Chapter 13: Kiss

1.9K 44 3
                                    

Her Point of View

Dali-dali akong sumunod kay Argus paakyat ng hagdan. Hanggang sa pumasok siya sa isang kuwarto kaya pumasok din ako. Napapikit na lang ako nang malakas niyang isinara ang pinto.

"What's with that act Paris? Are you trying to piss me off?" salubong na salubong ang kilay niya.

"Uy hindi ah! Wala naman kasi talaga akong nakikitang mali------"

"Then choose him instead!" natutop ko ang aking labi nang talikuran niya ako. Tapos ay kumuha siya ng unan at ibinagsak ang katawan sa kama.

Oh my goodness. Talaga bang nagseselos siya?

I don't know why pero napangiti ako dahil sa naisip ko. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Mukhang ito na ang kuwarto niya. Gaya ng kuwarto niya sa bahay, organisado ang lahat ng gamit. Walang kalat na makikita.

Ibinalik ko ang paningin ko kay Argus na ngayon ay nakadapang nakahiga sa kama niya. Naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa gilid ng kama.

"Uy, bangon ka na diyan. Baba na tayo. Baka hinihintay na tayo ng pamilya mo sa labas" wika ko at sinundot-sundot pa ang kanyang braso.

"Nandoon naman si Harrison. Kayong dalawa na lang ang magsama. Tsk" hindi ko na napigilan ang muling pagngiti.

"Nagseselos ka ba talaga Argus?" diretso kong tanong.

"So what if I am?" nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Hindi ko naman akalain na aaminin niya. Pinilit kong hila-in ang katawan niya paharap sa akin at nagpahila naman siya kaya ngayon ay nakikita ko na ang mukha niya.

"Bakit ka naman magseselos sa kapatid mo? Kapatid mo yun" he rolled his eyes. My ghad! Did he just rolled his eyes!? Aba daig pa ako ng lolo niyo!

"Still, he's a guy and almost the same age with us. You both seem so close which is an eye sore for me. I know I should not feel this way but the hell, I-----" mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi na siyang nakapagpatigil sa kanya.

"I only see him as a brother okay? Wala kang dapat ikabahala" nakangiti kong sabi.

"D-did you just kiss my cheek?" hindi makapaniwalang aniya. Natawa naman ako at tumayo na.

"Hmm. Ewan ko. Bumangon ka na diyan bilis at lumabas na tayo. Nagugutom na ako" walang ano ano'y bigla siyang tumayo at sumunod sa akin.

"Hey wife! You kissed my cheek right?" para siyang timang na bubuntot-buntot sa akin. Bakit tinatanong niya pa yan!? Eh halata naman ang sagot!

"Argus naman, alam mo na ang sagot sa tanong mo" narinig ko ang pagmura niya na ikinatawa ko.

"Putangina. Can you do it again?" sinamaan ko siya ng tingin.

"He! Magtigil! Bilisan mo na nga diyan!" ani ko at patakbo lumabas ng bahay nila. Pagkarating namin sa likod ng mansion kung nasaan ang kaayusan, tumambad sa akin ang napakaraming tao. But then Argus stand beside me and guided towards them.

"Nako mga anak ako, bakit ang tagal niyong bumaba? Kanina pa namin kayo hinihintay" sabi ni Mama nang makalapit kami sa kanila.

"Panigurado yung isa diyan nagpasuyo" hirit ni Harrison at tinutop ko ang aking labi para pigilan ang pagtawa. Sinamaan naman siya ng tingin ni Argus.

"Oh shut up Harrison. Baka hindi kita matantya" tinawanan lamang siya ng kapatid. Mukhang normal lang naman kasi ang ganitong turingan nila sa isa't isa which I find funny and cute. Itong si Harrison ay matrip habang si Argus naman ay pikon.

"Halika na kayo at ipakikilala ko si Paris sa kanila"

Wala na akong nagawa nang hilain ako ni Mama papunta sa maraming tao kung nasaan din si Papa. Nang mapansin ako ni Papa, lumapit siya sa akin at ngumiti.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon