Chapter 14: Cold

1.9K 40 1
                                    

Her Point of View

Dahil sa nangyaring eksena, dinala ako ni Mama papunta sa loob ng bahay nila at pinahiram ng damit. Ang ganda pa naman nung dress, sayang lang at hindi ko nasuot ng matagal dahil tinapunan ng walanghiyang Merry na iyon ng wine.

Pinahiram ako ni Mama ng isang set of pajama. Hindi pa naman daw ito nagagamit. Nakapag-usap na rin sila na dito na lang kami magpapalipas ng gabi. Ayaw na nila kaming pabyahe-in nang ganitong oras kaya wala nang nagawa si Argus kundi ang um-oo.

"You know what hija, ang dami kong pictures kanina nung nagkiss kayo ni Argus" napanganga ako sa sinabi ng Mommy ni Argus.

Pinicture-an niya iyon!?

"Nakakakilig kasi kayo tingnan. Ayaw mong ipaframe ito at isabit sa kuwarto niyo?" nanlaki ang mga mata ko at para akong nasamid.

"M-mama. No need to do that po" nahihiya kong sabi.

"Asus. Wala kang dapat ikahiya. Pagpasensyahan mo na rin yung inasal ni Merry kanina. Patay na patay kasi talaga siya kay Argus" ngumiti na lamang ako.

"Okay lang po"

"Mabuti pa puntahan mo na si Argus. Kanina pa iyon naghihintay sayo" tumango ako.

"Salamat po sa pajama Ma" nakangiti kong sabi.

"No worries, Paris"

Lumabas ako ng kuwarto ni Mama dahil doon ako nagpalit ng damit. Bumungad sa akin si Argus sa labas na nakasandal sa pader at mukhang naghihintay sa akin.

"Done?" tumango lang ako.

"Nagugutom ka pa ba? Ikukuha na lang kita ulit ng pagkain sa baba" umiling ako. Nakapagtoothbrush na rin kasi ako. Binigyan ako ni Mama ng toothbrush eh. Hindi ko nga alam kung bakit pajama ang ibinigay niya sa akin. Gusto na ata akong patulugin.

Atsaka isa pa, nabusog na rin ako kanina. Hindi ko akalain na mabubusog ako sa halika------ oh shit.

"H-huwag na. Busog na rin ako" tumango siya.

"Alright. Doon ka na lang muna sa kuwarto ko" sumunod ako sa kanya papunta sa kuwarto niya.

"Dahil nandito tayo sa poder ng pamilya ko, we have no choice but to sleep in my bed" I nodded.

"Alam ko. Given na 'yon" ani ko.

"Just making it clear. Diyan ka muna, magpapalit lang akong damit"

Nang pumasok siya sa cr ng kuwarto niya, dumiretso naman ako sa kama niya at humiga doon. Kinuha ko pa yung isang unan at niyakap iyon. Ibinaon ko rito yung mukha ko.

Shit lang talaga.

Hindi mawala sa isipan ko yung nangyari kanina. At sa tuwing bumabalik sa isipan ko yung halikan namin ni Argus, nagwawala rin yung puso ko. Hindi ako makapaniwala na hinalikan ko na nga sa pisngi si Argus, hinalikan ko pa sa labi!

What a confidence babe.

Natawa na lang ako dahil sa naisip ko.

Ilang minuto pa ang lumipas bago lumabas si Argus sa banyo. Nakasuot siya ng gray sweat pants at black v-neck shirt.

Deym. He looks so charismatic.

Diretso siyang naglakad palapit sa akin at humiga rin sa kama niya. Napatili ako nang yakapin niya ako.

"H-hoy Argus! Anong ginagawa mo!?" natataranta kong sabi. Pero imbis na luwagan ang pagkakayakap sa akin, mas hinigpitan pa niya iyon na akala mo ay isa akong unan.

"What? You kissed me but I can't hug you?" napabuka ang aking labi.

"Ginawa ko lang iyon alang-alang sa reputasyon mo" bulalas ko.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon