Chapter 10: Goodluck

2.1K 38 2
                                    

Her Point of View

Ilang araw din ang nakalipas at nakalabas na ako ng hospital. Yung sugat ko rin at unti-unti nang gumagaling. At simula nang makalabas ako sa hospital, halos para akong bata kung bantayan ni Argus.

"Ano ba 'yan Paris? Dahan-dahan ka sa pagbaba ng hagdan. Hindi ka pa tuluyang magaling. Hindi pa natatanggal ang tahi mo"

See? Ni pagbaba ng hagdan ay napupuna niya.

"Paano na dapat ang pagbaba ng hagdan ha?" taas kilay kong tanong.

"You look like you are rushing. May pupuntahan ka ba? Bakit para kang nagmamadali?" napasapo na lang ako sa noo ko.

"Wala akong pupuntahan. Nagugutom lang ako at kukuha ako ng pagkain. Atsaka hindi naman bumuka yung tahi ko kaya chill ka lang diyan" linapitan ko siya at tinapik-tapik ang balikat niya.

"Trust me. Hindi na bubuka itong tahi ko" I assured him. He just sighed.

"Still, mag-ingat ka pa rin" tinanguan ko na lamang siya.

"Opo opo"

Dahil nagugutom na ako, nag-insist si Argus na magluluto siya ng pagkain. Sabi ko nga kahit huwag na pero ang lolo niyo, mapilit kaya ayan, pinapanood ko siyang magluto ng pasta. Iyon daw ang iluluto niya. Nakasuot siya ngayon ng apron na black at kasalukuyan siyang naghihiwa ng sangkap.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Shet. Masyadong maganda ang view ko.

Nang sulyapan niya ako, bigla akong napaayos ng upo at napaiwas ng tingin. Pero naibalik ko rin sa kanya nang marinig ko ang kanyang pagtawa.

"B-bakit ka tumatawa?" tanong ko. Muli niya akong tiningnan.

"You can look at me whenever you want. No need to be shy about it" nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi kita tinitingnan no!" angal ko na mas lalong nakapagpatawa sa kanya.

"Sige na lang. Hindi na. Kunwari hindi kita nakita" mas lalong nag-init ang pisngi ko. Pahiya ako doon.

"Psh. Edi kasi"

Nang matapos siyang magluto, ako na ang kumuha ng mga utensil na gagamitin namin. Nang makapagserve na siya ng pagkain, umupo naman na ako. Habang siya naman ay umupo sa tapat ko.

"Thank you for the food" nakangiti kong sabi bago kami kumain. Nang matikman ko yung niluto niya, tiningnan ko siya. Sakto namang nakatingin din siya sa akin. I gave him a thumbs up.

"Wow. Ang sarap nito Argus. Ang galing mo talaga magluto" puri ko na siyang ikinangiti niya.

"Glad you like it"

"Sino ba namang hindi magugustuhan itong luto mo? Alam mo in the future, ang swerte ng mapapangasawa mo" nawala ang pagkakangiti niya.

"How could you say that?" salubong ang kilay na aniya.

"Because I know you will be a good husband" sagot ko at ngumiti. Napaiwas siya ng tingin at pinigilan ko ang mapangiti nang mapansin kong unti-unting pumupula ang kanyang tenga. Natutop ko na lang ang aking labi.

"Tara kain na tayo"

Habang kumakain kami, bigla akong tinawag ni Argus kaya napatingin ako sa kanya.

"By the way, Fielo will accompany you later" napatigil ako.

"Bakit?" tanong ko.

"We're going abroad in the next few days right? And you need some clothes so Fielo will help you to buy your things" napa-ahh ako. Oo nga pala, muntik kong malimutan na mangingibang bansa nga pala kami gaya ng sabi niya noong nasa hospital pa ako.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon