Chapter 2: Deal

2.9K 47 2
                                    

Her Point Of View

Punyeta!

Anong sinabi niya? Ako? Future wife niya!?

"Ganon ba? Nako Miss. Maraming-maraming salamat sayo" saglit na nawala ang atensyon ko sa kanya nang lapitan ako nung mag-ina.

"Walang anuman po"

"Steven. Magthank you ka sa kanya"

"Thank you po Ate! Ang cool mo pa kanina!" nginitian ko yung bata.

"Thank you kid. Palagi kang mag-iingat okay? At huwag kang lalayo kay Mama mo lalo na kapag nasa labas ka. Okay?" tumango siya na mas lalong nakapagpangiti sa akin.

"Opo Ate"

Bali tumawag sila ng security at inassist yung mag-ina. Yung lalaki naman ay inaresto nila at dadalhin daw sa presinto para imbestigahan. Nang makaalis sila, tiningnan ko iyong lalaking sinabihang future wife niya raw ako.

"Excuse me Mister. Tama ba yung dinig ko kanina? Future wife mo ako?" hindi makapaniwalang saad ko.  Nginisian niya ako.

"Yes" prenteng sagot niya.

"Do you know me?" tanong ko pa. Umaasa na baka nga kilala niya ako at matulungan niya ako para maibalik ang mga ala-ala ko.

"No, I don't. It's my first time seeing you, actually" napakurap-kurap ako sa sinabi niya.

Hindi niya pala ako kilala? Edi wow pala.

"Eh bakit sinabi mong ako ang future wife mo? Gagohan ba 'to?" bahagya siyang tumawa. Napapoker face na lang ako.

"Look Miss. I badly need a wife okay? And I think you're fit for the title" kumunot ang noo ko.

"Wow. Ganyan na lang pala maghanap ng mapapangasawa ngayon? Excuse me Mister, hindi kita kilala okay? At wala akong balak maging asawa mo" diretso kong sabi at tinalikuran na siya. Pagkatalikod ko, bumungad naman sa akin yung kasama niyang lalaki.

"Naku, pagpasensyahan mo na si boss. Kagagaling lang niyan galing sa dengue. Baka hindi pa tuluyang recovered. Kulang pa sa platelets kaya ganyan" aniya. Tumango na lang ako.

"I see" tipid na sabi ko at umalis na.

Bumalik na ako sa kuwarto ko dahil oras na rin para sa lunch. Dumating yung nurse na nag-aasikaso at Binigyan ako ng pagkain. Dinadamihan ko nga ang pagkain ko dahil ramdam ko na parang pumayat ako kahit na hindi ko naman alam ano ang itsura ko dati.

Pagkatapos kong kumain, umupo ako sa sofa at kumuha ng magazine para magbasa-basa. Ayoko kasing humiga na kaagad, kakakain ko lang.

Naputol ang pagbabasa ko sa magazine nang bumukas yung pinto. Akala ko si Doc o kaya nurse yung dumating pero tumaas ang kilay ko nang makita ko yung lalaki kanina. Gaya ko ay nakasuot pa rin siya ng damit pang-pasyente. Ang pinagkaiba lang namin, ako walang dextrose siya meron.

"What are you doing here?" tanong ko at isinara ang magazine.

"I want to talk to you" simpleng sabi niya.

"Paano mo nahanap ang room ko?"

"Obviously, nagtanong-tanong ako" aniya pa. Napa-tsk na lang ako. Tumabi siya sa sofa na inuupuan ko.

"Hoy mister! Sitting pretty ka diyan ah! Kuwarto ko 'to!" sita ko sa kanya.

"May pangalan ako okay? I'm Argus Ferrari. And you are?" aniya.

"And why would I tell you my name?" taas-kilay kong saad. Bumuntong hininga naman siya.

"Look Miss, I'm not a bad guy. Sadyang kailangan lang kita" nawala ang pagkakataas ng kilay ko.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon