Epilogue

2.2K 37 1
                                    

"Paris my wife, oras na. Bumangon ka na at mag-almusal" iminulat ko ang aking mata at bumungad sa akin si Argus na nakaayos na para pumunta sa headquarters.

Nang tingnan ko ang orasan, nalipasan na pala ako ng gutom. Bumangon ako at inalalayan naman ako ni Argus pababa ng kama. Nagpunta muna ako sa banyo para magtoothbrush bago ako bumaba sa may hapag-kainan.

Napangiti ako nang makita ko ang mga nilutong almusal ni Argus. Araw-araw talagang binubusog ako ng asawa ko. Hindi ako hinahayaang magutom.

"Wife, baka malate ako ng uwi mamaya dahil marami akong kailangang taposin. Is that okay?" sinulyapan ko si Argus.

"That's fine. Basta sabihan mo ako kapag pauwi ka na"

Noong nakalabas ako ng hospital, isang buwan matapos ay nagpakasal kami. Yung totoong kasal na. Naging maayos at masaya naman ang relasyon naming dalawa at ngayon, kabuwanan ko na.

"What if papuntahin ko na lang si Maya rito para may kasama ka? Ayokong iwan kang mag-isa" napaisip naman ako.

"What if sumama na lang ako sayo? Tagal ko na ring hindi nakapunta sa headquarters mo" suhestyon ko.

"You sure? Baka naman mapagod ka" napataas ang kilay ko.

"Paano naman ako mapapagod kung uupo lang naman ako doon at panonoorin ka?" natigilan siya kaya naman natawa ako dahil napansin kong namula ang kanyang pisngi. Oh ghad. Kinikilig na naman ang asawa ko. Hindi ko naman kasi itatanggi na siya ang pinaglihian ko.

"Paris naman..." tuluyan na akong humalakhak.

"Asus. Kinikilig ka na naman" napangiti niya ako.

"Ikaw lang naman nagpapakilig sa akin. Titigan mo pa lang ako, iba na dating sa akin" napa-psh ako.

"Dapat lang na sa akin ka lang kiligin. Kapag kinilig ka sa ibang babae, sinasabi ko sayo. Mailalabas ko na naman ang pagiging assassin ko" nakita ko ang kanyang pagngisi.

"I can guarantee you, that would never happen" ako naman ang napangiti.

One thing about Argus that made me really fell for him is his faithfulness. Ang swerte ko kasi siya yung tipo ng lalaki na ipaparamdam niya na kontento na siya sayo. Lalo na ngayong buntis ako at manganganak na, sobrang hands-on niya sa akin.

"Are you done?" napalingon ako sa aking likuran habang nagsusuklay ako ng buhok. Tinanguan ko naman siya.

"Tapos na rin ako" sagot ko sa kanya. Napangiti ako nang yakapin niya ako mula sa aking likuran at humalik sa pisngi.

"Tara na Argus, malilate ka na" napatawa na lamang siya at hinawakan ang aking kamay.

"Let's go"

Pagkarating namin sa headquarters, dumiretso kami ni Argus sa kanyang office.

"Wala ata si Fielo?" tanong ko nang makapasok kami.

"Nagpaalam siya kagabi. Mukhang may date sila ni Maya ngayon" napangiti ako. Masaya ako na maayos ang relasyon nung dalawa.

"Kaya pala magdodoble-kayod ka ngayon. Wala ka palang alalay" nakita ko ang kanyang pagngisi.

"That's fine to me. Nandiyan ka naman" napatawa na lang ako. Naglakad ako papunta sa sofa at umupo muna doon. Si Argus naman ay dumiretso sa upuan niya at binuksan ang monitor ng computer na ginagamit niya.

Sumandal ako sa sofa at tumingala. Bigla ko na namang naalala ang mga pinagdaanan ko. I just can't believe that I am still here, alive. Masaya lang ako na nagkaroon pa ako ng pagkakataong mabuhay ay makasama ang mga taong importante sa akin.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon