Special Chapter

2K 37 5
                                    

~ 5 years later ~

"Mommy!"

Nakangiti kong sinalubong si Sebastian sa tapat ng bahay namin nang maihatid na siya ng school bus nila. Binuhat ko siya at hinawi ang buhok niyang humaharang sa kanyang noo.

"Hello my pretty boy. How's your day?" tanong ko at hinalikan siya sa pisngi habang papasok kami sa loob ng bahay.

"School's great and I've learned a lot" napabilog ang aking labi.

"Wow. Mukhang nag-enjoy ang baby ko ah?" napatawa siya.

"Yes po Mommy" pagkarating namin sa loob ng bahay, ibinaba ko na siya.

"Ano pong oras dadating si Daddy?" tanong niya nang maibaba ang kanyang bag sa may sofa.

"Hmm... I am not sure pero parating na rin siguro ang Daddy mo" sagot ko sa kanya.

"Sige po. I'll just wait for Daddy na lang po" napangiti ako at kinuha ko ang kamay niya.

Pumunta muna kami sa kuwarto niya at inayusan ko muna siya para makapagpalit siya ng damit pambahay. Pagkatapos ay lumabas na rin kami.

"Do you want some cookies Sebastian? Nagbake si Mommy kanina" biglang nagliwanag ang kanyang mukha at mabilis siyang tumano.

"Yey! Cookies!"

Dahil nasa bahay lang naman ako ngayon, natripan kong mag-aral kung paano magbake. Nakakapagbake na ako ng mga cake, cupcake, and cookies pero hindi pa ako expert. Tama lang para ma-enjoy nila Argus at Sebastian ang ginawa ko.

Hawak-kamay kaming nagpunta ni Sebastian sa may dining area ng bahay at binuhat ko siya para makaupo siya sa stool na medyo may kataasan kasi. Umupo naman ako sa tabi niya at inabot ko sa kanyang yung cookies. Kumuha siya ng isang piraso at kinagat iyon.

"Wow! Mommy this is delicious!" napabungisngis ako.

"Talaga ba? Baka naman binobola mo lang si Mommy" umiling siya.

"Hindi po! Masarap po talaga yung cookies. Promise po" napangiti at pinisil ang kanyang pisngi pero mahina lang naman.

"Kung talagang masarap ang cookies, kiss mo nga si Mommy sa cheeks" mas lalong lumawak ang ngiti ko nang yumuko ako para magkapantay kami, hinalikan niya ang aking pisngi. Hindi lang isa kundi dalawa.

"Two kisses for you Mommy" napa-aww na lang ako.

Habang pareho kaming naghihintay ni Sebastian kay Argus, nagkukuwentuhan lang kami sa may sala habang nanonood ng tv. Nang marinig niya yung sasakyan ni Argus na dumating, kaagad na tumayo si Sebastian at tumakbo palabas.

"Sebastian, dahan-dahan sa pagtakbo" paalala ko at sumunod ako sa kanya.

Paglabas ko, nakita ko siya na tumakbo papunta kay Argus at nagpakarga.

"Daddy!" napangiti si Argus ng mahawakan niya ang kanyang anak.

"Hello Sebastian. Mukhang good mood ka ah?" sabi ni Argus habang naglalakad siya palapit sa akin.

"Nagbake po si Mommy ng cookies and it's delicious!" napatingin sa akin si Argus at ngumiti. Nang makalapit siya sa akin, hinalikan niya ako sa labi.

"Talaga? Nasaan ang cookies na 'yan? Gusto kong matikman" dagdag pa ni Argus.

"Nasa table po" sagot ni Sebastian. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.

"Mukhang pagod ka" bulong ko kay Argus habang naglalakad kami. Nilingon niya ako.

"Yeah. Marami kaming inasikaso nila Fielo. But seeing you and Sebastian is enough to wipe my tiredness away" napa-psh ako.

"Asus. Napagpakilig ka pa" mahina siyang napatawa.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon