Chapter 42: Downfall

1.5K 30 0
                                    

His Point of View

Pagmulat ng mata ko, kumirot ang buong katawan ko kaya napamura ako sa aking isipan. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at napagtanto ko na nakakulong nga pala ako sa isang saradong kuwarto na walang kalaman-laman kundi kaming dalawa lang ni Fielo.

"Boss, gising ka na pala" napatingin ako sa gilid ko. Nakita ko si Fielo na gaya ko, puno rin ng bugbog at sugat ang katawan.

"Putanginang Lancer iyon. Kung wala lang akong tali sa katawan, baka napatay ko na siya" nanggigigil kong saad. Mahinang tumawa si Fielo.

"Malamang tatalian ka 'non boss. Takot na lang niyang mapatay mo siya. Mukha naman siyang duwag kung wala lang mga asungot niya sa tabi niya" napabuntong hininga na lang ako.

"I miss my wife" bigla kong bulalas. Damn. I want to see her right now and embrace her.

"Ako rin boss. Miss ko na si Maya. Siguradong nag-aalala na yung dalawa kung nasaan na ba tayo"

By this time, hindi ko alam kung alam na ba nila Paris kung ano ang nangyari sa amin. I don't want to make her worry but I am sure that she is worried now. Hindi maganda para sa kanya na mastress pero anong magagawa ko, hayop ang putanginang Lancer na iyon.

Hindi kami nakapalag ni Fielo nang paulanan nila kami ng bala. Hindi kami handa. Masyadong biglaan ang pag-ambush nila sa amin. Hindi rin kami armado. Natamaan pa ng bala ang kaliwang braso ko habang si Fielo naman ay may tama sa binti.

Naibaling ko ang atensyon ko sa pinto nang bumukas ito. Automatic na kumulo ang dugo ko nang makita ko na naman ang gago na pumasok dito sa loob ng kuwartong ito.

"I see. You're awake" sinamaan ko siya ng tingin.

Naglakad siya palapit sa akin. At nang makarating siya sa harap ko, napamura na naman ako nang sipain niya ang binti ko.

"Argh! Hayop ka talaga! Lumaban ka ng patas! Tanggalin mo itong tali ko nang magkaalaman tayo!" hamon ko sa kanya. Pero ang gago, tinawanan lang ako. M

"Sinong inuto mo? Iyan ang napapala mo dahil pinakialaman mo kung ano ang sa akin" napaawang ang aking labi.

"She's never yours" nagseryoso ang kanyang itsura.

"Akin lang si Rietta" nginisian ko siya.

"Really? As far as I remember, she loathed you while she loves me truly. Sino kaya sa atin ngayon ang talo?" dahil hindi ako makalaban ng pisikal, tatalunin ko na lang ang hayop na ito sa salita.

"That's not true! Rietta is mine only! She's my wife!" napapoker face ako.

"Stop being so fucking delusional Lancer. She's married with me and you can't do nothing about that. She will never be yours"

Para bang nagdilim ang paningin niya dahil sa sinabi ko kaya pinaulanan na naman niya ako ng sipa. Sumenyas pa siya sa mga asungot niya at pati si Fielo ay inumpisahan na ring bugbogin. Dahil hindi ako makalaban, wala akong nagawa kundi protektahan na lamang ang aking sarili gamit ang mga nakatali kong kamay.

Hindi ko alam kung paano kami makakalabas ni Fielo dito. But I really want to go home now.

Nang masipa niya ako sa tiyan, napaubo na ako ng dugo.

"Ano kayang magiging reaksyon ni Rietta kapag ipinakita ko sa kanya ang malamig mong katawan?" dumura ako ng dugo sa tabi.

"Tarantado" iyon na lang ang nasabi ko.

Putangina talaga. Kayang-kaya ko namang lumaban kung wala akong gapos. Pero ang hayop na ito, sobrang higpit ng pagkakatali niya sa akin at hindi ko man lang ito magawang luwangan.

His Wife Is An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon