Chapter 9: Warmth

2.1K 33 0
                                    

Her Point of View

"Mama, sorry po kung hindi namin nasabi kaagad sa inyo ni Argus yung tungkol sa relasyon namin"

Ngayon ay kasalukuyan kaming nagkukuwentuhan ni Mama dito sa may kama kung saan ako nakaupo. Sila Argus naman kasi ay nandoon sa may sofa at may sarili rin silang mundo.

"It's fine Paris. Sanay na kaming malihim iyang si Argus. Pero masaya naman kami na sa wakas, may babae na siyang minahal" pinilit kong ngumiti.

Ay kung alam niyo lang po na nagpapanggap lang kami. Haist.

"Akala ko kasi dati walang natitipuhan itong si Argus kaya pinipilit nitong si Armeo na ireto siya kay Merry. Anak ng isa sa mga kaibigan niya. Forgive us for doing that. Hindi naman kasi namin alam na may lihim palang minamahal itong anak namin" ngumiti na lang ako.

"Ay nako. Huwag po kayong magsorry. Ako po kasi ang nagsabi kay Argus na huwag muna akong ipakilala sa inyo dahil hindi pa ako handa" saad ko.

"No worries hija. Nandito lang kami para sumuporta sa inyo. By the way, Paris. Kumain ka na muna. Ano bang gusto mong kainin?" tiningnan ko si Mama.

"Kahit ano na lang po diyan. Basta pagkain po, kakainin ko" nakangiti kong sagot na siya ring nakapagpangiti sa kanya.

"Oh sige sige. Ikukuha kita ng pagkain"

Nagmimiryenda na kasi sila Argus. Actually, ilang oras lang ang lumipas simula nung maglunch sila at ito, magmimiryenda na naman. Medyo busog pa nga ako pero nakakahiya naman kasing humindi sa kanila.

Nakaramdam ako na kailangan kong mag-cr para umihi kaya naman tinanggal ko yung pagkakakumot ng comforter sa akin.

"Saan ka pupunta?" napatingin ako kay Argus nang lumapit siya sa akin.

"Sa cr. Naiihi ako" sagot ko naman. Kaagad naman siyang umalalay sa akin. Hinawakan niya yung dextrose ko at ang isang kamay ko.

"Gusto mo bang samahan kita sa loob?" natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ano 'to? Panonoorin mo akong umihi?" namula ang tenga niya dahil doon kaya hindi ko napigilan ang bahagyang matawa.

"That's not what I meant! Baka lang kasi mahirapan ka dahil sa dextrose mo. How about si Mom na lang ang ipasama ko sayo?" nginitian ko na lamang siya.

"Huwag na. Kaya ko na 'to"

Gabi na nang umalis sa hospital ang pamilya ni Argus. Simula nung dumating sila rito, hindi sila umalis hanggang sumapit ang gabi. Hindi nga ako naboring dahil hindi matapos ang kuwentuhan namin. Syempre minais-mais ko na sila at kung ano-anong kasinungalingan ang sinabi ko tungkol sa relasyon namin ni Argus.

Kinakagat naman nila at ramdam kong wala naman silang paghihinala sa relasyon namin ni Argus.

"Hindi ka ba nagugutom? May gusto kang kainin?" bagsak ang balikat kong tumingin kay Argus.

"Pagpahinga-in mo naman ang panga ko. Kanina pa ako pinapakain ng pamilya mo" natawa siya dahil sa sinabi ko.

"Bakit kasi hindi ka tumanggi?"

"Of course kailangan kong makuha ang loob nila. Tingin mo ba nagustuhan ako ng pamilya mo? Okay ba yung acting ko kanina?" tanong ko naman sa kanya. Umupo siya sa gilid ng kama ko.

"I know they do like you. Dahil hindi sila magtatagal dito para sa iyo kung hindi ka nila nagustuhan" saglit akong napangiti.

"O baka sadya lang natuwa ang pamilya mo na sa wakas ay may naipakilala ka na sa kanilang babae. Asawa mo pa" saad ko. Binalingan niya ako ng tingin.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon