Chapter 6: Father

2.1K 40 3
                                    

Her Point of View

Tumayo si Argus habang dala ang phone niya.

"I have to answer this" tinanguan ko na lang siya.

"Go ahead" sabi ko.

Naglakad siya palayo sa puwesto namin. Pero hindi naman yung sobrang layo. Pero tama na para hindi ko marinig ang usapan nila.

"Will he be okay?" tanong ko kay Fielo nang makaalis si Argus. Bahagya siyang tumawa.

"Oo naman Paris. Tumawag lang yun si Master kasi siguro nabalitaan na niya na may asawa na si Argus. Malamang din ay alam mo na kung kanino galing ang balita"

Mukhang kilala ko ang tinutukoy niya. Si Merry. Bukod kasi da aming tatlo, siya ang sunod na nakaalam nito.

"Bakit Master ang tawag mo sa Dad ni Argus?" curious kong tanong. Nginitian niya lang ako.

"Sadyang ganon na ang nakasanayan. Dapat nga ang tawag ko kay Argus ay Young Master, pero sa tuwing tinatawag ko siyang ganon, para akong papatayin sa tingin. Kaya pangalan na lang niya ang tawag ko sa kanya" napa-ahh na lang ako.

"Alam mo naman ang mga mayayaman. Hehe" napatawa na lang din ako. Mga mayayaman nga naman.

Nagtagal pa siguro ng limang minuto bago tuluyang bumalik si Argus. Muli siyang umupo sa tabi ko.

"Are you okay?" kaagad kong tanong sa kanya. Tiningnan niya ako at bumuntong hininga.

"Si Dad. Sinermonan ako" nanlaki ang mga mata ko.

"Why?"

"Kasi nabalitaan niya mula kay Merry na may asawa na ako. Pinagalitan niya ako dahil hindi man lang daw kita dinala sa bahay at hindi raw niya tayo nakitang ikasal" napangiwi ako.

"So, you're not in good terms with your father because of that?" alanganin ko pang tanong.

"Ganon lang yun si Dad. For sure nabigla lang siya sa balita. And by the way, mapapaaga ng ilang araw ang uwi niya dahil nga sa nalaman niyang balita. Will that be okay for you?" nginitian ko siya.

"I will be. Trust me"

Since binabayaran ako ni Argus sa pagpapanggap na ginagawa ko ngayon, gagalingan ko na. Hindi rin naman magtatagal ito. Hihintayin ko lang na maipasa kay Argus ang mana niya. Tiis-tiis lang.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil na rin sa liwanag na nanggagaling sa walled glass ng kwarto ko. May parte kasi rito na glass ang wall at nakikita ko ang sa labas. Nakalimutan ko palang hawiin ang kurtina kagabi kaya ito, nasilaw ako sa sinag ng araw.

Tiningnan ko ang oras, wala pang alas sais. Kaya ang ginawa ko, naghilamos ako at nagbihis. Balak ko munangag-exercise tutal maaga pa naman.

Bumaba ako ng hagdan at naglakad papunta sa gym. Pagpasok ko nadatnan ko doon si Argus na nasa threadmill. Lalapitan ko na sana siya nang mapatigil ako dahil mukhang may kausap siya.

"What? He's abroad?"

Hindi ko na muna itinuloy ang pagpasok ko. Mamaya na lang siguro ako babalik kapag tapos na siya makipag-usap.

"I only need the guns. Gusto niya pang sa ibang bansa kami mag negotiation? Pwede namang ipadala na lang sa akin dito and I'll send him the money"

Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi niya. Did I just heard him right? Guns? Sabi niya guns? And he is buying a gun?

"Alright. Book me a flight for next week... You'll be coming with me Fielo"

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon