapin ako tungkol sa lalaking iyon?! Pakialam ko ba sa engineer na iyon, ha?!" naiinis na sigaw ko.

"Dahil balak kong ipakilala sa Brilliantes clan ang anak ko! Kahit hindi puwede sa kanila ang magkaroon ng anak na babae!" sigaw ni Leighton at natigilan ako.

"At bakit sinasabi mo 'yan sa akin?" tanong ko pa.

Ipapakilala lang pala niya ang anak niya sa pamilya ni Markin pero... Teka...totoo kaya na ang lalaking iyon ang ama ng anak ni Leighton? Pero...ano naman ang kinalaman ko sa bagay na iyon? Bakit pa sila nag-abalang puntahan ako at kausapin?

"Tama ang hula mo, Rea. Anak ni Markin si Astrid," mahinahong sabi pa ni Leighton na ikinatango pa ni Annaliza, "I've already asked him about it but... he doesn't want that because our daughter might be in trouble. Nagbago naman ang isip niya noong hindi ka pa dumating pero nang nakita ka na niya at ang anak mo... Ayaw na niyang ipakilala ang anak niya sa pamilya niya dahil...dahil may hint si Markin na posible siya ang ama ng anak mo... Baka...naaalala na ang gabing iyon. Inakala niya rin kasi na ako iyon..." mahabang saad niya.

The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon