Chapter 23: Courting and province
"I WANT a complete family, Rea. Let's give that to our daughter... She deserve this..."
Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa narinig ko. Walang halong pagbibiro iyon, hindi siya nang-aasar na ano. Seryoso siya noong sinabi niya ang mga katagang 'yan sa akin.
At tuluyan ko na ring nalaman na may alam na rin talaga siya. Nagtaas baba ang aking pahinga dahil sa paninikip nito. Namumungay ang mga mata niya na tiningnan ulit ako.
"I should be mad at you... Dahil hindi mo pinaalam sa akin ang nangyari sa 'yo after that night. Itinago mo rin sa akin si Markiana...but fvck... Ni hindi ko naramdaman ang galit na 'yon. You named her after me, Markiana... I love her name... Pero bakit hindi mo sinabi sa akin, Rea? Kung hindi ko pa naalala ang nangyari sa atin ay hindi ko rin malalaman na a-anak ko si... Markiana Reyan." Pagkatapos sabihin no'n ay yumuko siya at ipinatong ang baba niya sa tuktok ng ulo ng kanyang anak. Pinaglalaruan niya ang mga daliri nito.
"Nagawa mo pa akong iwasan... May kinatakutan ka ba, baby? Bakit mo itinatago ang bata sa akin?" tunog na pagtatampong tanong niya. Hindi nga siya galit sa akin dahil sa pagtatago ko sa katotohanan. Hindi siya nagalit kahit hindi ko sinabi sa kanya agad na anak niya ang baby ko.
"May family history kayo, Markin... That's the reason," I told him. He took a deep breath at kagat labing nilingon ako.
Namumula ang mga mata niya dahil sa pangingilid din ng luha niya. Iiyak ba siya?
"I will do anything to protect her, Rea. I'll protect Markiana against my family. She's my daughter..." sincere na sagot niya, parang may paninindigan talaga siya.
Iyong takot at pangamba ko para sa baby ko ay unti-unting naglalaho dahil sa narinig kong sinabi niya. Na bukod sa akin ay may magtatanggol na sa anak ko at iyon na ang Daddy niya. Hindi na ako mangangamba ba kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa...bagong miyembro ng Brilliantes clan.
Na magiging trending pa yata dahil... Dahil nag-iisang babae lang siya sa pamilya... Kung sana may mga kapatid sila o pinsan. Pero napakaimposible... Isa lang daw salot sa kanila ang magkaroon ng babae sa clan nila.
"Kung papipiliin nila ako ay hindi ako magdadalawang isip na piliin si Markiana, Rea," he added, "I'm sorry... I'm sorry kung wala ako sa tabi mo noong pinagbubuntis mo siya... I'm sorry dahil hindi kita nagabayan sa mga paghihirap mo noon... Hindi ka ba nahirapan?" malambing na tanong niya sa akin. Umiling ako. Gulat na gulat pa rin ako sa mga nangyayari.
Hindi ako makapaniwala na hindi nga talaga siya nagdalawang isip na tanggapin si Markiana. Ni hindi niya talaga ito itinanggi na hindi niya anak kahit alam kong... Bumuntonghininga ako.
"I love her... I love her, so much... Walang makapapanakit sa anak ko. Dahil ako ang makakalaban nila..." sabi niya at maingat na hinalikan niya ang ulo ni Markiana.
"You wonder kung bakit malakas ang kutob ko na anak ko si Markiana?" he asked me.
"Engineer Markin..." bigkas ko sa pangalan niya.
"Lukso ng dugo, baby... At the moment I lead my eyes on her? I know that she's mine..." I can't say anything but nodded.
Iba rin ang inaasahan ko na mangyayari. Ang akala ko ay magagalit pa siya sa akin dahil... iisipin niya na ipinagkait ko sa kanya ang karapatan niya sa bata. Na napaka-selfish kong ina dahil tinago ko kay Markiana ang lahat, ang tungkol sa Daddy niya.
"I understand... I understand kung bakit hindi mo sinabi sa akin noong una. Pero saan mo nalaman ang tungkol doon?" he asked me.
Hindi ko puwedeng sabihin na kay Leighton ko iyon nalaman dahil baka...ano pa ang sabihin niya sa akin o baka hindi siya maniwala. Puro pambabanta lang kasi ang sinabi sa akin ng babaeng iyon. Ayaw no'n na lumapit ako sa best friend niya.
BINABASA MO ANG
The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)
RomanceRea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her creepy place. She doesn't have a client either. She was known as the Wicked Painter. Why was she awarded such a title? If she was really talen...