Chapter 4: Merry

2.3K 37 3
                                    

Her Point of View

"You should meet my family" nanlaki ang mga mata ko.

"What? Meet agad? As in ngayon na?" nakatanggap ako ng pitik sa noo kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Aray ko naman!" angal ko. He just gave me a bored look.

"What I mean is through picture" napa-ahh na lang ako. Akala ko naman kasi ipapakilala niya na ako in person.

"Come with me" aniya.

"Ayoko" kumunot ang noo niya. Kaagad naman akong ngumiti.

"Ito naman. Joke lang. Tara na, saan ba?" mabilis kong sabi. Napa-iling-iling na lang siya at ako naman ay bahagyang natawa. Masarap kasing asarin itong si Argus.

Pumunta kami sa kuwarto niya at may binuksan siyang isang drawer. Nakita kong may inilabas siyang isang photo album. Mas lumapit naman ako sa kanya para makita ko. Una niyang tinuro ay ang isang lalaking napakagwapo rin. At dahil hawig niya si Argus, alam ko na kung sino siya.

"He's my father. Armeo Ferrari" napatango ako. Talagang maganda ang lahi nila.

"Siya itong pumipilit na ipakasal na ako sa lalong madaling panahon. Dahil kung hindi, hindi niya ibibigay sa akin ang mana. Gusto niya na maikasal ako habang nandito siya dahil kung sakali man daw na mawala na siya, alam niyang may mag-aalaga sa akin" napatingin ako sa kanya.

"Ang sweet naman pala ng Daddy mo" komento ko na nakapagpa-tsk sa kanya.

"What? Kung alam mo lang kung ilang babae ang ibinugaw niya sa akin" iiling-iling na aniya. Napatawa na lang ako.

"The next one. Here, it's my step brother Harrison Ferrari and my step mother, Dianne Ferrari" tiningnan ko yung sunod niyang itinuro. Isang babae at lalaki. Magkatabi sila sa picture at parehas na nakangiti.

"Simula nang mawala ang Mommy, nakahanap ulit si Dad nang mapapangasawa"

"Kasundo mo ba sila?" tanong ko. Nakahinga naman ako nang maluwag nang tumango siya.

"Yeah. They are good people. Hindi sila mahirap pakisamahan. Sadyang ayoko lang na kay Harrison mapunta yung mana dahil galing pa iyon sa Mommy ko talaga" tumango na lang ako.

"I know. I know. I get your point" saad ko.

"Remember their faces so that If ever they went here, you already know them" I again nodded.

"And oh, one more thing. There is this girl who keeps on pursuing me" nagsalubong ang kilay ko.

"The who?" tanong ko.

"Her name is Merry Policarte. Anak siya ng kaibigan ng Daddy ko at kung meron bang gustong babae na ipakasal si Dad sa akin, siya 'yon" napabilog ang aking labi.

"I don't have a picture of her 'cause I am not really interested about her but she goes here whenever she want to. Bukod kay Mom, siya lang itong babaeng punta nang punta rito. Kung hindi lang siya anak ng kaibigan ni Dad, matagal ko na siyang nabigyan ng leksyon. When you encounter her, do your job. Make her realize that I am already taken, I have a wife, and I don't have a time for her shits" nginisian ko siya.

"Sure thing. Ako ang bahala sa kanya" paniniguro ko sa kanya.

"Good. That's it for today. You can go back to your room or do whatever you want"

Lumipas ang mga araw at medyo nasasanay na ako sa bahay ni Argus. Sobrang laki ng bahay at madalas na mapag-isa ako kasi laging naalis si Argus. Kapag tinatanong ko naman kung saan siya pupunta, ang sinasabi niya ay sa kompanya nila.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon