Chapter 30: Insane

1.7K 33 1
                                    

His Point of View

"Argus son, kumalma ka muna" napasuklay ako sa aking buhok.

"How the heck can I calm down Dad? She left. She just left with a note on my table!" hinawakan ni Dad ang balikat ko at sapilitan akong pinaupo sa sofa. Nandito kami ngayon sa loob ng bahay.

"Kumalma ka muna at mag-usap tayong dalawa nang sa ganon ay alam natin kung ano ang gagawin natin" huminga ako nang malalim. Wala na akong nagawa dahil maging si Dad ay seryoso na rin.

"Nag-iwan din siya ng sulat sa akin" natigilan ako sa sinabi niya.

"She did?" tumango si Dad.

"She must be really a skilled assassin. Nagawa niya iwan ang sulat na ito sa mismong kuwarto ko nang hindi ko man lang napapansin" napaawang ang aking labi.

"And there she confessed everything to me. Her identity, as well as her contribution to Elena's death" natahimik ako. Hindi ko akalain na maging kay Dad ay aamin si Paris tungkol sa pagkatao niya.

"Do you really love her Argus?" tiningnan ko si Dad ng diretso sa mata.

"I do Dad. I fucking love her so much and it makes me crazy thinking that she left me" tumango-tango siya.

"She is asking for forgiveness about what she did. Alam natin pareho na may dahilan din siya kung bakit niya ginawa iyon. At kahit sino namang tao, gagawin ang lahat mailigtas lang ang taong nagluwal sa iyo. I can forgive her son, because I know how good she is to you and how much you love her" napayuko na lang ako.

"Kilala rin natin ang De Vegas. Gagawin nila ang lahat makuha lang nila ang gusto nila. Sadyang nakakalungkot lang dahil isa si Paris or should I say Rietta? Isa siya sa mga taong nasira ang buhay dahil sa organisasyong iyon. Hindi naging madali ang pinagdaanan niya" bumuntong hininga ako. Hanggang ngayon ay para bang hindi ko pa rin maprocess ang lahat ng nabasa ko.

"Kung nandito ang Mommy mo, sigurado akong mapapatawad niya rin si Rietta. Although nabigla ako sa mga nalaman kong ngayong araw na ito, hindi ko rin naman maitatanggi na napalapit na siya sa akin, sa pamilya natin. But son, you had a contract with her?" napatingala ako sa kanya at napaayos ng upo.

"Dad I can explain" mabilis kong sabi.

"You better should" seryosong aniya. Napalunok ako.

"Sinabi mo kasi na hindi mo ipapasa ang mafia sa akin hangga't wala akong napapangasawa kaya naman ginawa ko ang lahat para makahanap ng maayos na babae. And when I was admitted at the hospital, I met her. She saved a boy and there she caught my attention. Nalaman ko rin na may amnesia siya pero inalok ko pa rin siya ng kontrata"

"Dapat yung kontrata, magtatagal lang hanggang sa maipasa na sa akin yung trono. But tables have turned. I fell for her and she is to me. That's the first time I ever fall inlove to someone and it was one of the best feelings I ever felt. Mas lalo pa akong natuwa nang malaman kong may nararamdaman din siya para sa akin so we had an agreement to make the contract void. But Dad, I am telling you, the marriage is legal. It was registered and I bet you also checked for that" napahawak si Dad sa kanyang sintido.

"I did check that. I just want to make sure that your relationship with her is real" sabi niya.

"It is real. Walang halong pagpapanggap ang lahat ng ipinakita at ipinaramdam ko sa kanya. I was also stunned about what I discovered today but unlike you Dad, I already have a hunch about on who she is"

Ikinuwento ko kay Dad yung araw na bumisita kami sa bahay nila Paris at nakita ko yung katana na pagmamay-ari niya.

"So, what's your plan now?" napahilamos ako sa aking mukha.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon